PART 12

2390 Words
***LEREN’s POV*** “TATLONG DOKTOR NA KINIDNAP, LIGTAS NA!” ang breaking news na bumungad nang buksan ko ang TV. Subalit kaysa matuwa ako dahil ligtas na ang crush kong si Dr. Zrion Maixner ay ngumawa ako ng iyak. Sinadya ko talagang buksan kasi ang TV upang kako ay hindi naman ako mukhang tanga na iyak nang iyak. Akala ko kasi ay drama na ang palabas hindi pa pala. Pero okay na rin, at least ngayon ay may makikita nang iniiyakan ko kaysa kanina na para akong tanga. “Buti ka pa, crush ko, tapos na ang problema mo. Ako, ito, nadagdagan pa. Saklap,” sabi ko kay Dr. Zrion nang i-close up ang mukha niya sa TV. “Yay!” Ang kaso ay parang inirapan niya ako. Ang talim kasi nang naging tingin niya sa camera. “Galit ka?” kakong nakaismid. Pero saglit lang ay ipinilig ko ang aking ulo. Hindi na nga ako tanga pero nagmukha naman akong nababaliw na dahil kinakausap ko na ang TV. Hay! Dumukot ulit ang kamay ko ng tissue sa tissue box. Subalit napatingin ako roon dahil wala na akong makuha. At lalong umasim ang mukha kong basa ng luha nang nakita kong naubos ko na pala ang tissue kakaiyak. Nasa paanan ko na pala lahat, at lahat may uhog ko na. Sisinghot-singhot na parang batang nagmamaktol akong humalukikip. Tapos na ang balita sa TV tungkol sa mga doktor na dinukot daw ng mga sindikato, nagpatalastas na kung kaya wala na naman akong choice kundi ibalik ang isip ko tungkol kay Kent. “Leren! Leren! Hahanapin kita paglaki ko at pakakasalan! Hintayin mo ako sa Maynila!” Ang bumalik na naman sa balintataw ko na isinisigaw noon ni Kent habang hinahabol niya noon ang bus na sinakyan namin ng pamilya ko nang araw na nilisan namin ang probinsya. “Oo! Pangako!” sagot ko naman habang nakasungaw sa bintana at kumakaway sa kanya. Nasa edad onse ako at edad katorse naman si Kuya Rain nang nagpasya noon ang mga magulang namin na lumipat sa Maynila kaya naiwan ko si Kent sa San Dionisio. Gayunman ay hindi ko siya nakalimutan, lalong-lo na ang pangako namin noon sa isa’t isa na hindi magpapapayat. Kaya nga ganito na nanatili akong dambuhala. Ang totoo, kasinungalingan na umiinom ako ng mga pampapayat. Ang katotohanan, kahit bumibili ako ng mga iba’t ibang produktong pampayat ay hindi ko naman mga iniinom. Kunwari ko lang ang lahat dahil ang totoo ay nagsayang lang ako ng mga pera. Nagpapabudol lang ako para may resibo na sinusubukan ko namang magpapayat kuno. Sinasabi ko lang din na nagda-diet ako para makaiwas sa mga tukso ng mga tao, pero ang totoo hinding-hindi ko talaga nagawa na mag-diet kahit isang beses lang. “Wala kang isang salita, Kent! Isa kang malaking paasa!” ang sama-sama ng loob ko na wika nang matapos ang mabilis na pagbabalik-tanaw ko na naman sa nakaraan. Ang malaking braso ko na ang ipinampunas ko sa mga luha ko. Buwisit kasi na Kent Adriano! Sana hindi na lang siya dumating! Sana hindi na lang pala kami nagkita pa! Dinaan ko ang gigil ko sa pagpatay ng TV gamit ang remote. Inisip ko na si Kent ang TV na pinatay ko. Deserver naman niya, eh. “Ang drama mo, hoy! Hindi bagay sa baboy ang umiyak!” Nang bigla-bigla ay sumungaw ang mukha ni Xalene na parang multo sa may bintana. “Ay, multong madaming pimples!” gulat-gulatan ko naman para makaganti agad. “Kita mo ‘to!” Naasar niyang itinuro ako. Muntik na tuloy akong matawa. Baliw kasi, eh. “Leren, buksan mo itong pinto,” boses naman ni Corinne. Magkasama pala ang dalawang pangit. Good luck na naman ang buhay ko nito. “Sandali…” Napilitan nga akong itayo ang napakabigat na katawan ko at pinagbuksan sila. Kahit na ang gusto kong gawin sana ay i-double lock pa ang pinto at patayin na lahat ng ilaw para lumayas na sila. Ang kaso baka kailangan ko ngayon ng mga kaibigan kaya hinayaan ko na. Pagtiyagaan ko na lang ang dalawang ito. “Hay kapagod,” sumalampak agad si Xalene ng upo sa may sofa. “At bakit kayo nandito?” Arms folded across my chest, I asked. “Hindi ka na kasi bumalik sa gym kaya nag-alala ako sa ‘yo. Tinawagan ko si Xalene para may kasama akong magpunta rito,” sagot ni Corinne. Bumuntong-hininga ako. “Ayos lang ako. Hindi na sana kayo nag-abala pa.” “Anong ayos ka diyan? Ayos ba itong naubos mo ang dalawang tissue box kakaiyak?” sabad ni Xalene habang itinuturo ang mga nagkalat sa sahig. Diring-diri ang kanyang mukha. Pumalatak ako’t iningusan siya. “Ganito mo iniyakan ang lalaking iyon, Leren? Kung gano’n tama ang hinila ko na hindi mo lang siya basta kababata?” manghang usisa na tuloy sa akin ni Corinne. Kumibot-kibot ang mga labi ko. "Hindi. Nakakaiyak lang iyong pinanood ko," pagsisinungaling ko. At dahil ayaw ko sanang pag-usapan namin si Kent ay inumpisahan kong pinulot ang mga tissue na sinayang ko. “Sinungaling. Sabihin mo sa amin, babs, anong sekreto niyo ng lalaking ‘yon, ah?” subalit ay pangungulit sa akin ni Xalene. “Wala nga,” automatic kong sagot. Wala pa ako sa mood para magkuwento. Baka lahat nang masabi ko sa kanila tungkol kay Kent ay maging masama kung pipilitin ko. Unfair kapag ganoon dahil kung iisipin kong mabuti ay wala namang ginawa ni katiting na masama sa akin si Kent noong mga bata pa kami. Ngayon lang, ngayon lang ako may bagay na hindi nagustuhan sa kanya at sumama talaga ang loob ko. Paasa pala kasi siya. Pinaasa niya ako sa loob ng higit sampung taon. “Sinungaling na oink oink,” hindi pa rin naniwalang ani Xalene. Pinanlisikan ko siya ng mga mata. “Lumayas ka sa bahay ko! Bawal dito ang madaming germs sa mukha!” “Ah, gano’n!” And she pretended a wounded look. “Subukan mong pumunta din ulit sa bahay namin! Ipapakatay na talaga kita sa mga tambay kong tiyohin para may pulutan silang patatim!” “Asa kang magpupunta pa ako doon! Ang daming surot sa bahay niyo!” “Bakit? Dito sa bahay niyo! Ang daming ipis!” “Grabe, nakakahiya,” kaysa sa dating gawi niya na awatin kami ay bigla-bigla ay sabi naman ni Corinne. Iyon ang nagpatigil sa bangayan namin ni Xalene. Sabay kaming napatingin sa kanya. “Nakakahiya ang alin? Ang surot o ang ipis?” tanong dito ni Xalene. “Hush!” Kinampayan ko siya ng kamay upang magtigil na dahil mukhang seryoso si Corinne. Sa akin tumingin ng masama si Corinne. “Kasalanan mo, Leren! Diyos ko, napagkamalan ko ‘yung tao na nagbebenta ng kabaong dahil sa mga kalokohan mo!” Napamaang si Xalene. “Sino ang nagbebenta ng kabaong? ‘Yung kababata mo, babs?” I suppressed my laugh. Wala talaga kapag itong dalawang ito ang kasama ko, lahat ng kaartehan ko nawawala, eh. Magmo-moment ka pa lang matatawa ka na, eh. “Oo, paano noong kumain tayo sa restaurant nakita na namin si Kent ta’s sabi niya nagbebenta raw ng kabaong,” nakausli ang ngusong sabi ni Corinne kay Xalene habang ang sama pa rin ng tingin niya sa akin. Ang naging tawa ni Xalene ay umabot hanggang kanto. Halagpak talaga at may kasama pang padyak-padyak sa paa. Muntik-muntikang balibagin ko ito sa nguso ng tissue box na hawak ko. “Huwag mo nang uulitin ‘yon, Leren. Nakakahiya. Alam mo bang kulang na lang ay magpakain ako sa lupa kanina nang sinabi niyang wala siyang ibinebentang kabaong?” sabi pa ni Corinne. Iyong tawa ni Xalene naging malutong pa kaya nahawa na ako. Tumatawa ako na nagpaliwanag kay Corinne. “Paano sinesenyasan kita kanina pero ‘di ka man lang maka-gets. Salita ka pa rin nang salita.” “Sa buong akala ko talaga ay ganoon siya tapos kaibigan mo pa. Syempre ako nama’y naging friendly lang,” dahilan niya. Dinampot niya ang isang throw pillow at mahinang hinampas sa akin. Tawa pa rin nang tawa si Xalene. Masakit na nga yata ang tiyan niya dahil nakawahak na siya roon. Mangiyak-ngiyak na pati. “Sorry, pero hayaan niyo na ang taong iyon. Kahit makita niyo siya ay huwag niyo na siyang kausapin,” kako nang sumeryoso ulit ako. “At bakit naman?” Sumingkit konti ang mga mata ni Corinne. Mukhang hindi nito inasahan na sasabihin ko iyon. I heaved an aggravated sigh. “Dahil paasa siya. Sinaktan niya ang puso ko.” “Luh, ang drama,” reaksyon ni Xalene. Sa wakas natigil na sa pagtawa. “Oo nga,” kako sa kanya. “Pinaasa niya ako kasi siya lang naman ang dahilan bakit nanatili akong mataba hanggang ngayon. Bakit sa tingin niyo ba gusto ko ang ganito na katawan na laging nilalait, binubully, at pinagkakatuwaan?” Ang gagang si Xalene biglang speechless. Natamaan, eh. “At anong kinalaman ni Kent doon?” Corinne asked again. Her brow puckered in so much curiosity. “Noon kasing umalis kami sa San Dionisio at lumipat dito sa Maynila dahil pumasok na guwardya ng isang factory si Tatay ay nangako kami sa isa’t isa na mananatili kaming mataba. Syempre ako naman si gaga, naniwalang tutuparin niya rin iyon. Iyon, mula noon natakot akong pumayat,” kuwento ko na. Alam ko rin naman na hindi ako titigalan ng dalawa kung hindi nila malalaman ang kuwento namin ni Kent. “Mga bata pa kayo noon?” si Xalene. Madaming tango ang ginawa ko. “Kaka-graduate lang namin noon sa elementary.” “Kasalanan mo. Ang babata niyo pa pala ta’s umasa ka?” aniya. Balik reyna ng mga bully na naman. “Xalene, may ganoon talaga,” saway rito ni Corinne. Dinilaan ko siya. “Nga lang, Leren, dapat hindi ganoon ang inasal mo pa rin kay Kent porket nakita mo siyang payat na siya,” nga lang balik sa akin na sermon ni Corinne. Nawala ang leeg ko sa paglaylay ng mga balikat ko. Naging puros double chin. “Sana kinausap mo pa rin siya ng maayos kasi kababata mo iyong tao. Dapat natuwa ka na lang na hinanap ka nga niya,” dagdag ni Corinne. “Tama!” mapang-asar ang mukha na ayuda ni Xalene. Kamukha na niya iyong emoji na purple at may sungay. “Natuwa naman ako, ah. Nakita mo naman na nayakap ko pa nga siya,” pagrarason ko kay Corinne. “Ang kaso nasaktan lang talaga ako dahil hindi ko matanggap na fit na pala ang katawan niya’t ang guwapo niya samantalang ako heto parang inahing baboy.” “Umasa ka ba na ganyan din siya kataba tulad mo?” Napakalungkot ng aking mukha na tumango. Nangilid din ang mga luha ko. “Para bagay kami kako tulad noon. Pero dahil payat na pala siya, hindi na kami bagay.” “Anong problema do’n? Madaming namang couple diyan na number ten,” singit ni Xalene. “Anong number ten?” busangot ang mukhang tanong ko sa kanya. “Number ten. One iyong payat, zero iyong mataba. Sina nanay at tatay nga ganoon, eh. Kapag nakapila nga silang parehas hindi na kita si tatay 'pag una siya,” paliwanag niya na sinundan niya ng malutong na tawa. Walang natawa sa amin ni Corinne sa joke niya kaya nilunok niya agad ang tawa niya. Gaga talaga, eh, pati ba naman magulang nilalait. “Ako nama’y nagpapaliwanag lang na walang problema kung ang isang couple ay may mataba basta nagmamahalan sila,” pambawi niya. “Totoo iyon, Leren,” pag-agree naman ni Corinne. “Ewan ko,” sabi ko lang. “Bakit ewan mo? Malay mo hinanap ka talaga niya kasi ikaw pa rin ang gusto niya?” pampalubag-loob ni Corinne. “Hindi ko na rin naman na sure kung gusto ko pa rin siya ngayong nakita ko na siya ulit,” pagsisinungaling ko. “Hindi mo malalaman kung hindi mo siya haharapin at kakausapin.” “Ayoko. Ayoko siyang makausap,” giit ko. “Dahil ayokong masaktan ulit. Paano kung hindi ang ini-expect ko ang dahilan niya bakit siya biglang nagpakita? Paano kung hinanap lang niya ako para kamustahin lang tapos ako umaasa na higit pa doon? Eh, di ako na naman itong kawawa?” dagdag ko pa pero sa isipan ko na lamang. Hindi na nangingialam pa sa usapan si Xalene pero binuksan niya ang TV. Balita pa rin ang palabas at balik na naman sa usapin sa mga doktor na dinukot ng mga sindikato. Nag-u-update ang anchor na lalaki na nasa maayos na daw sila na kalagayan. “Kung hindi mo siya kakausapin ay hindi ka maliliwanagan niyan,” narinig ko na sabi ni Corinne dahil natuon saglit sa TV ang pansin ko. “Ayos lang,” sabi ko na lamang. “At paanong ayos?” Nagkibit-balikat ako. Sakto na lumabas na naman sa TV ang guwapong mukha ni Dr. Zrion. Hindi ko alam bakit pumasok sa isip ko na gamitin siyang alibi. “Kasi may iba na akong crush. Iba na ang inaasam kong makita ngayon,” sagot ko na. Tulad nang inasahan ko ay curios na kapwa napatingin sa akin sina Xalene at Corinne. Nginitian ko sila. “At sino naman ang malas na lalaking iyon?” tanong ni Xalene. Iningusan ko muna siya bago ko proud na itinuro ang guwapong mukha ng doktor sa TV. “Walang iba kundi siya. Si Dr. Zrion Maixner. Siya na ngayon ang crush ko at gusto kong mapangasawa.” Sabay na napangiwi sina Corinne at Xalene. Sabay rin tumingin sila sa TV, tapos sa akin, tapos sa TV ulit. “Bakit? Masama na hangaan ko ang isang doktor?” kako na natatawa. “Corinne, sabihin mo lang kung tatawag na ako sa mental hospital,” ani Xalene kay Corinne sabay pakita sa cellphone nito. Bumuntong-hininga lang naman si Corinne. Ako nama’y ngiting-ngiti pa rin. Wala akong bahala dahil imposible naman na makita ko nga si Dr. Zrion ng personal. Ang sabi kasi ay mga VIP na mga pasyente lang ang ginagamot nito sa Malvaro Hospital. In short, mga mayayaman lang na nilalang ang magkakaroon ng tyansang maoperahan niya, at hindi ako kabilang doon. Ibig sabihin, safe na safe kahit na ipagkalat kong siya na ang lalaking napupusuan ko. Hindi nakakahiya. Hindi ako mapapahiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD