PART 5

1823 Words
***ZRION’s POV*** “At bakit nandito ka? Bawal ka munang umalis, ah? Mamaya niyan wala ka na.” I flashed Felicity a withering glance. “Ang sabi mo sa akin ay saglit lang ako dito. But what time is it?” “Hindi kita pinagloloko noong sinabi kong saglit ka lang dito sa party. Pero anong magagawa ko kung ang tagal dumating ni Mrs. Monahan na gusto kang makilala. She very much want to see you,” Felicity reasoned out sweetly. “Sorry na.” “And who the hell is she? Asawa ba siya ng Presidente para hintayin ko?” “Actually, parang ganoon na nga kasi wife talaga siya ng Presidente. President and chairman nga lang ng Inshan Group hindi ng ating bansa.” I rolled my eyes and muttered drily. Who does not know the Inshan Group which includes well-known different companies in the country? Wala yata kung kabilang sa mga elite o vip na mga tao ang tatanungin. “Konting tiis na lang, Zrion. Parating na ‘yon,” paglalambing pa sa akin ni Felicity. I sighed. I hated the party even more. But when I have my breath back, “Oras na dumating siya ay aalis na ako,” I said to her. “Shoot,” Felicity agreed. She raised her glass in a toast but I ignored it savagely. Sumimsim ako sa wine ko na hindi nakikipag-toast sa kanya. “Kaya hindi nagkaka-girlfriend, eh,” mahinang sabi ni Felicity. Dapat ay bulong iyon pero halatang ipinarinig niya talaga sa akin. I shot her a narrow glance. “Umalis na kaya ako?” at banta ko sa kanya. Doon siya nabahala. “Sorry, sorry, paano kasi ang suplado mo. Para kang nasa lamay at hindi sa party. Tingnan mo nga iyang nguso mo. Ang haba, oh. Sayang ang kaguwapuhan mo, eh.” Itinuro niya ang bibig ko. Tinabig ko ang kamay niya. My magnificent dark eyes seemed to flash fire any moment. “Baka nakakalimutan mo na pinagbigyan lang kita kaya nandito ako. No, mali pala. Blinakmail mo nga pala si Jhad kaya napilitan akong pumunta. Tapos nanlalait ka pa?” “Grabe ka naman.” With difficulty, Felicity suppressed a laugh. Subukan lang niya akong tawanan. “Ang gusto ko lang naman sana ay mag-enjoy ka. Nandito ka lang din naman na, eh, bakit hindi ka makipagkilala sa mga naggagandahang dilag diyan sa tabi-tabi? Para namang mag-iba naman ang ambiance mo. Hindi iyong lagi na lang mga pasyente ang nasa paligid mo. My ghad, hindi ka ba nagsasawa sa mga taong umuubo ng dugo o hindi naman ay naliligo na sa sariling dugo? Hindi ka ba naririndi na nagrereklamo na may masakit silang nararamdaman pero sige naman sa bisyo? Etsetera... etsetera...” “Ang dami mong sinabi,” I hissed. “Sorry, naka-carried away lang,” pakikay na palusot na naman niya. Napapikit at napatingala ako konti. Kung hindi ako makakapagpigil talaga ay pag-uuntugin ko sila ni Jhad. “Pero seryoso, dito ka na lang ba talaga sa tabi? Magbibilang ng tao? Ayaw mong makihalubilo?” “I already told you. I don't like such occasions,” walang ganang saad ko. “Paano ka makakapag-asawa niyan kung gano’n?” busangot ang mukhang reaksyon ni Felicity. “Try mo lang. Ayon si Nerisse. Kanina ka pa niya tinatanong sa akin. Type ka pa rin niya kaya hindi ka na mahihirapan sa kanya.” Hindi ako nag-react pero sadyang may kakulitan talaga si Felicity. “Gayahin mo ang pinsan mong si Jagr na nakalimang babae na yata. Wait, tawagin ko si Nerisse para magkakilala kayo,” anito sabay tungo sa table ng babae. I do know Nerisse. Maliban sa isa na itong sikat na commercial model ngayon ay naging batch ko siya noong high school. At noon pa may ay malimit na siyang magpapansin sa akin. Hindi ko lang siya binibigyan ng oras dahil ang priority ko noon ang pag-aaral ko. Ginusto ko kasi noon na higitan ang mga magulang ko. Sinabi ko na magtatagumpay ako para makuha ko ang atensyon nila at panahon. Subalit hindi ko rin pala magagawa dahil nasa ugat na yata talaga ng Mom at Dad ko ang pagpapayaman hanggang uugod-ugod na sila. Alam ko na wala ring magiging silbi kung sasabihin ko na tumigil na sila sa mga kompanya nila, na ako na ang bahala sa kanila. Malamang pagtatawanan lang nila ako. Nakita kong itinuro ako ni Felicity kay Nerrise. Mabilis ko namang ibinaling ang tingin ko sa ibang direksyon. And speaking of Mom, siya ang nakita ko. Masayang-masaya siya na nakikipagkuwentuhan sa mga amiga niyang nuknukan din ng mga yaman. I felt a deep sadness as I watched her. At least masaya siya sa piling ng ibang mga tao. Binutoms-up ko ang aking alak. Suddenly I wanted to drown myself in alcohol. “Zrion...” agaw-pansin sa akin ni Felicity nang makalapit sila sa akin. Akmang ipapakilala na niya sa akin ang maganda at sexy na dalagang si Nerisse. “Doktor! Kailangan namin ng doktor dito! May naputol po! May naputolan doon!” Subalit naudlot dahil sa malakas na sigaw ng isang babae. Ang lahat ng emosyon kong nararamdaman sa mga sandaling iyon ay tumakas sa aking dibdib nang marinig ko iyon. Marahas kong ibinaba ang baso sa table. “Hindi mo kailangang pumunta, Zrion. Remember nandito ka para mag-enjoy.” Mabilis na hinawakan ako ni Felicity. Tiningnan ko muna siya ng masama bago ko binawi ang aking kamay. “Kunin mo ang emergency kit ko sa kotse!” at sabi ko sa kanya kaysa magalit. “Pero, Zrion?” “Move!” bulyaw ko pa sa kanya bago tumakbo palapit sa sumisigaw na babae na nangangailangan ng tulong. “I’m a doctor. What happened?” kako sa kanya. Ang namumutla niyang mukha ay tumitig sa akin. Ninenerbyos siya. “Si... si Sir Jagr po.” Lalong nakunot ang noo ko dahil ang pinsan ko ang tinukoy niya. “Where’s Jagr?” “Dito po. Dito po, Sir.” Nagtatakbong iginiya ako ng babae sa isang kuwarto ng villa na inupahan ni Mommy para lamang maganap ang ipinagmamalaki nitong thanksgiving party. Madami ang sumunod sa amin, kasama na si Felicity at Nerisse. “Jagr!” tawag ko sa pinsan ko nang makita ko siya sa kama. “Zrion, help,” sabi niya habang namimilipit sa sakit. Nakaupo siya sa gilid ng kama at dugo-dugo na ang puting kumot at kobre-kama. Nilapitan ko siya at sinuri. “Why are you bleeding? What happened?” “Jagr, nabalian ka ba ng paa?” tanong din ni Felicity. Ito ang may lakas-loob na pumasok sa kuwarto. Ang iba ay nakasilip na lamang sa pinto. “No!” angil niya sa akin nang akmang tatanggalin ko ang kumot sa kandungan niya. Lalong napapadaing sa nararamdamang sakit. “Dapat kong makita ang dumudugo sa ‘yo,” kako. “Hindi po kasi ang paa niya ang dumudugo, Doc,” sabad ng babae kanina. “Then what?” Nawiwirduhan akong tumingala sa kanya. Pero nang napansin kong naka-roba lamang pala siya at nakahubad naman si Jagr ay naunawaan ko na ang senaryo between them. “Iyong ano po. Iyong ano po niya. Iyong p*********i niya po,” nahihiyang sagot ng babae. Alam ko na sabay-sabay kaming lahat na lumaki ang mga mata. Ako, si Felicity at ang mga taong nakikiusyoso. Umungol naman si Jagr. “Puwede bang isara niyo ang pinto!” Sinunod naman ni Felicity ang utos nito. Tinungo niya ang pinto at humingi ng paumanhin sa mga usyosero bago isinara. Makahulugang napatitig naman ako kay Jagr. Kahit hirap na hirap ito ay kita sa mukha niya na nahihiya siya sa akin. While shaking my head, I stood. Napapala ng playboy, I thought. “Hoy, insan, anong ibig sabihin niyan? Hindi mo ako gagamutin?” Nabahala si Jagr. “Teka, Jagr. Ano ba kasing nangyari?” usisa na ni Felicity sa magaling kung pinsan. Tumingin si Jagr sa babae. Sumunod ang tingin namin ni Felicity. Nagyuko naman ng ulo ang babae. “Kagagawan ko po. Napalakas po yata ang pag-lollipop ko sa ano niya,” paliwanag na ng babae. Lumaki na naman parehas ang mga mata namin ni Felicity. Sabay rin na ibinalik namin ang tingin kay Jagr. “Malay ko bang may pagkahalimaw pala ang babaeng ‘yan,” pagrarason pa ng luko-luko. Ang lakas ng naging buntong-hininga ni Felicity. “Ngayon ka pa talaga nag-eskandalo. Lagot ka kay Doktora." “Saka na ang problema na ‘yan,” angil ni Jagr sa dalaga. Pagkuwa’y tiningnan niya ako’t ngumawa. “Insan, gamutin mo na ako, please? Huwag mong hayaang dalhin pa ako ospital. Mas nakakahiya kapag gano’n.” “Hindi ko magagamot ‘yan dito. You need to be taken to the hospital. Kailangan maoperahan 'yan,” I said, keeping my tone calm. Gusto na talagang magwala ni Jagr. “Kainis!” “Felicity, tumawag ka na sa Malvaro. Ipasundo mo sa chopper ang pasyente habang magsasagawa ako ng first aid,” utos ko naman na kay Felicity. Habang tumatawag ang dalaga ay sinuri ko ang nalaslas kaunti na kuwan ni Jagr. “Ano, insan? Mabubuhay pa?” ngiwing-ngiwi na tanong niya sa akin. “I hope so,” pananakot ko naman sa kanya. “Anong I hope so?! Sabihin mo ang totoo!” “Sa tingin ko ay ruptured sclera siya. Kailangan nga talagang operahan agad,” kako habang sinusuri pang maigi ang kanya. Namamaga na rin. Gusto kong matawa pero dahil professional doctor ako ay pinipigilan ko kahit pinsan ko pa ang pasyente. “Ganyan ang napapala ng sobrang l*bog. Wala na ‘yan magiging silbi. Putulin na ‘yan,” biro naman ni Felicity. “Will you be quiet!” Umaktong tatadyakan ito ni Jagr pero napadaing na naman ito sa sakit gawa ng pagkilos. “Bakit?! Totoo naman!” pang-asar pa ni Felicity saka inginuso ang babae. “Pang-ilan na ba siya ngayong gabi lang? Kamanyakan mo, eh.” “Shut up!” bulyaw na naman dito ni Jagr. “Nakatawag ka na ba sa ospital?” nakita kong nahiya na nang husto ang babae kaya sabad kong tanong kay Felicity. “Oo.” “Dapat sinabi mong bilisan nila dahil kapag hindi naoperahan ito agad ay mahirap na,” sabi ko. “Sinabi kong utos ni Doktora Vicky kaya fifteen minutes nandito na siguro sila.” “Good.” Tumango-tango ako. “Bakit, insan? Anong mangyayari kapag hindi ako madala agad sa ospital?” Nahintakutan na naman si Jagr. Pilyong ngumiti ako sa kanya. “Of course, hindi na ‘yan titigas kahit kailan.” “Nooooo!” Lalong nagngangawa ito. Dinaig na ang bata na inagawan ng lollipop. Hindi niya alam na nagpapasalamat naman ako sa nangyari sa kanya. Finally, makakaalis na ako sa lugar. Hindi ko na kailangan na hintayin si Misis Monahan. Lalong hindi ko na kailangang pakisamahan ang mga magulang ko sa pakitang-tao lamang na okasyon nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD