Five Years Later… PAGPASOK PA LAMANG ni Prix sa Sephany Hotel ay hindi niya alam kung ngingiti ba o ano dahil mukhang pinaghandaan ng kaniyang bunsong kapatid na si Sephany ang kaniyang pagdating sa pagmamay-ari nito na isa sa mga luxury hotel sa Makati City. May mga naghelera kasing staff sa pagitan ng entrance door ng hotel at mga nagsipagyukuan pa sa kaniya tanda ng pagbati. Sa isip ay napapailing na dumiretso siya sa kinaroroonan ng elevator. Dahil naging mas busy nitong mga nakalipas na taon sa Cebu at Davao, kaya naman ngayon lang siya napadalaw sa pag-aaring luxury hotel ng kaniyang kapatid. Sa halip na dumiretso sa bahay ng kanilang mga magulang ay mas pinili niyang sa hotel na iyon dumiretso pagdating niya sa Maynila. Kung hindi pa siya pababalikin ng kaniyang Uncle Karzon