Chapter 29 - Prix Montejero: The Former Playboy

2302 Words

RAMDAM na ramdam ni Ayah ang pamamanhid ng kaniyang pisngi na nasampal ng kaniyang Daddy Javier. Hindi pa man nito sinasabi ang dahilan kung bakit ito galit na galit sa kaniya ng mga sandaling iyon ay nagkakaroon na ng kutob si Ayah. Nanginginig ang kamay niyang humawak sa kaniyang namamanhid na pisngi. “Kaya naman pala mukhang enjoy na enjoy ka rito sa San Diego at tila ba wala ng balak magpasundo pauwi sa Manila,” mariin pang wika ni Daddy Javier. Kitang-kita ang pagpupuyos niyon. Natatakot man ay sinikap iyong itago ni Ayah nang ibalik niya ang tingin sa kaniyang ama. Kahit ngayon lang, gusto niyang magpakatatag sa harapan ng kaniyang ama. “A-ano po ba ang ikinagagalit ninyo, Daddy?” tanong niya na hinayaan lang ang mga luha sa pag-uunahang bumagsak sa kaniyang magkabilang pisngi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD