KAY BILIS ng kabog sa dibdib ni Sephany nang makita ang dalang mga newspaper ni Joan Padua, ang kaniyang personal secretary. “Ano’ng nakalagay sa headline?” agad niyang tanong. “Madam…” “Ano?” halos mapigil niya ang kaniyang paghinga. Tinotoo ba ni Thaddeus ang banta nito sa kaniyang hotel? “Makakahinga na po kayo nang maluwag dahil wala po sa kahit anong headline news ng mga tabloid ang Sephany Hotel,” ngumiti pa si Joan nang ilapag sa kaniyang harapan ang iba’t ibang klase ng newspaper. “Walang labis at wala pong kulang diyan sa mga diyaryo na inilalabas sa araw-araw dito sa Manila. Wala pong reklamo regarding sa inyong hotel. Wala rin ho sa radyo o kahit sa balita sa TV.” Saka nga lang talaga nakahinga nang maluwag si Sephany dahil sa magandang balita na iyon. Talaga namang kinaba