“CHEERS?” Ngumiti pa ang Uncle Karzon ni Prix. Nasa bahay siya nito ng mga sandaling iyon. Tinanggap ni Prix ang hawak na isa pang baso ng kaniyang Tiyuhin na may lamang alak. Nagpingkian pa sila bago iyon ininom. Isang shot lang iyon at hindi na siya dumalawa pa. Inilapag na niya ang baso sa mahogany table sa loob ng Study Room sa bahay nito. “Ano’ng reaksiyon ng ama ni Ayah?” “Mas lamang ang awa sa mukha ng ama ni Ayah, Uncle.” “Hindi ba natuwa si Kuya Javier na nakakulong na ngayon ang taong dahilan ng pagbagsak niya?” “Uncle, hindi niya para pagtawanan ang sinapit ni Trivorcio. Hindi raw siya tutulad sa taong ‘yon na humalakhak pa sa harapan niya nang mawala ang lahat sa kaniya. That bastard. Alam kong kasalanan sa Panginoon ang hilingin ang pagbagsak niya. Pero deserve niya ‘yon