“MAY PROBLEMA BA?” takang tanong ni Ayah nang makita ang natitigilang reaksiyon ni Prix nang makatanggap ito ng tawag mula sa tiyuhin nito isang hapon. “Okay, Uncle. Manonood kami,” ani Prix sa Uncle Karzon nito bago ibinaba ang telepono. “Pakisabi kina mommy at daddy mo, pumunta sa TV Room, ngayon na,” tanging wika sa kaniya ni Prix bago ito nagmamadaling pumunta sa TV Room. Kaysa magtaka pa ay sinunod na lamang ni Ayah ang inutos sa kaniya ni Prix. Pinuntahan niya sa may indoor pool ang kaniyang ama’t ina. “Mommy, Daddy, pinapupunta po kayo ni Prix sa may TV Room. Tara na po.” “Susunod na kami, anak,” tugon ng kaniyang ina na tumayo na rin mula sa pagkakaupo. Ganoon din ang kaniyang ama. Magkaagapay na hinayon ng mga ito ang kinaroroonan ng TV Room. Sumunod na si Ayah papunta sa TV