NANG MAGISING SI SEPHANY ay magaan ang pakiramdam niya. Salamat sa sleeping pills na iniinom niya dahil sobrang effective niyon para makatulog agad siya ng walong oras. Straight iyon at walang palya. Akmang babangon siya mula sa pagkakahiga nang sa pagmulat niya ng kaniyang mga mata ay mayroong mahagip ang kaniyang paningin sa may gilid ng kaniyang kama. Bungkos iyon ng mga pulang rosas. Sa halip na matuwa ay nanikip ang kaniyang dibdib dahil sa nakita. Ipinaaalala lang niyon si Thaddeus. At saan naman iyon galing? Tumayo siya at kinuha iyon. Kahit nakasuot lang siya ng manipis niyang pantulog ay hinayon niya ang papalabas sa kaniyang silid para sermonan si Joan. Kabilin-bilinan niya rito na huwag tatanggap ng kahit na ano galing sa ibang tao. Isa pa, bilin din niya na sasabihin sa mg