SA PAGKAKATAONG iyon ay inalis na ni Thaddeus ang suot nitong dark sunglasses at matamang pinakatitigan si Sephany. Kitang-kita sa guwapong mukha nito na hindi ito natutuwa sa kaniyang sinabi. Para bang nagalit pa niya ito. Kahit mukha itong bubuga ng apoy ano mang oras, hindi pa rin nagpatinag si Sephany. Hindi siya nag-alis ng tingin sa binata. Wala ng atrasan ito. Tutal ay nasabi na rin niya ang talagang pakay niya rito. “Wala ako sa mood para sa mga laro mo. Pumunta ka pa talaga rito para diyan? At paano mo rin nalaman ang lugar kung nasaan ako?” Lihim na napalunok si Sephany. “Hindi ako nagbibiro. Seryoso ako sa tanong ko. At ‘yong tungkol sa kung bakit ko nalaman kung nasaan ka, aaminin ko, nagpa-background check ako. Please don’t get mad, Mr. Ballmer. It’s just that I badly need