“KUYA, baka gusto mong magsayaw sa plaza?” pag-aaya pa ng isang babae na kasabay ni Prix na bumili sa isang tindahan. Kumuyom ang mga kamay ni Ayah sa kaniyang naririnig at nakikita. Pini-flirt ba ng babaeng iyon ang kaniyang… Sandali siyang natigilan. Kaniyang ano? Oo nga pala. Wala silang label ni Prix kung ano sila. Ano nga ba sila? Friends with benefits? May munting kirot sa kaniyang dibdib dahil sa naisip. Pumihit na siya patalikod sa kinaroroonan ni Prix. Hindi siya makalapit dito dahil baka makita pa silang magkasama. Sa kabilang banda, ang hirap din pala ng wala kayong label ng lalaking nakakasama mo. Ang hirap mag-assume kung ano ka para dito. “Pasensiya na, Miss. Hindi ako nakikipagsayaw sa iba,” narinig naman ni Ayah na tugon ni Prix. Sunod niyon ay naramdaman na lamang