DAHIL SA nangyari kay Ayah kaya naman halos araw-araw na sinisigurado ni Prix na maayos lang ang kalagayan ng kaniyang nobya. Noong makaramdam kasi ito nang kakaiba ay hindi talaga siya mapalagay. Lalo na nang makita niya ang pamumutla nito. Ayaw naman nitong magpapadala pa sa ospital dahil sigurado raw ito na okay lang ito. “Sweetie, okay lang ako,” ani Ayah sa kaniya. “Hindi mo kailangang magpakaaligaga sa akin. Ayos na ako.” “Sweetie,” ani Prix na naupo sa tabi ni Ayah sa may kama nila. “Hindi mo naman ako masisisi dahil sa nangyari sa iyo noong nakaraan. Okay lang ako na asikasuhin ka. Duty ko rin naman ‘yon.” “Alisin mo na po ‘yang pag-aalala mo dahil sinisiguro ko sa iyo na okay na talaga ako.” Matamang pinagmasdan ni Prix ang kaniyang nobya na hindi na ulit namumutla ang kulay