PART 9

2839 Words
***LEREN's POV*** Mula sa pagkakayakap sa dibdib ay maayos na ipinatong ko ang larawan ni Kuya Rain sa may taas ng kanyang tokador. Nagpasiya akong sa kuwarto niya mismo ilagay lawaran niya na nakapatong sa kabaong niya buong burol upang sa ganoon ay mapangalagaan. Camera shy kasi si Kuya kaya iilan lang ang picture niya na maayos. Mula nga lang sa ID niya iyon na pinalaki lang dahil noong hiningian ako ng punerarya ay wala akong mahagilap na latest picture niya. Pati tuloy sa bagay na iyon ay naawa ako sa kanya. “Diyan ka lang, Kuya, ah? At dito lang din muna ako. Huwag kang mag-alala at magkikita ulit tayo. Ikumusta mo na lang muna ako kina Nanay at Tatay. Sabihin mo sa kanila na ang healthy-healthy ko pa rin kaya ‘wag silang mag-aalala sa akin,” madamdaming sabi ko nang kinausap ko ulit ang larawan niya. Papatak nga na naman sana ang mga luha ko pero dahil itinangala ko ang ulo ko ay napigilan. Pinilit ko ring ngumiti nang naisip ko na magkakasama na ang pamilya ko sa piling ni Lord. Wala na akong dapat iyakan. At sa aking pagbaba ng tingin ay nahagalip ko ang isang pamilyar na kulay itim na business card na sumusilip sa ilalim ng tokador. Yumukod ako kinuha iyon. Nahulog siguro ni Kuya nang hindi niya namamalayan. ‘SOLOMON (EXODUS)’ Iyon ang mababasang pangalan na naka-emboss sa kulay gintong mga letra. Sa ibaba niyon ay mayroong address din pero parang hindi kumpleto na address. Maliban do’n ay may design na kulay ginto saka isang logo na kulay ginto rin. Natatandaan ko na. Ang hawak ko ay ang card na ipinakita noon sa akin ni Kuya. Napaisip ako. Pinuntahan kaya ni Kuya noon ang address? “Ate Leren, tubig niyo po,” subalit nailayo ang pag-iisip ko sa bagay na iyon nang narinig kong sigaw ni Tupe sa may labas. Ang delivery boy ng tubig na suki namin ni Kuya. “Saglit,” malakas na sagot ko. Madali akong lumabas sa kuwarto ni Kuya habang hawak ang card. “Magkano?” tanong ko kay Tupe nang pagbuksan ko siya ng pinto. “Twenty-five pesos pa rin, Ate.” As usual, siya na rin ang nagpasok ng tubig sa kusina. Kinuha ko ang bag ko sa may divider para kumuha ng pambayad. Pero dahil hawak ko pa pala ang business card ay inipit ko muna iyon sa pocketbook na binabasa ko na nasa loob din ng aking bag. “Salamat,” sabi ko kay Tupe nang inabot ko sa kanya ang bayad kasama na tip. “Salamat din, Ate Leren, at condolence po ulit.” Tipid-ngiti lamang ang iginawad ko sa kanya. May nagsabi kasi sa akin sa burol ni Kuya na bawal mag-thank you kapag may nag-condolence. Hindi sinabi kung anong connect pero dahil pamahiin daw iyon kapag may patay ay sinunod ko na lang. Nang muli akong mag-isa sa bahay ay kay lalim ng buntong-hininga na pinakawalan ko. Gabayan na lang sana ako ni Kuya para malagpasan ko ang matinding kalungkutan ng pagiging mag-isa na sa mundo. ********* MAKALIPAS ang ilang araw matapos ang libing ni Kuya Rain ay parang walang nangyari na bumalik ako sa pagpasok sa trabaho. Nagdadalamhati pa rin ako syempre, pero hindi naman tama na dalhin ko sa gym ang kalungkutan ko. Mahirap man ay kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko at alam ko ito ang gusto ni Kuya na gawin ko. Mumultuhin ako niyon panigurado para sermunan kung maglulungkot-lungkotan pa rin ako. Ayaw na ayaw pa naman ni Kuya na malungkot ako. “Huwag ka ngang malungkot. Hindi bagay sa ‘yo. Mukha kang baboy na ayaw magpa-letson,” minsan nga ay sabi niya sa akin. Walang duda, mahal ako ni Kuya. Minsan nga lang ay sumasama rin siya sa mga taong nagpapakulo sa mga taba ko sa katawan. Minsan ang lambing niya ay idinadaan niya sa pang-aasar din sa akin. At sa mga ganoong eksena ko siya nami-miss lalo. Iyong bangayan at asaran namin sa bahay. Nilalabanan ko lang upang hindi ako lalo nahihirapan sa pagkawala niya. Hindi bale at sabi ni Detective Ryan na humahawak sa kaso ni Kuya ay itinuturing na raw na special case ang kaso. Ginagawa na rin daw lahat ng The Special Prosecution Office ang makakaya nila upang mahuli at mapanagot ang may sala. Kahit paano ay lumalakas ang aking loob kapag nakakausap ko ang mabait na si Detective Ryan. “Ayos ka na ba talaga, babs?” tanong sa akin ni Xalene isang araw na nag-gym ulit ito. “Oo, pimps, at salamat sa inyo ni Corinne.” Dahil tinawag na naman niya akong ‘babs’ ay tinawag ko rin siyang ‘pimps’. “Pero bakit parang wala siya?” tapos ay hanap ko sa isa pa naming kaibigan dahil parang mag-isa lang siya ngayon. “Wala talaga si Nerds kasi magiging busy raw siya. May aasikasuhin daw sila ng adopted mom niya.” Inismiran ko siya. “Nerds? Pati si Corinne idinadamay mo sa kalokohan mo.” “Bakit? Bagay naman sa atin ang endearment natin sa isa’t isa. Ikaw babs, short for taong baboy. Ako tinatawag mo rin naman akong pimps, taong pimples. Si Corinne taong luma, kaya siya naman si nerds,” at talagang paliwanag niya pa na sinundan niya ng malakas na tawa. Ang sama talaga ng babaeng ‘to. Diyos ko lord! “Lagot ka kay Corinne,” sabi ko lamang. Hinahap ko na ang record niya upang itala ang presence niya sa gym ngayong araw. “Okay lang ‘yon. Mas maganda nga na tanggap natin ang mga flaws natin para hindi masakit. At least, alam nating tatlo na mga ngetpa tayo.” She leaned back against my desk. Pinasadahan niya ng tingin ang iba pang member na nagsisimula nang mag-work out. “Excuse me. Mataba lang ako pero hindi ako panget. Baka kayo lang na dalawa,” mataray na pagtatama ko sa kanya. Nilingon niya ako at nakaangat ang gilid ng labi niya. Namimilyo ang ngiti niyang sinuri ang buong pagkatao ko isama na pati na kaluluwa ko. “Saang banda ang ganda mo, babs? Nasa may small o big intestine mo ba kaya hindi makita?” sabi ko na nga’t panlalait niya. Animal talaga. Sinimangutan ko siya. “At huwag mong sabihin nasa puso mo dahil alam ko pati ‘yan ay may damage na sa dami ng taba mo,” kaso ay dagdag pa talaga niya. “Ang dami mong alam. Pumirma ka na nga lang dito,” nakairap kong ibinagsak sa harapan niya ang log book pati na ang membership record niya. Protocol iyon sa gym. Trabaho ko rin na ilista ang bawat galaw ng mga papasok at mga lalabas. Humagalpak pa siya ng tawa bago naghingi ng gagamitin sa pagpirma. “Nasa’n ballpen?” Tumingin ako sa kanan at sa kaliwa ng desk, pati na rin sa drawers. “Sino na naman kumuha ng ballpen dito!” At banas na malakas na malakas na sigaw ko dahil por dios por santo nawawala na naman ang ballpen ko. Lagi na lang! Lalong nagtatawa si Xalene. “Baliw ka. Dahil lang sa ballpen nambubulabog ka.” “Paano lagi na lang nawawala. Buti kung sila ang bumibili. Afford nilang magpa-member sa isang gym pero ang bumili ng ballpen hindi nila kaya?” High blood na talaga ako. “Baka naman hindi sinasadya na nadadala lang,” pagtatanggol ni Xalene sa mga magnanakaw ng ballpen. “Eh, di sana ibalik nila kapag nakita nilang ballpen iyon ng gym!” kako pa rin. Nahihiya na humarap si Xalene sa mga customer ng gym. “Pasensiya na po kayo. Ganito lang talaga kapag hindi natutunawan ng pagkain sa katawan. High blood.” “Uhm!” Binatukan ko na talaga siya. “Aray ko! Masakit, ah!” angil niya. “Anong hindi natutunawan ng pagkain?” “Tagalog ‘yon ng slow metabolism. Hindi ba ganoon ka? Very slow pa nga sa iyo kaya nagtatambay muna sa mga bilbil mo ang mga kinakain mo?” paliwanag niya bago kumaripas ng takbo sa may mga thread mill habang humahalakhak. “Dehuta ka talaga!” sigaw ko naman sa kanya. Ang mga customer nagtawanan na sa amin. Inis na inis ako sa kaibigan ko habang naghahanap ng ballpen. Ngayon na talaga ako nagsisisi bakit hinayaan kong magpa-member ang taong pimples na ito. Nadagdagan lang lalo tuloy ang nang-aalipusta sa akin. At reyna pa talaga ng mga bully ang nadagdag. Asar ko naman talaga, oo. Nang wala talaga ang ballpen sa desk ay sa bag ko na ako naghanap. Nakahanap naman ako. May ballpen pala sa pocketbook na binabasa ko na nakaipit. Pero kasabay nang pagkuha ko sa ballpen sa pocketbook ay ang pagkalaglag sa isang kulay itim na business card. Kunot ang noo na pinulot ko iyon. Nawala na pala sa isip ko ang tungkol sa card. “Ano ‘yan, babs?” Bigla ay hinablot iyon ni Xalene. At nakita kong lumaki ang mga mata niya nang parang nakilala rin niya ang card. “Business card ‘yan ng magiging boss sana ni Kuya,” sagot ko. Kinilatis iyon ni Xalene. Sa harap at sa likod. Paulit-ulit. Itinapat pa nga niya sa ilaw. “Legit ba ‘to?” “Anong legit? May mga paganoon kahit sa business card?” Para sa akin ay papel lang ang turing ko do’n, eh. “Ano kasi? Parang ganito iyong nakita ko sa isang magazine na nabasa ko. Na-feature na ang card na ito doon.” “Anong magazine?” “Magazine iyon ng luxury lifestyle na laging binabasa ng Madam ko, kaya nakikibasa na rin ako. Mga tungkol sa pinakamayayamang tao sa buong mundo. At sumikat talaga ang magazine na iyon noong i-feature nila ang EXODUS members.” Kinuha ko ang business card at binasa. “May exodus nga na nakasulat. Apelyido ba ito?” “Gaga, hindi. Ang EXODUS ay ang tawag sa grupo ng mga anim na lalaking super guwapo na ay super yaman pa. At dahil may SOLOMON diyan ay syempre si Solomon ang nagmamay-ari niyan.” Nakalabing tumango-tango ko. “Teka, paano pala napunta sa Kuya mo ang isa sa mga card niya? Eh, balita ko kahit ang card ng mga member ng EXODUS ay napakahirap hanapin o magkaroon. Sabi nga sa mundo ng mga mayayaman ay isa ka na sa pinakamasuwerteng nilalang kapag binigyan ka nila ng card nila.” Kinilabutan naman ako sa mga pinagsasabi ni Xalene. “Kita mo ‘yang logo na ‘yan?” Itinuro ni Xalene ang business card na aking hawak. Amaze na amaze talaga siya. “Oo, ‘di ba lahat naman ng card ay may logo? Pati nga ATM ko may logo ng mga bangko,” sabi ko naman. “Gaga, hindi ‘yan basta-basta na logo. Kung totoong card ‘yan ni Solomon ay totoong ginto ‘yan. 24 karat gold ‘yan.” “Weh?” hindi makapaniwalang naibulalas ko. “Ayaw mong maniwala. Wait.” Dinukot ni Xalene ang cellphone niya sa sport bra niya. Doon isinuksok ng gaga. Kadiri pero dahil seryoso ang topic namin ngayon ay palampasin ko na lang. Interesado na ako sa pinagsasabi niya tungkol sa akala ko ay simpleng calling card lang na ibinigay ng isang mayaman kay Kuya Rain, pero hindi pala simple lang. Pero sana totoo ang pinagsasabi ni Xalene dahil kung hindi ay uupakan ko na talaga siya. Ibibitin ko talaga siya patiwarik, makita niya. “Heto. Tingnan mo ang article na ito tungkol sa rare business cards ng mga EXODUS Member.” Tiningnan ko nga ang sinasabi niya at pinasadahan ng basa. Nakadetalye pa nga roon ang bawat parts ng card. At totoo ngang nakasaad doon na totoong ginto ang logo ng card. “Naniniwala ka na?” Awang ang labing tumingin ako kay Xalene. “Naniniwala ka na naka-jackpot ang Kuya mo oras na totoo ‘yan?” Kumibot-kibot ang labi ko. Nasa pagitan pa rin ako ng paniniwala at pagdududa. “Kung totoo ang sinasabi mo ay bakit naman bibigyan ni Solomon si Kuya ng card niya?” “Ewan ko. Ikaw? Wala ba siyang sinabi sa ‘yo?” Inaalala ko ang huling pag-uusap naming magkapatid. “Ang sabi niya sa akin noon ay may tinulungan siyang mayaman na lalaki. Tapos ibinigay sa kanya ang business card dahil gusto siyang kunin na tauhan.” “Oh, my gosh, babs! Hindi kaya si Solomon mismo iyon?” Napahawak pa sa magkabilang pisngi niya si Xalene habang bilog na bilog ang mga mata niya. “Malay.” Nagkibit-balikat naman ako. Si Kuya lang ang makakasagot niyon. “Ang suwerte naman ng Kuya mo kung nakita niya mismo si Solomon. Sana all.” “Bakit naman?” “Kasi nga iilang tao pa lang ang nakakakita sa totoong hitsura ng mga EXODUS member.” “Wow, hah? Ano sila mga Diyos?” Napalabi si Xalene. “Nakatago kasi ang identity nila. Katunayan hindi Solomon ang totoong pangalan ng Solomon na iyon. Alyas lang niya ‘yon. Hindi kasi daw nila ginagamit ang totoong mga pangalan nila.” Ibinuntong-hininga ko na lang ang kaartehan ng mga mayayaman. Ang daming alam porke mga peymus. “Pero, babs, suwerte talaga ang Kuya mo dahil puwede nating sabihin ito sa media para mas lalong maagaw ang interes ng kaso niya. Takot lang nila sa mga EXODUS,” suhestiyon ni Xalene nang muli siyang magsalita. Napaisip ako habang nakatitig sa card. Until it was as if someone had lit a lamp inside my mind. Naalala ko kasi na si Solomon ang pinuntahan noon ni Kuya. Hindi kaya kagagawan ni Solomon mismo ang nangyari sa aking kapatid? Hindi kaya sila ang mga sindikato at nilinlang lang nila si Kuya? Dumagsa na ang matinding galit ko para kay Solomon. Muntik-muntikan ko nang makalumos sa aking palad ang kanyang business card kahit may ginto pa iyon. “Ano? O kaya magpatulong tayo kay Detective Ryan? Sinasabi ko sa ‘yo malaki ang maitutulong niyan sa kaso. Tiyak na mabubulabog din kasi ang mga EXODUS member kaya natitiyak ko na baka isa sa kanila ay tutulong sa iyo,” pagmamalaki pa ni Xalene sa mga EXODUS niya. Animo’y napaso na ako na ibinalik ko ang card sa pagkakaipit sa pocketbook ko. “Hindi. Hindi puwede na malaman ito ng kahit sino man, Xalene.” “At bakit?” “May hinala kasi ako na baka may kinalaman ang Solomon na iyon sa pagkamatay ni Kuya,” napakaseryoso na sabi ko. “Ano?!” Nahintakutan si Xalene. “Bakit mo naman naisip ‘yan? Hindi ba’t sabi ng mga police ay organ trafficker ang gumawa niyon kay Kuya Rain? Paanong si Solomon?” “Ewan ko. Basta pumasok na lang sa isip ko. Saka hindi ba sabi mo nagtatago sa mga alyas ang mga EXODUS member. Malay mo ba mga kriminal pala talaga sila kaya ang yayaman nila. Parang sa mga nababasa ko sa Dreame App na mga Mafia Boss at mga assassin pala ang bida.” Xalene chuckled. “Kaka-Dreame mo ‘yan.” “Oh, sige nga, bakit mayayaman ang mga taong ‘yon aber?” “Syempre mga businessman sila siguro o kaya naman mga tagapagmana ng mga malalaking kompanya,” pagtatanggol pa rin ni Xalene sa mga idol niya. “Ah, hindi. Masama talaga ang kutob ko sa kanila,” giit ko rin. “Kung gano’n ay anong balak mo?” “Ang balak ko ay harapin si Solomon. Dapat kaming mag-usap,” sabi ko. Umasim ang mukha na napatitig sa akin si Xalene. “Bakit?” “Kakausapin mo kamo ang isang Solomon?” “Oo. Bakit may masama?” “Wala naman. Ang kaso ay paano aber?” “Paanong paano?” “Paano mo malalaman kung nasaan siya o saan ang bahay niya? Paano mo siya makakaharap?” “Siguro naman ay may social media account siya? Sikat siya kamo?” “Oo nga pero ang sabi ko nga ay iilan pa lang ang nakakita at nakakakilala sa kanila. Madaming naglalabasang account ng mga pangalan nila pero never na-verified kung sila ba talaga ‘yon. Baka mga poser lang. So paano?” “Wala ba siyang information man lang na mababasa online?” Dinampot ni Xalene ang business card. “Kung dito pa nga lang sa card niya ay wala na siyang information. Sa online pa kaya?” Napanguso ako. “So, sinasabi mo bang walang paraan para makita ko siya at makausap?” Madaming iling ang ginawa ni Xalene. “Maliban na lang kung magme-member ka sa website ng EXODUS.” “O, eh di magmem-member ako.” Nagkaroon ako ng pag-asa. “Iyon ay kung may madami kang pera.” “At bakit ko naman kakailanganin ang madaming pera?” “Dahil ang puwede lang makapag-member sa website nila ay iyong may mga madaming pera. Makakapasok ka lang kasi sa website nila kapag magbabayad ka ng isang milyon.” “Ano?! Isang milyon?!” Ang lakas-lakas ng boses kong ulit sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD