HALOS MAPIGIL ni Tanya ang kaniyang paghinga habang hinihintay ang resulta ng isinasagawa niyang pregnancy test. Ang bawat segundong lumilipas ay kung bakit kay tagal para kay Tanya. Bigla, sa maiksing sandali ay napawi ang lahat ng bumabagabag sa kaniyang dibdib simula kagabi na baka may malala siyang sakit kaya kung ano-ano ang kaniyang nararamdaman nitong mga nakaraan. At nang dumating na ang hinihintay ni Tanya ay lalong napigil niya ang paghinga nang lumabas na ang isang guhit na pula. Na sandali pa ay sinundan pa ng isa pang guhit na pula. Napahawak siya sa kaniyang bibig. Ang sabi ng assistant ng doktor na si Doctora Abuel, kapag dalawang pula na guhit ang lumabas, ibig sabihin niyon ay positibo ang pagdadalang tao niya. At lahat ng ginamit niyang pregnancy test kit ay dalawang