PART 10

2431 Words
***LEREN's POV*** “Diyos ko, wala na ba talagang ibang paraan para makapasok sa website na ito? Kailangan talagang magbayad ako ng isang milyon,” parang tanga na ako sa stress habang sinusubukan ko pa ring i-access ang website ng mga EXODUS. Kulang na lang ay isumpa ko na kung sino mang nilalang ang nag-create ng website. Ang arte! Pero mas maarte kung sino man ang mga anim na member ng EXODUS. Feeling sikat ng mga ugok. Tae ba nila gold? Para kailangang magbayad ng ganoong kamahal ang mga taong makakita sa kanila? Nakakaligtas ba ng kasalanan ang pagmumukha nila? Ang sakit nila sa bangs, ah! “Tse!” Hanggang sa sinimangutan ko na talaga ang laptop. I gave up. Kahit kasi si Pareng Goggle ay hindi masabi kung sino ang mga legit na member ng EXODUS. At hindi na ako nagtaka dahil kapag may naglalabas daw sa mga larawan o kahit simpleng information sa mga member ay agad nabubura sa mundo ng internet, o kaya naman literal na nabubura sa mundo. Napalunok ako. Should I fear for my life? Hindi kaya ipabura din nila ako oras na may malaman ako tungkol sa kanila na hindi ko nakuha sa legal na pamamaraan? Umasim ang mukha ko. Na-imagine ko pa kasi kung paano nila ako i-torture bago tigukin. May hawak daw sila na mga kawayan. Alam na! Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi. Hindi dapat ako matatakot sa kanila dahil ginagawa ko ito para kay Kuya Rain. Kapag uunahin ko ang nerbyos ko sa katawan ay baka hindi ko matupad ang pangako ko sa kanya na bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay niya. Kung meron mang dapat matakot ay sila iyon. Matakot sila sa akin dahil ibubuking ko ang lahat ng sekreto nila oras na makapasok ako sa website nila. Mayabang akong nag-chin up. Paktay sila kapag napatunayan ko na may kinalaman sila sa brutal na pagkamatay ni Kuya at sa iba pang biktima ng organ trafficking. Katapusan na nila. “Leren, out na ako, hah? Bye,” paalam sa akin ng isang member ng gym na si Miss Kath. “Ang bilis mo naman ngayong nag-workout, Miss Kath?” kakong pahabol. “May date ako, eh,” sabi niya habang kumakaway. Nasa may sliding-door na siya agad. Ngumiti naman ako. Itinala ko na sa log book ang pag-alis niya. At minsan pa’y napa-‘sana all’ na naman sa ka-sexy-an si Miss Kath. Ako na talaga ang pinanganak lang yata sa mundo para maging taga sana all. Napapabuntong-hininga akong itinabi ang ballpen at baka mawala na naman. Pagkatapos ay ibinalik ko ang pansin ko tungkol kay Solomon. Hawak ko na naman ang business card niya at tinitigan. What if isangla ko? Totoong gold daw ang logo, eh? “As if naman aabot ng isang milyon ang napakaliit na gold na ito,” nga lang ay kontra ko rin mismo. Muli ay nag-alpas ako ng buntong-hininga. Pagkuwa’y para akong tamad na tamad na itinuktok sa desk ang card habang nag-iisip pa rin ng paraan. What if ipa-auction ko ang card? Sabi ni Xalene ay gustong-gusto ng mga avid fan ng EXODUS ang card? Baka ma-bid ng higit isang milyon o di nagkapera pa ako ng extra. “Paano kung malaman ng mga EXODUS na pinagkakuwartahan ko ang card nila? Eh, di natudas na ako agad?” kontra ko na naman. Nabitawan ko na ang card at pumangalumbaba ng dalawang kamay. Ay ambot! Wala, walang pag-asa para mapasok ko ang website at makita ang mukha ni Solomon. Saan naman ako kukuha ng isang milyon? Kahit magpokp*k pa ako ngayon ay imposible na makakaipon ako ng isang milyon. “Parang ang laki ng problema mo, ah?” pansin sa akin ni Corinne na bigla na lang nasa harapan ko. “Malaki talaga,” nakabusangot na wika ko. “Katawan mo na naman ba ang pinuproblema mo na malaki? Sinabi ko naman kasi sa ‘yo mas maganda kung tanggapin mo na lang na ganyan na talaga ang katawan mo. Mas matutuwa pa sa iyo si Lord,” subalit ay dagdag pa kasi niya. Umasim ang mukha ko. “Gaga ka, may iniisip lang ako dinamay mo na agad si Lord.” “Ay sorry, akala ko kasi paano pumayat na naman ang laman ng utak mo.” Inirapan ko siya bago nagtanong. “Eh, bakit ka ba kasi nandito?” “Hindi ako nakapunta kahapon, ‘di ba? Syempre babawi ako ngayon sa work out. Sayang naman 'yong ibinayad ko,” anito. Tulad nang kay Xalene kahapon ay padabog na inilapag ko sa harapan niya ng log book at record niya upang kanyang pirmahan. “Bakit ba mainit ang ulo mo?” tanong niya na natatawa. “Wala. Iniisip ko lang kasi kung paano ako magpapalit ng mga kaibigan,” sabi ko habang titirik-tirik ang mga mata ko. “Baliw ka.” Natawa na talaga si Corinne. “Ay teka, muntik ko nang nakalimutan. May naghahanap pala sa iyo sa labas ng building. Naiwan lang siya saglit kasi may biglang tumawag sa kanya. Sagutin lang daw niya ta’s aakyat na siya rito.” “Sino?” Nagsalubong lalo ang mga kilay ko. Kinilig na si Corinne. “Basta at siguradong matutuwa ka, Leren.” “Sino nga? Kilala ko ba?” Na-curious na ako. “Kilalang-kilala mo dahil siya lang naman iyong guwapo sa restaurant noon.” “Huh?” Lumabas ang double chin ko sa aking pag-ismid. “Iyong guwapo na naka-trench coat? Si nagbebenta ng kabaong kamo?” pagpapaalala pa sa akin ni Corinne. Nang may tumikhim na sa aming tagiliran na nag-uusap. At halos mamutla ang aking mukha nang makilala ko na ang lalaki na sinasabi ni Corinne. Lumuwa as in ang mga mata ko. “Naalala mo na? Baka aalukin ka ulit ng kabaong? Sabi ko nga sayang dahil late na siya kasi kakalibing lang ng kuya mo,” sabi pa ng gageh. Ngayon pa talaga nagdaldal, myghad! Hindi na talaga maipinta ang mukha ko. Hiyang-hiya ako sa lalaki. Gusto kong isigaw kay Corinne na hindi ito nagbebenta ng kabaong. “Hi, Leren,” bati pa naman niya sa ‘kin habang nakangiti. s**t! “H-Hello,” kiming tugon ko. Sana bumuka ang lupa, ngayon na, nang lamunin na ako. “Taga-Saint Peter Funeral ka ba? Ako, puwede akong kumuha ng memorial plan kung kailangan mo ng client. Naghahanap talaga ako para sa Mom ko,” at talagang hirit pa ni Corinne. Ang sarap sipain nang lumipad na ito hanggang Tawi-Tawi kalayo. “Huh?” Nagtaka na ang lalaki. Aba’y sino bang hindi kung pagkamalan ka ba namang nagbebenta ng kabaong? Nakamot-kamot ko ang likod ng tainga ko. Kasalanan ko nga pala ito. Naloko na. Mas tinamisan naman ni Corinne ang pagkakangiti niya sa lalaki. “Sabi kasi ni Leren noong una kaming nakita sa isang restaurant ay nagbebenta ka ng—” “Awat na, Corinne,” mabilis na pamumutol ko sa kanya, “sige na doon ka na’t mag-work-out na. Ako na ang bahala dito kay Sir,” tapos pagtataboy ko na talaga sa kanya. Itinulak ko pa siya na muntik niyang ikatumba. “Teka, bakit mo ba ako ipinagtutulakan? Nagmamagandang loob lang naman ako kasi sabi niya ay kaibigan mo daw siya. Kababata mo pala siya, eh,” pero nang sinabi iyon ni Corinne ay natigilan ako. “Ano kamo?” Takang-taka ako syempre na napatingin sa lalaki. Wala naman kasi akong matandaan na ganoong kaguwapo na kababata ko. Kung meron aba’y baka inasawa ko na, kaso wala nga. “Hindi mo ba ako nakikilala, Leren? Ako ‘to ang kababata mo,” patotoo na nga ng lalaki. Nagpataas iyon lalo sa isang kilay ko. Wala na tuloy akong naging choice kundi ang alalahanin kung sino siya. Pinakatitigan ko siya. Guwapo nga talaga ito. He was tall and muscled. Mukhang taong gym din. Tapos medyo wavy ang maiksing buhok nito, matangos ang ilong, makapal ang labi at kayumanggi. Sino nga ba siya? “Halla ka, paanong hindi mo nakikilala ang kababata mo?” tukso sa akin ni Corinne. “Sandali kasi!” Na nagpa-pressure sa akin lalo. Halos naka-glue na yata ang titig ko sa lalaki sa kagustuhan ko lang sana na makilala na siya. Bahagyang natawa na ang lalaki. “Ako ‘to, Leren, si Kent Adriano. Kababata mo ako sa San Dionisio,” at pakilala na nga nito habang abot hanggang tainga ang pagkakangiti. “Kent?” Nablangko pa talaga ako ng ilang segundo. “Nakalimutan mo na ako?” tampo-tampuhan niya. Ang cute. “Oo, Kent! ikaw nga! Oh, my gosh, Kent!” Naalala ko na siya. Natuwa na rin ako. Para akong tanga. Kay tagal ko siyang hinintay tapos ngayong nandito na siya ay hindi ko siya nakilala. Shame! “Kent, dumating ka na! Nahanap mo na ako!” Napayakap na rin ako sa kanya sa sobrang kasiyahan. Natawang gumanti naman siya ng yakap. “Kumusta ka, Leren? You haven’t changed a bit, have you?" Doon ako natauhan. Ang kasiyahan ko na sa wakas ay dumating na siya ay unti-unting naglahong parang bula. Bigla ko na siyang naitulak sa dibdib. “Ehem…” Naubo nga lang siya sa tulak ko. Napalakas yata. Goodluck sa mga ribs niya. Gayunman, hindi iyon ang issue. Ang issue rito ay dahil napansin ko na na hindi pala siya tumupad sa usapan namin. Hindi na siya mataba. Hindi na siya pangit. Bumalik tuloy ako sa nakaraan. Binalikan ng isip ko ang pangako namin noon ni Kent, sampung taon na ang nakakalipas… “Huwag kang mag-alala, Leren, hahanapin kita doon sa Maynila paglaki ko,” sabi noon ni Kent. “Promise mo ‘yan, ah?” inosenteng sabi ko naman habang kinikilig. Gano’n talaga, malandi na ako since birth, eh. “Oo, kaya huwag kang magpapapayat para makilala kita agad kapag hahanapin kita doon.” “Sige. Ikaw rin, ah?” pagpayag ko naman. “Oo, huwag kang mag-alala dahil kakain ako ng maraming-marami araw-araw,” nagyayabang na sabi naman niya. "Ako rin para mataba pa rin ako hanggang paglaki,” sabi ko pa. “Promise?” “Promise!” At nag-pinky swear na kami habang humahagikgik. Natutop ko ang bunganga ko nang matapos ang ala-alang iyon na simula’t sapol ay pinahalagahan ko. Buong akala ko kasi ay pati si Kent, pero malinaw na hindi pala. Ako lang pala. “Leren, ayos ka lang?” nabahalang untag sa akin ni Corinne. “Hindi ka na kumurap. Nag-aalala ako baka mahipan ka ng hangin.” Hindi ko binigyan pansin ang sinabi ni Corinne. Nakatitig lang ako kay Kent, hanggang sa naramdaman ko na naiiyak na ako. “Leren, why? Aren't you happy to see me?” Nag-alala na rin si Kent sa kakaibang inaasal ko. “Paano ako matutuwa, eh, ang guwapo mo naman na pala?! Tapos ako heto, mukhang dambuhala!” sumbat ko na sa kanya. “Huh?” Ang loko, nagmamaang-maangan pa. Kunwari ay hindi alam ang pinagsasabi ko. Iuntog ko kaya sa pader nang maalala niya iyong promise namin sa isa’t isa? “Naku, pasensya ka na sa kanya, Kent. Hindi na naman yata niya nainom ang gamot niya kaya baliw-baliwan na naman siya,” pabirong pagtatanggol sa akin ng walang kaalam-alam na si Corinne. Akala niya ay nakakatulong siya pero lalo lamang niya dinagdagan ang sama ng loob ko. “Woaaahhh!” Ngumawa na ako. “Hoy!” Sa gulat ay pinalo niya ako sa braso. “Anong nangyayari sa ‘yo?! Nakakahiya!” “Leren, okay ka lang? May masakit ba sa ‘yo?” Nilapitan na rin ako ni Kent. Akma niya akong hahawakan. “Don’t touch me! Taksil ka!” Ngunit hindi ako pumayag na pahawak. Madramang inilayo ko ang kamay ko. “Taksil? Ako?” Lalo naman siyang naguluhan. Wait, bakit nga ba kasi taksil ang naging litanya ko? Ah, hayaan na nga. Basta need kong mag-moment dahil nalinlang ako at masakit na masakit iyon sa damdamin ko. “Hindi kita mapapatawad, Kent! Galit ako sa ‘yo! Hindi mo alam pero pati tutong ng kanin kinakain ko para lang sa ‘yo! Pati pagkain na dapat sa aso na ay sisimutin ko pa para lang sa ‘yo! Tapos… tapos…” Over reacting ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa at paa hanggang ulo bago nagpatuloy sa aking drama. “Tapos, ganyan ka na pala! Ang sakit!” Napangiwi na talaga sina Corinne at Kent sa mga pinagsasabi ko. “I hate you!” sabi ko na lang na sinundan ko ng pag-walk out. Nagtatakbo ako palabas ng gym. Ayaw ko siyang makita. Ayaw ko nang makita pa ang isang Kent Adriano kahit kalian. Nga lang ay napatigil ako sa hallway nang maalala ko ang bag ko. Ayaw ko man ay bumalik ako dahil wala pala akong pamasahe kung itutuloy ko ang pag-alis ko. “Pasensya ka na sa kaibigan ko. Siguro nanghinayang siya dahil ang mahal ng kabaong na nabili namin sa kuya niya. Baka naisip niya na mas makakamura sana siya sa ‘yo,” narinig ko na sinabi ni Corinne kay Kent. Ang gaga, pinu-push talaga iyong kabaong. “Sorry, Miss, pero hindi ako nagbebenta ng—” pagtatama na sana rito ni Kent. “Leren, please let’s talk,” pero dahil nakita niyang bumalik ako ay nalipat ang atensyon niya sa akin. “Ayoko! Naiwan ko lang ang bag ko!” pagsusuplada ko. Padabog na hinaklit ko ang strap ng sling bag ko at bitbit iyon na muli akong nag-walk out. “Leren, wait!” Habol sana sa akin ni Kent. “Subukan mong sumunod nang lalo akong magalit sa 'yo!” pero dahil banta ko sa kanya ay natigil siya. Mas binilisan ko na ang alis. Umiiyak ako na sumakay sa isang jeep. Ang sama-sama ng loob ko. Hindi ko talaga matanggap na binali ni Kent ang sumpaan namin. Kaya naman pala hindi ko siya mahanap kahit sa social media ay dahil iba na ang kanyang hitsura. Buong akala ko talaga ay mas mataba pa siya ngayon sa akin tulad noong bata kami. Ang sama niya! Pinaasa niya lang ako! Hindi na pala kami bagay sa isa’t isa! Napaiyak ako lalo. Wala na akong naging pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao. Ngayon lang naman ako nag-emote ng ganito dahil sa love, pagbigyan na lang nila ako. “Miss, dalawa na bayaran mo, ah, para makaalis na tayo? Malaki kasi, eh,” subalit ay panira sa moment na sabi sa akin ng konduktor. “Oo na!” singhal ko sa kanya. Kita niyang emote na emote ako, eh. Hindi man lang pinaglagpas. Ay naku naman talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD