PART 6

1854 Words
***ZRION’s POV*** “Anong nangyari?” malakas na tanong sa akin ni Jhad nang salubungin niya kami kasama ang ilang Emergency Medical Specialist. Tulak-tulak nila ang isang stretcher para sa pasyente. “Ruptured sclera,” sagot ko sa kanya habang nakikialalay sa pagbaba kay Jagr sa chopper. Napangiwi si Jhad sabay tingin sa banda ng pasyente kung saan napuruhan gawa ng pagkikipag-s*x ng wild. “Ihanda ang operating room. Pinsan ko siya,” mando ko naman sa iba. “Yes, Doc,” sagot sa akin ng isang nurse at unang tumakbo na siya pabalik sa loob ng ospital. Ang iba’y tulong-tulong naman inilipat si Jagr sa stretcher. “Teka ikaw ang mag-o-opera? Hindi ba’t may okasyon kayo ngayon sa inyong villa?” Alanganin si Jhad sa gusto kong mangyari. “Sayang naman ang porma mo?" Tiningnan ko ang aking sarili. Suot ko pa pala ang aking suit. “Insan, huwag mo akong pababayaan. Gusto ko pang magka-junior,” ngawa naman sa akin ni Jagr nang idaan siya sa harapan namin. Naging hudyat iyon upang hubarin ko na ang aking suit tutal naman ay wala na akong balak na bumalik pa sa kasiyahan. “Ako ang mag-o-opera sa kanya dahil pasyente ko siya,” at saka seryosong sabi ko kay Jhad kasabay nang pag-abot ko sa kanya sa aking suit. Pagkatapos ay nakitulak na rin ako sa stretcher. “Gusto mo lang tumakas sa party ng mommy mo, eh!” pahabol na sigaw sa akin ni Jhad pero kunwari ay hindi ko na siya narinig. “Doc. Maixner, sa OR 3 po,” salubong sa amin ng nurse na kaninang inutusan kong ihanda ang operating room. “Okay,” tugon ko sa kanya. Dineretso na nga namin sa Operating Room 3 si Jagr. “On 3, 2, 1.” Pati sa paglipat dito sa operating bed mula sa stretcher ay nakitulong ako. Mayamaya pa’y isinigawa ko na ang pag-oopera sa kanya. At awa ng Diyos ay naging successful naman ang operasyon. Tiniyak kong madami pa rin siyang madadala sa langit na mga kababaihan at kung mamalasin ay mga mabubuntis. “Good job,” puri sa akin ni Jhad nang bumungad siya aking opisina. “Para lang makawala sa party ay pati trabaho nang may trabaho ay inako mo na. Magaling kang doktor ka, Dr. Zrion Maixner,” pero sa huli ay panlilibak naman niya sa akin. “Tapos na ang duty mo. Umuwi ka na’t makapagpahinga. Ako na ang bahala dito,” kako habang isinusuot ang aking white coat kaysa patulan. Kailangang maiwala ko siya sa usaping iyon dahil natitiyak kong hindi niya ako titigilan sa pang-aasar niya. Prenteng umupo siya sa receiving area ng office ko. “You know what, hindi ko talaga maintindihan bakit parang isinusuka mo ang pagiging anak ng isang Donya at Don. Kung ibang tao ka lang, kung ako siguro ikaw, malamang mas pinipili kong makipag-party na lang gabi-gabi kaysa ang nandito sa ospital at nagpapakapagod.” “Iyon ay dahil iba ako sa inyo. Mas gusto ko naman na magligtas na lang ng mga buhay kaysa sayangin ko ang oras ko sa mga ganoong bagay na walang mga kuwenta,” pagdadahilan ko naman. At iyon ang katotohanan. “Ewan ko sa ‘yo, pare.” Pinagkuros ni Jhad ang mga paa. Umiling-iling. “Pero ganito nga siguro ang buhay. Ang pinagkaitan ay naiinggit sa mga biniyayaan. At ang biniyayaan ay naiinggit naman sa mga pinagkaitan.” “Yeah. You could be right,” sang-ayon ko na lang kaysa makipagdiskusyon sa bagay na iyon. Ni hindi ko siya tiningnan. Ang mga mata ko’y nasa aking repleksyon na sa salamin. Sinisuguro kong maayos na ang aking hitsura bilang doktor. “Sana ako na lang ikaw. Tagapagmana ng dalawang kompanya. Wow, ang sarap siguro ng buhay kapag gano’n. Madaming magagandang babae na nakapaligid. Kahit mapunit din ang pagkalalak* ko tulad ng pinsan mo ay okay lang,” nangangarap na sabi pa ni Jhad. Kapag talaga tungkol sa kalokohan ay magaling siya. Napailing-iling akong tinapunan siya ng tingin. “Sa labas lang ako. Kailangan kong magkape para mawala ang nainom kong alak,” tapos ay sabi ko upang makaiwas sa kanya. Walang anu-anong iniwan ko na siya. Naputol ang pag-i-imagine ni Jhad. Taranta siyang napatayo at humabol sa akin. “Sabay na tayo kung gano’n. Inaantok na rin ako. Kailangan ko ring magkape.” Nagkibit-balikat lang ako nang pumantay siya sa akin sa paglalakad. “Libre mo ako, ah?” pangungulit pa niya. I gave him a scathing look. Ngayon ko lang napansin na parang nasasanay na ito sa libre mula sa akin. Parang hindi na tama. Abusado na ang gunggong. “Hep, pinag-duty mo ako ngayon na dapat nasa bahay ako at naghihilik na. May utang kang pabor sa akin baka nakakalimutan mo,” pero dahil mabilis na sabi niya ay hinayaan ko na. Saglit lamang ay makikita na kaming dalawa na palabas ng malaking ospital. Bagaman hindi naman kami nagmamadali ay malalaki ang aming mga hakbang patungo sa pinakamalapit na cafe. Bumili kami ng tag-isang brewed coffee. “Sana talaga hanggang bukas walang code blue nang makapagpahinga naman tayo nang maayos,” may angal sa tono na wika ni Jhad nang nagtambay muna kami sa labas ng ospital. At hindi ko siya masisisi dahil dalawang araw na kaming laging busy. Ang term na "code blue" ay isang hospital emergency code na ginagamit namin upang tahimik na malaman naming lahat na empleyado ng Malvaro Hospital na may medical emergency na nagaganap nang hindi naaalarma pati ang mga ibang tao, lalo na ang mga pasyente. Katulad ng cardiac arrest at respiratory issues. May medical app na naka-install sa aming mga cellphone na nag-a-alert bigla-bigla. “Sana,” tipid na sang-ayon ko ulit sa kanya kasabay nang pagkapa ko sana sa aking cellphone sa bulsa ng lab coat ko. “Aisst, ‘wag mo nang tingnan,” ngunit pigil sa akin ni Jhad. Napangising nagkibit-balikat ako. Hindi ko na nga inilabas ang aking cellphone. Titingnan ko lang sana at baka tinatawagan na ako ni Felicity pero mamaya na lang. “Hindi ka ba hahanapin ni Felicity sa party?” tanong ni Jhad. “Hahanapin pero alam na niyon na hindi ko na gustong bumalik pa doon kaya for sure hindi na niya ako pipilitin,” I replied and took a couple of sips from my coffee. “Hay, sana ako na lang ang hanapin niya. Sa ganda niyang iyon ay handa akong sumama sa kanya kahit saan,” nangangarap na naman na sabi ni Jhad. Ginusto ko na talaga siyang batukan upang maalog ang isip niya at nang maisip niya na imposibleng patulan siya ni Felicity. Subalit hindi ko nagawa dahil bigla-bigla ay may tumigil na puting van sa tapat naming dalawa at biglang nagsilabasan ang apat na kalalakihan. Nagulantang at takang-taka kami parehas ni Jhad. “Doktor kayo?” maangas na tanong ng maskuladong lalaki sa akin. “Oo, bakit?” sagot ni Jhad. “Kunin niyo na ang dalawang ‘yan, gunggong!" sigaw naman ng isa pang lalaki na nasa loob ng van. “Wait!” angal ko nang hawakan ako ng dalawang lalaki at pilit hinila. “Nagkakamali kayo! Hindi ako doktor! Isa lang akong male nurse!” palag naman ni Jhad. Ito man ay hinawakan na rin ng dalawa pang lalaki. “Bitawan niyo ako!” Nanlaban na ako. Sinubukan kong makawala ngunit hindi biro ang mga lakas ng dalawang lalaki. Animo’y bato ang mga katawan nila na hindi matitibag. “Bitawan niyo kami!” Si Jhad. Sinubukan din niyang makawala ngunit tulad ko ay wala rin siyang magawa. Sa halip ay napasubsob siya kalsada nang suntukin siya ng isang lalaki. “Jhad!” Ninais ko siyang tulungan ngunit mabilis na akong naipasok ng dalawang lalaki sa loob ng van. “Huwag ka nang pumalag, Doc. Hindi naman namin kayo sasaktan,” sabi sa akin ng nakangising driver ng van. “Sandali! Hindi niyo puwedeng gawin ito!” Hindi ko siya pinakinggan dahil hindi ako naniniwala sa sinabi niya. Binuksan ko pa rin ang pinto ng van. Sakto na nakita ko si Doc. Sillano na dumadaan. “Doc, tulong! Kinikidnap nila kami!” paghingi ko sa kanya ng saklolo. "Hoy, ano 'yan?!" Nakuha ko naman ang atensyon niya at lumapit. Subalit bigla na lamang ay pinalo siya ng baril sa ulo. “s**t!” Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa. Si Jhad walang kalaban-laban na naisakay na rin sa van. Mayamaya ay si Doc. Sillano naman ang ipinasok. Imbes na matulungan niya kami ay nadamay pa siya. “Sino kayo? Saan niyo kami dadalhin? Anong kailangan niyo sa amin?” mga tanong ni Jhad nang paalis na ang van sa premises ng ospital. Ako nama’y nakiramdam na lang. At hindi ko na kailangang tanungin ang mga lalaki dahil kitang-kita naman sa hitsura nila na mga sanggano sila o miyembro ng mga sindikato. Hindi na nakakapagtaka kung mangidnap o mananakit sila ng mga tao. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kami na mga doktor ang kinuha nila ngayon. Anong mapapala nila sa amin? “Manahimik ka!” singhal ng isang lalaki kay Jhad kaysa sagutin siya. Muntik na siyang sikuhin sa mukha kaya iniharang ko ang katawan ko sa kanya. “Hindi niyo siya kailangang saktan,” matapang na sabi ko kahit na ramdam na ramdam ko rin sa dibdib ko ang matinding kaba. “Kung pera ang kailangan niyo ay wala pa kami niyon. Kakatapos lang namin sa pagiging residence doctor namin. Nag-uumpisa pa lang kami bilang ganap na mga doktor kaya wala pa kaming mga pera,” sabi pa ni Jhad. Nadagdagan pa ang kaba ko. Huwag sanang masabi ni Jhad na anak ako ng mayaman. Sana kahit ngayon lang ay mapigilan nito ang kadaldalan. “T-Tulong. Tu-tulungan niyo ako.” Hanggang sa narinig kong boses ng lalaki na nakikiusap sa may bandang likuran ng van. Napakunot ang noo ko na luminga roon. Humihingal ako na nakiramdam. Hindi ko man kasi kita ay alam kong nahihirapan sa kondisyon niya ang lalaki. "Tulong..." boses pa ng lalaki. I muttered an unprintable oath. Hindi ko na talaga gusto ang nagaganap. Pakiramdam ko nga ay lumaki ang ulo ko’t tumindig ang lahat ng balahibo ko sa katawan. “Pakawalan niyo ako!” muli naman sa pagpupumiglas si Jhad. “Sabing manahimik ka!” singhal na naman sa kanya ng lalaki. Aktong ihahambalos nito ang hawakan ng baril sa ulo ni Jhad. “Huwag, Baldo. Kalma ka lang. Kailangan natin ang mga iyan,” buti at mabilis na awat ng isa pang lalaki rito. “Huwag kang maingay. Kundi lagot ka sa akin,” babala na lang ng lalaki na Baldo pala ang pangalan kay Jhad. Sinenyasan ko na rin ang aking kaibigan na manahimik. Naisip ko na kasi na wala naman yatang balak na masama sa amin ang mga lalaki. Siguro ay may ipapagawa lang sila sa amin. Ang malaking tanong nga lang ay kung ano iyon? Ano ang ipapagawa ng mga lalaki sa tulad naming mga doktor? At anong kinalaman ng taong umuungol sa likuran ng van? Buong byahe ay naniningkit ang mga mata ko na nakikiramdam sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD