NANG MAKABALIK si Sephany sa kaniyang hotel mula sa pinanggalingang meeting ay dumiretso agad siya sa reception area para makausap si Windy na agad nagbigay galang sa kaniya. “I’m sorry, Madam. Wala pa po kasing nag-che-check-in na puwedeng prospect po ninyo.” Bahagya pang inilapit ni Windy ang mukha sa kaniya. “Madam, sayang naman po ‘yong nasa room 1204. Para sa akin po, ha? Mas bagay po siya sa inyo.” Tumaas-baba pa ang dalawang kilay nito. “Tigilan mo na ‘yang imagination mo, Windy. I told you, mission abort pagdating sa lalaking ‘yon.” “Bakit po? m******s po ba?” bulong pa nito sapat lamang upang marinig ni Sephany. Umiling siya. “Basta hindi siya puwede.” “Bakla po?” Minulagatan na niya ng mga mata si Windy. “Hindi rin,” aniya na ikinahinga pa nito nang maluwag. “Tawagan mo aga