PART 4

2298 Words
***ZRION’s POV*** “It's your family's thanksgiving party, so you have to be there,” giit ni Felicity sa pinapakiusap niya sa akin. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko at tinitigan ang makulit na dalagang si Felicity Aguilan—ang taong tanging pinagkakatiwalaan ng Mom ko. Since Felicity graduated in college, she has spent her life in the company owned by my Mom. Wala na itong ginawa kundi sundin ang gusto ng Mom ko, maging tama man o mali. Utang na loob kasi ni Felicity sa Mom ko ang lahat ng meron siya ngayon sa buhay kaya lahat ay gagawin niya para lang mapasaya ang Mom ko. Kahit nga yata sabihan ito ng Mom ko na tumalon siya sa building ay gagawin nito. Ganoon ka-loyal si Felicity sa aking ina. “I cannot go. I had a lot of patients to see. As a doctor, I couldn't abandon them just because of that useless party,” pagtanggi ko pa rin sa malamig at pormal na tinig. “Pero, Zrion, magagalit ang Mommy mo sa ‘yo kung hindi ka pupunta. Hindi lang sa ‘yo kundi lalo na sa akin. Maawa ka naman sa akin. Baka matanggal pa ako sa trabaho kawawa naman si Nanay. Paano ko pa siya mapapa-dialysis dito sa ospital kung wala na akong trabaho,” as usual, pangungonsensya na naman niya sa akin. “Ako na ang bahala kay Nanay Nancy,” kako huwag lang niya akong dramahan. Nanay Nancy, Felicity's biological mother, used to be a butler in our house. Si Nanay Nancy ang dahilan kaya pinag-aral ng Mommy ko si Felicity hanggang makatapos. Nagbayad din si Mom sa katapatang ibinigay sa amin ni Nanay Nancy noong naninilbihan sa amin. Nga lang dahil doon ay hindi na makawala pa si Felicity sa pamilya namin. Tulad ng nanay niya ay nakatali na rin siya sa walang kuwenta naming pamilya. “Alam mong hindi ko puwedeng iasa na lang sa ‘yo si Nanay. Ako ang anak niya kaya ako dapat ang bahala sa kanya. Ngayon kung gusto mong tumulong sa aming mag-ina ay gawin mo na lang ang gusto ng Mom mo. Dumalo ka sa party mamaya para hindi niya ako tanggalin sa trabaho.” “Sorry, Felicity, dahil hindi mo ako mapipilit. I'm on duty here at the hospital until tonight.” Mula sa pagkakaupo ko sa aking swivel chair ay tumayo ako, hudyat na tinatapos ko na ang usapan namin. “Zrion, naman?” Kulang na lang ay maglupasay si Felicity sa may harapan ko. “You know me, Felicity. Partying is not my thing. Those are just a waste of time,” hands in my pocket, I said blandly. “Gusto ko lang din naman ipagmalaki ng Mommy mo dahil ganap ka nang doktor, that you finally finished your residency. Ayaw mo ba niyon? Proud sa ‘yo ang Mommy mo?” “We both know she's not proud of me, Felicity. Ang gusto lang niya ay publicity para sa clinic niya. Dahil ang baby lang niya ay ang Maix Aesthetic Clinic niya. Iyon lang naman ang mahalaga sa kaniya.” Napalabi si Felicity. Tama ako, eh. Ever since I was a child, Mommy's clinic has been my competitor for her attention. Wala nang mahalaga sa kanya kundi ang mapalago ang Maix Clinic. Ni hindi nga yata niya ako nagawang kargahin noong baby ko. Pinauubaya ako sa mga naging yaya ko habang ang clinic niya ay alagang-alaga niya. Ang masaklap pa’y parehas sila ni Dad. Wala ring ibang mahalaga kay Dad kundi ang kompanya naman nito na Maixner Industries. Nagpapayaman parehas ang mga magulang ko habang ako'y lumalaki na parang mag-isa sa mundo. Hindi nga sila nakadalo sa graduation ko dahil parehas sila nasa ibang bansa that time. Kung hindi pa nga yata sinabi ni Felicity sa kanila na isa na akong ganap na doktor ngayon ay hindi pa nila malalaman malamang. Yeah, my life sucks! “Kahit saglit ka lang,” pamimilit pa rin sa akin ni Felicity. Hinawakan niya ang aking lab coat para mapigilan niya ako sa pag-alis. “Lahat ng importante at kilalang mukha sa alta-sosyedad ay dadalo kaya tiyak na madaming press. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag makita nilang wala ang kaisa-isang anak ni Doktora Vicky Maixner? Baka gawan pa ng issue ang mommy mo.” Napatitig ako sa kanya. No wonder Mom was fond of her. She's capable of anything. Kahit sa pamimilit ng isang tao. Tss! “Please, Zrion? Kahit magpakita ka lang tapos aalis ka na. Okay na ‘yon.” Hindi na ako nakasagot dahil isang warning knock ang nadinig namin sa pinto ng aking office na kagagawan ni Jhad. Sumilip ito bago nito pinihit ang seradura at pumasok. “Felicity, nandito ka pala,” pansin ni Jhad sa aking kausap. Bahagyang pang napatda, or should I say nabatombalani sa kagandahan ng dalaga. “Hi, Dr. Villela,” malambing na bati naman dito ni Felicity. And I couldn't help shaking my head when I saw Jhad's eyes shining again. Ang lakas kasi ng talaga ng tama nito kay Felicity. Nanlalambot nga raw ang mga tuhod nito kapag nakikita nito ang dalaga. “Anong ginagawa niya rito?” pabulong na tanong niya sa sa ‘kin. Kulang na lang ay magkorteng puso ang mga itim nito sa mga mata. Kalalaking tao ay kinikilig. Tss. “Uhm, kino-convince ko si Zrion na dumalo sa party ng family nila. Ang kaso duty raw siya hanggang mamayang gabi kaya hindi siya pupwede.” Sinamantala naman iyon ni Felicity. Nilapitan niya si Jhad at nilandi. Hinipo niya ang dibdib ni Jhad. “Puwede bang ikaw na lang ang mag-duty para sa kanya mamaya?” “Hindi ko alam sa kanya,” sabi ni Jhad na parang kinikiliti. I sucked in air and flashed him a withering glance. Muntik ko na talaga siyang mabatukan. Hindi ko talaga alam kung paano ito naging doktor. Ang daling mauto, eh. “Sige na,” pamimilit dito ni Felicity. Tumingin naman sa akin si Jhad. Hindi ko alam kung humihingi ng tulong o ano. “Bahala ka diyan,” I snapped. “Kung gusto mo ikaw na na lang ang pumunta. Basta ako dito lang ako sa ospital.” Then I stepped out of my office. I left them both. “Zrion!” tawag sa akin ni Felicity pero nagbingi-bingihan ako. Nagtuloy-tuloy ako ng alis. Nakapamulsa ang aking mga kamay sa pantalon ko na naglakad sa hallway, papuntang elevator. Nasa tenth floor ang mga pasyente ko. Ako kasi ang may hawak karamihan sa mga VIP patient ng Malvaro Hospital. “Good afternoon, Doc,” bati sa akin ng isang pasyente ko na inoperahan ko sa thyroid gland. Anak siya ng isang government official. May kasama itong bantay na nagtutulak sa wheelchair nito. “Kumusta po ang pakiramdam mo?” tanong ko na nakangiti. “Ayos naman po, Doc. Salamat po.” Isang magaang tapik sa balikat niya at iniwan ko na sila. “Ang guwapo niya talaga,” pero umabot pa sa pandinig ko na sabi nong kasama ng pasyente. Napangiti naman ako habang naglalakad. Inayos ko ang salamin ko sa mata bago ako lumapit sa may nurse station. Doon malapit sa Emergency Room. Kalmado naman kahit paano ang ER. “Good afternoon, Doc,” bati sa akin ni Nurse Roxanne kasabay ng pag-abot niya sa akin ng isang tablet, ang Electronic Health Patient Record. “Thank you. Nagkape na kayo?” kako habang pinapasadahan ng tingin ang mga record ng mga pasyente kong ira-rounds ko mayamaya lamang. “Hindi pa, Doc. Libre mo kami?” nakangiti hanggang tainga na tanong ni Nurse Lina. “Sure. Sabihin niyo na lang ang pangalan ko,” sabi ko naman sabay kindat. Kinilig nang sabay-sabay ang apat na nurse. Tuwang-tuwa talaga sila kapag nililibre ko sila, at okay lang naman sa akin ‘yon. “Hindi lang talaga ikaw ang pinakaguwapong doktor sa balat ng lupa, Doc Maixner. Ikaw pa ang pinakagalante sa lahat,” pa-cute na saad ni Nurse Kara. "True!" segunda ni Nurse Jess. “Naku, Zrion, huwag mon ini-spoiled ang mga babaeng ito. Mga nasasanay na. Ang kakapal na ng mukha,” sabi naman sa akin ni Head Nurse Karena. Ngumiti lang ako. “Zrion! Zrion!” Hanggang sa naabutan na naman ako ni Jhad. “Este Doc. Maixner,” pagtatama muna nito sa tawag sa akin at ngumiti sa mga nurse. Hindi kasi puwede na pangalan lang ang tawag namin sa isa’t isa kapag on duty kami sa ospital. “What?” tanong ko sa kanya, sa tablet pa rin ang tingin ko. Instantly, my smile was gone. May kutob na akong hindi maganda ang sasabihin sa akin ni Jhad. Nagkamot siya ng ulo. “Sorry, pero napapayag ako ni Felicity. Ako na ang magdu-duty para sa iyo mamaya. Ako na muna ang bahala sa pasyente mo.” I sighed with impatience. Sinamaan ko siya ng tingin. “Sorry na. Ang lakas kasi ng hipnotismo ng babaeng iyon talaga. Namalayan ko na lang na umo-oo ako sa kanya. Tapos binantaan niya ako na kapag hindi ko tutuparin ay ipapatanggal ako ni Mommy mo... este ni Doktora Vicky dito sa ospital,” paliwanag pa ng pasaway. Pabigla kong isinaksak sa dibdib niya ang tablet. Naubo naman siya. “Sorry na,” pahabol na sigaw ni Jhad nang lumakad ako paalis. Ibig sabihin ay pumapayag na ako. Do I have a choice? Wala na, dahil ayaw ko namang matanggal sa ospital si Jhad. Alam kong gagawin talaga ni Felicity na ipatanggal si Jhad sa pamamagitan ng impluwensya ni Mommy oras na hindi ako sumipot sa walang kuwenta nilang party. “I will wait for you outside." Nakangiting-tagumpay si Felicity nang makita niya akong pabalik sa office ko. I ignored her and sighed, torn between patience and annoyance. Damn-it-all! Not long after, nakita ko na lang ang sarili ko na pinapalitan ang panloob kong blue scrub ng plain black shirt. Saglit lamang ay palabas na ako ng malaking ospital. “Hop in,” sinundo agad ako ni Felicity sa harapan sakay ang mamahaling kotse niya. “I have my car,” I refused. Diretso ako sa kinapaparadahan ng kotse ko. Ang hindi ko alam ay sumunod siya’t nauna pang sumakay sa akin. Bumukol ang dila ko sa pisngi ko’t pumanaywang. Binigyan ko siya ng tinging nagsasabi na anak ako ng boss niya. Ipinaalala ko lang naman sa kanya. Makulit nga lang na nag-peace sign lamang siya sa akin. Ibinuntong-hininga ko naman na ang inis ko. Ano pa bang asahan ko sa isang Felicity Aguilan? Mas nagagawa pa nga yata niya ang lahat ng gusto niyang gawin kaysa sa akin na tagapagmana ng dalawang kompanya ng Maixner... daw. “I know you’re upset pero dahan-dahan lang sa pagda-drive. Remember wala pa akong asawa,” sabi niya sa akin nang sumakay na ako sa likod ng manibela. Hindi ko siya pinansin. Pinaandar ko na ang makina at umalis sa Malvaro Hospital. “Wait, may chat sa akin sa clinic. May dapat daw akong pirmahan. Puwede bang dumaan muna tayo doon?” At talagang request pa niya. Napapikit na talaga ako sa inis. “Please? Mabilis lang ‘yon,” sumamo niya. Nagngitngit ang mga ngipin ko. Kaya ayaw kong nagkaka-girlfriend dahil sa kaartehan ng babae tulad nito, eh. Badtrip. “Sige na.” Walang imik na pinaikot ko ang manibela. Pinaramdam ko na lang ang inis ko sa pamamagitan ng mga nagdadabog kong kilos. Tamad talaga akong magsalita kapag naiinis ako. Mayamaya lamang ay ipinarada ko sa tabi ng kalsada ang kotse ko. Hindi ko na ipinasok pa sa main building ng Maix Clinic at baka lalo lamang kaming magtagal doon. To my surprise, hindi pa ako nagtatagal na pumarada doon nang bigla ay may matabang babae na nagsalamin sa aking kotse. Napapangiwi ako at napapaiwas ng tingin nang bigla na lang niyang pinisil-pisil ang mga taba nito sa katawan. “What the hell is she doing?” naibulalas ko sa inis. At nang hindi ako nakatiis ay bigla akong labas. "Miss, hindi salamin ang kotse ko para pagsalaminan mo," galit na kumpronta ko sa kanya. Gulat na gulat na napaatras ang matabang babae. Lumuwa talaga ang mga mata niya na animo'y nakakita ng multo. "You should go to powder ro—" sasabihin ko pa sana. "Eiiihhhhhh!!!!" pero bigla-bigla ay nagtitili na siyang umalis. “O!” Nagulat pa ako nang bigla siyang matapilok. At dahil isa akong doktor ay nabahala ako na baka nasugatan siya. "Miss, are you okay?" Dinaluhan ko siya’t inalalayang makatayo. "Sorry po," ngunit sabi lang niya at ngiwing-ngiwi na iniwan ako ulit. Mabilis siyang naglakad. Lakad na parang may nakaipit sa kanyang mga malalaking hita. Napapangiwi na lang ako habang tinatanaw ko siya ng tingin. Ang taba kasi, eh. “Anong tinitingnan mo? Si Ateng Mataba?” bigla ay boses ni Felicity. Nakabalik na pala na hindi ko namalayan. “Wala,” kako lamang at bumalik na sa aking kotse. Inis ko pa dahil kinailangan ko pa siyang businahan. “Sorry. Bigla kasing nagkaroon ako ng magandang ideya nang makita ko si Ateng Mataba. Alam mo kasi ay may bagong produkto na ila-lounch ang clinic. Isang slimming product galing Korea at gusto ni Doktora ay mag-isip daw kami ng kakaibigang advertisement para doon. Iyong unique daw para makilala agad ang product at matalbugan ang mga ibang pampayat na kumakalat na sa merkado ngayon,” pagdadaldal na naman niya kahit hindi naman ako interesado sa mga pinagsasabi niya. “Hmm... mukhang kakailanganin ko si Ateng Mataba, ah. Buti na lang nakita mo siya, Zrion. Ang galing mo talaga,” sabi pa niya na excited. Tinampal-tampal niya ang braso ko. “I’m driving,” pagsusuplado ko naman. “Ay, sorry.” Natatawang umayos na siya ng upo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD