“MAY NAKAUSAP na ako,” bungad agad ni Thaddeus sa kabilang linya nang sagutin ni Sephany ang nag-iingay na telepono. “Tungkol sa pagpapakasal mo sa akin?” biro pa niya. “Sephany, don’t start,” saway pa nito sa kaniya. “What? Nagtatanong lang naman ako.” “Let’s get down to business.” “Oh, right. Business,” mahina niyang bulalas na alam niya na narinig pa rin ni Thaddeus. Heto na naman ito sa business nito. At some point, business lang ang tingin nito sa pagpapakasal nila. At ano pa ang gusto mong sabihin, Sephany? Na tototohanin ni Thaddeus ang pagpapakasal sa iyo? epal pa ng isang bahagi ng kaniyang isipan sa kaniya. Minabuti na lamang ni Sephany ang manahimik at itatak sa kaniyang isipan na pumayag si Thaddeus sa kaniyang kalokohang marriage proposal hindi para totohanin iyon kung