PART 11

2082 Words
***FELICITY’s POV*** Pagkaraan ng halos isang linggo ay saka lang na-rescue ng mga pulis sina Zrion, Jhad, at Adrian. Tatlo silang kinidnap na mga doktor ng mga hindi pa nakikilalang grupo ng sindikato. Sa kasamaang-palad, ayon sa ulat sa akin ay nakatakas daw ang mga sindikato nang ni-raid ang laboratoryang pinagtaguan nila ng mga biktima nila. Ang iba ay mga nabaril naman kaya mga namatay na. Ang ipinagpapasalamat ko na lamang ay mabuti’t nabawi pa rin ng mga pulis sina Zrion, Jhad, at Doc Adrian. Ligtas at higit sa lahat ay maayos daw ang kanilang kalagayan. “Asikasuhin niyo agad si Zrion pagdating nila. And make sure no press can get close to him, understand?” mahigpit na bilin ko sa mga tauhan ko nang maramdaman kong malapit na sila. “Yes, Ma’am,” sagot naman nila sa akin. Mga lima sila na pare-parehas mga naka-men in black. “Good.” Tumango ako ng isa bago tumingala at nag-abang ulit sa may langit. Sa sandaling iyon hinihintay ko sa may helipad sa rooftop ng Malvaro Hospital sina Zrion. Kasama ko ang ilang matataas na personnel ng ospital, mga police, at mga piling press ng mga malalaking TV network dahil naka-live coverage kanina pa ang pagliligtas kina Zrion. At nakapagkasunduan ng lahat na sa Malvaro Hospital sila dinala upang masuri agad ang kalagayan nilang tatlo. “Ayan na sila,” anunsyo ng isang cameraman nang may masilip siya sa camera nito sa ere. Bago tuluyang lumatag ang dilim ay dumating na nga ang chopper na pinagsakyan sa tatlong doktor. Noon ko nalaman na hindi lang sila pala ang na-rescue, may isa pang babae na dapat ay magiging biktima na naman sana daw ng mga sindikato. “Zrion… Jhad…” tawag ko sa kanila nang makita ko na sila. Salitan ko silang niyakap na dalawa. Wala akong naging pakialam sa sunod-sunod na mga flash ng mga camera upang kunan sila ng larawan. “Diyos ko, anong ginawa nila sa inyo?” Awang-awa ako sa hitsura nila pati na kay Doc Adrian. Ilang araw lang silang nawala ngunit pumayat sila agad at ang dungis nila. Ang mga lab coat nila na dati ay puting-puti, ngayon ay nanlilimahid na sa dumi. “Takot na takot ako, Felicity,” pagngangawa ni Jhad. Mistulang paslit na yumakap siya ulit sa akin. “Salamat sa Diyos at ligtas kayo,” kako. Kahit nawala na ang pag-aalala ko para sa kanila ay hindi ko pa ring naiwasang mapaluha. “Zrion, are you okay?” tanong ko kay Zrion. Naiyak ako sa hitsura niya. Halatang pinahirapan talaga siya dahil may mga sugat siya sa ulo at putok sa bibig. The alarming thing was that Zrion did not react. He didn't even say a single word. Kinabahan na naman ako. “Zrion?” agaw-pansin ko sa kanya. Wala pa rin siyang imik. Gayunman ay napansin ko nang parang may hinanap ang tingin nito. “Wala ang Mommy at Daddy mo pero alalang-alala sila sa ‘yo.” Mabilis kong pinahid ang aking mga luha. Sa tingin ko naman ay okay lang pala siya. “They coordinated with their acquaintances to save you. Ang kaso ay may kailangan silang daluhan na event sa California kaya napilitan silang magpunta ngayon doon,” at saka paliwanag ko nang maisip kong ang mga magulang nito ang hinahanap. Si Jhad, katulad ni Doc Adrian ay nakipagbalitaan na sa mga kasamahan nila sa ospital. Kinausap sila ng direktor. Pinalibutan sila ng mga reporters. “Actually, Madam did call earlier. Kinukumusta kung ayos ka lang ba pero sabi ko ay hindi pa kayo dumarating,” dagdag ko pa. At totoo naman iyon na nag-alala ang magulang nito sa kanya. Sadyang hindi lang talaga maipagliban ng mag-asawa ang mga bagay tungkol sa mga negosyo nila dahil para rin daw ang lahat sa anak nila ang ginagawa nilang pagpapalago sa negosyo nila—para kay Zrion. Ang problema'y iyon ang hindi ko maipatindi kay Zrion. “You don't need to explain, Felicity. Wala namang bago. Mas mahalaga pa rin talaga ang mga negosyo nila kaysa sa sarili nilang anak. Baka nga kung namatay ako ay hindi pa sila darating para salubungin ang bangkay ko,” puno ng hinanakit ang boses na wika niya. “Hindi naman sa gano’n, Zrion. Kailangan lang na—” Sinubukan ko ulit magpaliwanag upang sana kahit paano ay maibsan ang disappointment niya sa kanyang Mommy at Daddy. “Ayos lang,” but he cut me off. May mga member na ng press na lumapit sa kanya at gustong interview-in pero hinarangan ko, dahilan para tuluyang hindi ko na rin naipagtanggol sina Madam sa kanya. “I'm sorry, but Dr. Zrion Maixner is not in good condition to answer your questions right now,” professional ang boses ko na hayag sa press. Si Jhad na kilala nila bilang Doc Vellila na lang ang nagpa-interview. Ito ang maliksi pa rin. Ganadong-ganado na nagkuwento at sumagot sa mga tanong ng media. Parang hindi man lang na-trauma sa nangyari sa kanila. Ngiting-ngiti pa nga. Hindi niya tulad sina Zrion at Doc Adrian na tahimik lang. Ang nakakapagtaka pa sa akin ay nahuli ko ang masamang tinginan ng dalawa sa isa’t isa. I actually smelled something wrong between them. “Don’t worry because everything is okay now. Hindi na mauulit ang nangyari sa inyo. Nagdagdag na ng security ang Malvaro Hospital para sa kaligtasan niyong mga doktor nila,” pampalubag-loob ko na sabi pa kay Zrion. “Can I leave now?” Subalit ay parang pag-iwas niya. “I hate to say this, pero may press conference kasi kayo mayamaya lamang. Alam mo kasi’y sinubaybayan ng mga tao ang nangyari sa inyo at ang pagligtas sa inyo. Isa pa’y kailangan muna kayong masuri,” maagap kong sabi. “Pakisabi I’m not interested,” as usual ay matigas ang ulo na sabi niya. Walang anumang naglakad na nga siya paalis. “Zrion, wait,” habol ko sa kanya. Nakatingin na lamang sa amin ang mga tao sa rooftop habang paalis kami dahil sila man ay alam nilang walang magagawa upang pag-stay-in si Zrion. Walang may hindi alam na si Dr. Zrion Maixner ang kontrobersyal na tagapagmana ng dalawang taong kabilang sa pinakamayan sa bansa. Kahit lowkey na namumuhay si Zrion at hindi kinikilala kailanman ang sarili na bilyonaryo ay taglay pa rin nito ang kapangyarihan kahit hindi siya magsalita. “Kung ganoon ay anong balak mo?” tanong ko sa kanya nang mahabol ko siya sa elevator. Nakita kong sa basement ng ospital ang aming destinasyon ayon sa kanyang pinindot sa floor numbers. “Maligo,” tipid na sagot niya. “Sige, tama nga naman,” kako na medyo napahiya. Ano nga ba naman ang uunahing gagawin ng isang taong nanlilimahid? Ngunit hindi iyon ang ibig kong sabihin kaya mas malinaw ang sumunod kong sinabi nang muli akong nagsalita. “Ang gusto ng Mommy mo ay itigil mo na ang pagdo-doktor. Kung gusto mo raw ay magtungo ka sa States. Doon mo raw gawin ang gusto mong gawin matapos ang nangyaring ito.” “Okay,” pagpayag nga niya, not the usual Zrion that often countered me. “Huh? You mean magre-resign ka na talaga as a surgeon? Akala ko ba’y tahanan mo na ang hospital at pamilya mo na ang mga pasyente?” Takang-taka talaga ako dahil hindi ko iyon inasahan. “What's the point of being a surgeon if criminals are just going to take advantage of it?” hands in his pockets, he replied. Nag-vibrate sa bawat sulok ng elevator ang kanyang matinding galit. At kahit hindi ko nakikita, alam ko na kasabay nang pagtiim-bagang niya’y ang pagkuyom ng mga kamao niya. “Bakit, Zrion? Anong ginawa ng mga sindikatong iyon sa ‘yo? Anong ginawa nila sa inyong tatlo?” Isa pang dahilan kung bakit gusto ko sanang um-attend si Zrion sa press conference mamaya at saka bukas ay para malaman ko kung anong nangyari sa kanila habang kasama ang mga sindikatong iyon. Mahalaga rin ang press conference para mailabas din sana nila ang mga emosyon nila. “Wait, don’t tell me tinanggalan ka nila ng laman-loob? Anong laman-loob mo ang nawala sa iyo? Isang kidney mo ba?” OA na itinaas ko ang t-shirt niya. “Ano ba,” angal niya at napangiwi dahil sumakit yata ang bibig niyang may putok. “Sorry, sorry, pero sabihin mo sa akin kumpleto ka pa ba? Sabihin mo lang at ipapahanap ko na talaga sila kahit saang lupalop pa sila nagtatago ngayon!” matapang kong sabi, at gagawin ko talaga ‘yon. Sa tagal ko nang naninilbihan sa pamilya Maixner ay feeling ko kaya ko nang gawin ang lahat. Katunayan, kahit ang mga may matataas na katungkulan ay napapasunod ko na sa mga palad ko katulad ni Doktora Vicky. “Hindi mo alam pero sobrang natakot ako nang malaman kong isa ka sa kinidnap na doktor. Muntik ko ngang naunahan si Madam na atakehin sa puso, my gosh!” overreacting ko pa na saad. “Okay lang ako sabi.” Itinulak niya ang noo ko para mapalayo ako sa kanya. I looked at him with a trace of suspicion. “Pero bakit parang hindi?” Napahimas siya sa kanyang batok. “Kulang lang sa pahinga. Hindi komportable ang matulog kasama ang mga hayup na mga ‘yon.” “I see.” Bumalik ang awa ko sa kanya. Na-imagine ko ang isang mayamang tulad niya since birth ay kung saan-saan na lang pinatulog. Siguradong masakit nga ang likod nito. “Sige, bukas na tayo mag-usap. Pag-uwi mo sa mansyon ay magpahinga ka. Natawagan ko na si Manang Lucing. Nakahanda na lahat ng gagamitin mo. Kumain ka na rin. Lahat ng paborito mo ay ipinahanda ko rin sa cook.” “Pero hindi ako doon uuwi,” subalit ay sabi niya na muli kong ipinagtaka. “At saan ka naman uuwi?” magkasalubong ang mga kilay ko na tanong. Wala kasi akong ibang alam na place ni Zrion. Maliban sa mansyon nila at sa ospital ay wala na ako maisip na puwede niyang tuluyan pa. Kahit kasi bilyonaryo na ito bata pa lang ay hindi man lang nabili ng property. Maliban sa kotse nito ay wala na. Cellphone nga nito, outdated na sa sobrang kuripot. “Gusto ko sa villa,” aniya. “What?” Mas ikinagulat ko iyon. “Puwede pa namang tirhan iyon ng tao, ‘di ba?” Nanlaki na talaga ang mga mata ko. “You are not serious, are you?” “I’m dead serious, Felicity. I want to go home to the villa,” sagot niya. Seryoso nga dahil ipinakita na naman niya sa akin ang nakakamatay niyang tingin. Nakangiwi ako na naiwanan niya nang nagbukas na ang elevator. Mabuti na lamang at nahabol ko pa siya sa basement. “Zrion, sandali...” Hirap na hirap ako sa heels kong seven inches na hinabol siya hanggang kotse niya. “What?” Nilingon niya ako at tamad na hinintay ang sasabihin ko. “Look. Hindi ka puwedeng umuwi sa villa niyo sa lagay mong iyan. Ang layo-layo doon tapos walang mag-aasikaso sa iyo,” pigil ko na sa kanya. Hindi kasi puwede ang gusto niya dahil kalkula ko ay walong oras ang byahe bago marating ang probinsya ng Santa Monica kung nasaan ang Maixner Villa. “Hindi ba’t may caretaker doon? Si Mang Igme ba ‘yon?” “Wala na siya. Namatay na siya limang buwan na ang nakakalipas kaya for sure ang dumi na ngayon ng villa. Hindi ko pa kasi naasikaso ang pagkuha ng kapalitan niya,” paliwanag ko. He sighed, then rubbed his forehead. Napaisip. “At saka kailangan mo talagang maligo at kumain. Kung babayahe ka na ganyan ang kalagayan mo ay baka wala ka pa sa kalahati ay hindi mo na kayanin. You can’t drive on an empty stomach, Zrion. Kung gusto mo talagang doon ka muna ay ipagpabukas mo na lang ang pagpunta. Ayusin mo muna ang sarili mo sa ngayon,” ingganyo ko pa sa kanya. Hindi talaga ako makakapayag na magmamaneho siya sa ganoong sitwasyon. Para pa ngang inaantok na siya. “Fine,” nang sa wakas ay desisyon niya. My deep breath escaped in a whoosh. Sobra kasi akong naginhawaan. Thank God, dahil hindi niya ipinagpilitan ang gusto. Mahalaga sa akin Zrion, hindi lang dahil anak ito ng mga boss ko kundi dahil parang kapatid ko na siya, kaibigan, kapamilya at kapuso na rin. Idagdag pa na madami na rin siyang nagawa at naitulong sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD