One Month Later… PAGKALABAS ni Thaddeus sa airport ay agad din siyang sumakay sa naghihintay sa kaniyang sasakyan. “Saan po tayo dederetso, Sir Thad?” tanong pa sa kaniya ni Abdon, ang driver na sumundo sa kaniya sa airport. “Sa hotel ng asawa ko,” kaswal niyang sagot. “Okay po,” ani Abdon na agad ng pinasibad ang kotse. Huminga pa siya nang malalim. Hindi kaya siya itaboy ni Sephany kapag nagpakita siya rito makalipas ang isang buwan? Ibinaling niya ang tingin sa labas ng bintana. Wala pa man, ngunit animo may mga dagang naghahabulan sa kaniyang dibdib. Kauuwi lang niya sa bansa matapos manatili ng tatlong linggo sa Germany. May inayos lang siya roong negosyo. At ngayong tapos na, balik na ulit siya sa bansa. Dumaan pa sila sa isang flower shop para bilhan ng bulaklak si Sephany.