KATATAPOS LANG mag-empake ni Sephany nang kaniyang mga gamit na dadalhin sa pagpunta niya sa rancho kasama si Thaddeus. Hindi niya maipaliwanag iyong kakaibang pakiramdam sa kaniyang dibdib. Lalo na at sa isang iglap, magigising siya na naroon si Thaddeus. Isang buwan na, ngunit wala sa hinagap niya na puwede itong mangyari. It feels surreal until this very moment. “Wala ka na bang nakakalimutan?” tanong pa ni Thaddeus nang ilabas na sa may salas ang kaniyang dadalhing maleta. Doon nakalagay ang mga gamit niya. May extra pa nga siyang hand carry na bag dahil hindi kasya ang iba niyang dadalhin sa kaniyang maleta. “Wala na. Sigurado ka ba na nakausap mo na si Joan? Baka magulat ‘yon na wala ako rito pagpasok niya bukas ng umaga.” “Kung duda ka pa rin, mag-iwan ka ng sulat sa table niy