NANG MAGKAROON ng malay si Sephany ay puro kulay puti ang nakikita ng kaniyang mga mata nang magmulat siya. Nasa langit na ba siya? Bakit puro kulay puti ang nakikita niya? Hinawakan niya ang nasa mukha niya dahil ramdam niya na may kakaiba roon. Nang bahagya niyang iangat kung ano iyon ay nakita niyang sa oxygen iyon. Ibinalik niya ang oxygen mask sa kaniyang mukha. Pero bakit may nakalagay sa kaniyang ganoon? May nakakabit ding dextrose sa kaniyang isang kamay. Gustuhin man niyang maupo ay hindi naman niya magawa. Para bang nanghihina ang lahat sa kaniya. Nang ipaling niya ang tingin sa kaniyang bandang kanan ay nakita niyang may nakayukyok sa may gilid niya. Isang lalaki. Mukhang natutulog. “K-kuya,” aniya sa mahinang tinig. Bakit pati tinig niya ay tila kay hina? Ano ba ang nan