“SWEETIE…” Nakailang tawag pa si Prix kay Ayah bago siya tuluyang maalimpungatan. Nagulat pa siya nang makita ang mukha ni Prix. “N-nakauwi ka na pala. Ano’ng oras na?” aniya na sinikap na makaupo mula sa pagkakahiga sa mahabang sofa sa may salas kung saan siya tuluyang nakatulog kanina. “Alas singko na po. Bakit dito ka sa salas natutulog? Hindi ka pa dumiretso sa kuwarto natin para sana kumportable ang higa mo.” Nakasuot pa nga ito ng business suits nito. Mukhang kagagaling lang talaga sa trabaho. “Naglalaro kanina rito si Prince,” aniya na inilibot pa ang tingin sa paligid. “Nasaan na si Prince?” baling niya kay Prix. “Nasa TV Room, nanonood na. Hindi ka na nga raw niya ginising kaya nagpasama na lang kay Alma.” Humikab pa si Ayah. “Ihahanda ko lang ang pamalit mo.” “Ako na, swe