CHAPTER TWENTY-EIGHT

2018 Words
FINALLY! Makalipas ng halos dalawang araw sa himpapawid ay lumapag na ang eroplanong sinakyan nina Patrick Niel at Whitney Pearl sa Ninoy International Airport. Kaso nakatulog ang huli kaya't nagdadalawang-isip ang binata kung gigisingin ba niya ito o hindi. Subalit sa bandang huli ay mas pinili ang unang option. "Leona, gising na." Alanganin niyang panggigising dito. Napahimbing naman kasi ang tulog nito. Patunay lamang na hindi nito namalayang napasandal na pala ito sa kaniya. Kaya nga nahihirapan siyang gisingin ito. Napalinga-linga nga siya upamg alamin kung marami pa ang mga kapwa nila pasahero sa naturang airbus at ganoon na lamang ang gulat niya dahil mangingilan-ilan na lamang silang naroroon. "Leona---Whitney, my dear, gising na." Pang-uulit niya saka bahagyang tinapik-tapik sa balikat at nagbakasakaling magising na ito. Dito, naalimpungatan ang dalaga. Dahil mula sa maganda niyang panaginip ay tinawag siya nitong leona ng lampang lalaki. ( hindi iyan panaginip, leona😁😁😁). "ANO'NG problema mong lalaki ka? Aba'y sa ganda ng panaginip ko ay binulabog mo!" singhal ng dalagang nakalimutan yatang nasa loob sila ng eroplano. Aba'y! Ikaw naman kasi! Basta-basta ka nanininghal! Tuloy! Lukot na lukot ang mukha niyang humarap dito. "My dear, marami ka pang oras na matulog. Subalit sa ngayon ay kailangan na nating lumabas upang makapunta na tayo sa bus pauwing Baguio." Napangiti ang binata dahil dito. Ang sarap-sarap naman kasi nitong asar-asarin. Mabilis uminit ang ulo. Kaya nga niya ito binansagan ng Leona noong mga bata pa sila. "What?! Are you kidding me---" Subalit dahil biglang tumayo si Whitney ay nauntog ito. Kaya't napaupo rin. May katangkaran pa naman. Bagay na bagay sa trabaho bilang alagad ng batas. "Hindi ako nagbibiro, baby ko. Look around and you will find that I'm not kidding you," pahayag na lamang ng binata. Actually, hindi siya sigurado kung tama ba ang mga ala-alang dumalaw sa kaniya dahil bata pa siya ng panahong iyon. Subalit alam niyang hindi biro ang sinabi sa kanya ng biyanang Tito Ninong Terrence niya long years ago. Ang kuwentas at ang marriage certificate nila ng mala-lion niyang asawa ang makakapagpatunay na maraming panahon ang nasayang sa buhay nila. Kamuntikan pa silang pareho na mapahamak sa kabilang ibayo ng mundo o sa bansang Saudi Arabia. SAMANTALA sa isipan ng dalaga ay hindi naman siguro masama kung ibaba niya ang langit. Dahil totoo namang napahimbing siya at hindi niya namalayang nakasandal siya rito habang natutulog. At saka ayaw din naman niyang lagi na lang na may kaaway. Kaya't kusa na rin siyang nagbaba ng watawat. Iyon nga lang ay pabiro rin. "Tsk! Tsk! Paano ako makadaan diyan, aber? Aba'y nakaharang ka kaya sa sa daan," nakairap niyang saad. "Huwag kang mag-alala, baby dear. Dahil sabay pa rin tayong lalabas sa eroplanong ito and most of all, sabay ding uuwi sa Baguio." Hindi matukoy kunh nang-aasar o nakatrip ang hinata! Basta nag-eenjoy siyang asarin ito! Kaso! "Lalaki ka! Alam mo bang nakakarami ka na?! Una, leona! Pangalawa, baby dear at ngayon ay baby bear! Aba'y gusto mo yatang sapakin kita kahit nandito tayo sa loob ng eroplano ah! Tsk! Tsk! Umayos-ayos ka kung ayaw mong maunang umuwi sa Baguio! Hah! Alalahanim mong kayang-kaya kitang paliparin ng walang pakpak!" Lukot ang mukha ay muling naningkit ang mga mata ng dalaga. Iyon mga lang ay napangiti ng wala sa oras. For the first time, for how many years of living, nang oras na iyon lamang nasilayan ng binata si Whitney na nakangiti. Aminado naman siyang unti-unti ng sumisibol sa kaniyang kaibutuwiran ang pagmamahal niya rito. Actually, simula pa noong musmos pa lamang sila ay nandoon na sa kaniyang puso ang paghanga rito. "There you are, my dear. Mas maganda ka kapag nakangiti. Puwera biro, Whitney. Huwag ka ng magalit dahil sa katunayan ay napakaganda mong tao na may malakas na karisma. Idagdag pa ang iyong tangkad. But, by the way, bago tayo ilipad pabalik sa disyerto ay kailangan na nating lumabas." Umaabot hanggang taenga ang ngiting nakabalot sa mukha ng binata. Dahil nasabi niya ang saloobin na hindi nakasinghal ang dalagang sinisinta. Gusto din naman kasi niyang magkaayos sila o hindi laging galit ang dalaga sa kaniya lalo at best of friends ang kanilang mga magulang at higit sa lahat ay mag-asawa na sila since their childhood. "Tse Bolero! Mauna ka na nakaharang ka kaya," pabirong sagot ng dalagang tinablan na rin ng malambot na pananalita dahil namumula na ang pisngi nito. "Ladies first," agarang ni Niel dahil sa takot baka muling maging leona ang mahal niya. Ano daw? Mahal agad -agad? Whatever! SAMANTALA sa tahanan ng mag-asawang Terrence at Yana. Masaya silang nag-uusap nang lumapit ang isa nilang kasambahay. "Sir, nasa labas po sina Sir Cyrus at Ma'am Rowena. Papasukin ko po ba?" tanong nito pero imbes na sagutin ito ni Terrence ay tinanong din niya ito. "Ara, kailangan pa bang itanong mo iyan sa akin o sa Ma'am mo? Alam mo namang matalik kong kaibigan ang nasa labas tapos tinatanong mo pa ako kung papasukin mo siya o hindi? Gusto mo bang may trabaho o gusto mo nang umuwi sa inyo?" tanong niya rito. Pero bago pa makapagsalita ang pobreng katulong na nahintatakutan ay nagsalita na ang taong pinag-uusapan nila at pinabalik ang katulong sa trabaho nito dahil kasalanan din naman niya ang pagtatanong nito. "Grabe ka naman, pare. Kailan ka pa naging masungit? Sa pagkakaalam ko ay mahaba-haba ang pasensiya mo. Aba'y ilan na ang mga apo mo? Susme, ngayon ka pa nagiging masungit?" nakatawang saad ni Ginoong Cyrus saka bumaling sa asawa ng kaibigan. "Mare, hindi mo ba pinagbigyan ang taong iyan aba'y ang sungit-sungit niya eh." Kaso naging mabilis din ang kilos. Nagtago sa likuran ng asawa. Aba'y baka maabot pa siya ng maliksing Kernel Harden. Tumanda man sila sa edad pero ang kalokohan nilang magkakaibigan ay nandoon pa rin. "Tado. May patanong -tanong ka pa kasing nalalaman eh. Papasok ka rin naman eh," pabirong angil ni Terrence. Tuloy! "Tumigil nga kayong dalawa riyan. Aba'y para kayong mga bata---" Kaso! Hindi na natapos ni Ginang Weng ang pananalita dahil naputol dahil sa bagong dating. "Hayaan mo lang sila, mare. Hindi na magbabago ang kabaliwan ng mga iyan. Pasalamat nga ako at may isang Florida Bryana na nagtiis at nagkagusto sa baliw na iyan. As well ang Aguillar na iyan mabuti na lamang at mabait si Bossing may ipinadalang si Rowena na magkakagusto kay aircon." Pamumutol ng bagong dating na si General Reynold James De Luna kasama asawa at mga apo sa bunsong anak na Gabriel Clyde. Without a word, nagkatinginan sina Terrence at Cyrus saka pinagbabatukan ang kaibigan nilang pinagtatawan na nilang lahat dahil sa hinaba -haba ng sinabi ay batok lang mula sa mga kaibigan ang natamo. AFTER a few hours from her travel! Finally she reached her destinations! Bus naman kasi ang sinakyan niya pauwing Baguio. Kaya't inabot siya ng siyam-siyam sa kalsada. "Welcome home myself," she carelessly whispered. Kaso nagulat siya ng may nagsalita sa likuran niya. "Ikaw na naman, lampa? Aba'y hindi naman dito ang pamamahay ninyo ah!" tuloy ay angil niya dahil sa gulat. "Hindi naman siguro masama kung dito ako uuwi dahil nandito ang mahal ko." Pang-aasar naman ni Niel. "Gusto mo yatang bumalik sa disyerto para doon---" "Mahal kong asawa, maawa ka naman sa akin. Nandito ang Mommy at Daddy ko para pag-usapan ang kasal natin. Look oh may handaan na." Pamumutol pa ng binata. 'Ang sarap mo talagang asarin, Leona ko. Well, hindi ko man sigurado kung bakit nandito ang mga magulang ko ay masaya pa rin dahil pumarito sila,' piping sambit ni Niel. Tuloy, napaisip ang dalaga dahil sa tinuran nito. Totoo naman kasi na may mga nakahalira ng sasakyan sa bakuran nila. Ang sasakyan ng mga catering services, at ang mga kaibigan ng magulang niya. Pero nasa eroplano pa lang sila nakakarami na ang lampang nasa harapan niya. Napaisip tuloy siya na baka amay alam ito sa kuwentas lalo at walang ipinagkaiba ang mga ito. Pero napalalim yata ang pag-iisip niya dahil muli siyang napatalon sa gulat ng may nagsalita na hindi niya namalayang lumapit sa kinaroroonan nila. "Pumasok na kayong dalawa riyan mga anak. Kailan pa kayo dumating pareho?" saad ni Terrence na nagmadaling lumapit sa main gate ng nasilip sa monitor ang mga nasa labas. "Kadarating lang, Daddy. Ano'ng mayroon at mukhang may handaan?" sagot ng dalaga saka yumakap sa ama. "Nakalimutan mo na rin ba ang araw na ito? Ang araw na lumabas si Kenjie sa mundo?" sagot ng Ginoo saka hinarap ang manugang. "Nandito ka rin pala, anak? Sabay ba kayong dumating?" tanong naman niya dito. "Yes, Tito Ninong. Actually, nagkataon ding iisang eroplano ang sinakyan namin kaya nagsabay din na umuwi dito sa Baguio," sagot ng binata. 'My instinct tells me to follow her.' Gusto sana niyang idugtong pero nakahiyaan na niya. "Ang sabihin mo ay sinusundan mo lang ako kaya ka nandito. Ngayon ay puwedi ka ng umuwi sa bahay ninyo." Irap ng dalaga pero tinawanan lamang siya ng dalawang lalaki kaya naman nainis ang dalaga. "Alam mo, anak. Noon pa sana kayo dapat magkasama. Pero dahil mga musmos pa kayo ay hinayaan na lang namin kayong sumubok o kumilos ng naaayon sa inyong kagustuhan. But since na nandito na kayong muli at parehas pang single ay kaming mga magulang ninyo naman ang masusunod. But before we go further here outside the house, pasok na muna tayong lahat para ipaalam sa mga magulang mo anak ( Niel ) na nandito kayong parehas." Hindi mawala-wala ang ngiti na nakapaskil sa buong mukha ni Terrence. Again, hindi pa man nakakapasok ang tatlo ay may dumating na taxi. Kung ang mag-asawang Terrence at Yana ay natutuwa na muli silang magkakasama ng mga kaibigan nila dagdag pa ang bagong dating nilang anak at ang asawa nito, kabaliktaran naman ang nararamdaman ni Whitney nang mapagsino ang mga bagong dating. "Mauna na muna kayong dalawa sa loob mga anak at sasalubungin ko muna ang ninang at ninong ninyo," ani Terrence na hindi maipaliwanag ang saya na lumulukob sa katauhan niya ng mga sandaling iyun. Hindi na nagdalawang-isip si Whitney, hinila na lamang niya ang trolley niya at naunang naglakad papasok sa kanilang tahanan. Pero hindi pa siya nakakalayo ay muling may nagsalita sa kanyang likuran. "Akin na iyan, mahal ko. Ako na ang magdadala." Pukaw dito ni Niel. Hindi man niya alam kung ano ang dahilan ng biglang pagbabago ng aura ng dalaga pero alam niyang may iniisip ito base na lamang sa expressions ng mukha. Wala naman kasi siyang ibang dala-dala dahil idinaan sa tahanan ng mga ninuno ang maleta. Nasa bansa nga rin daw ang twin brother niya. Subalit dahil good samaritan ito ay pinatawag ng pamilya Arellano at Dela Rosa sa Mt Province kung saan daw umano ihinatid ang mag-inang tinulungan. "Huwag mo akong asarin ngayon, Aguillar. Dahil may iniisip ako. Kaya't huwag kang makulit kung ayaw mong pauwiin kita ngayon din kahit nandito ang ninong at ninang." Irap ng dalaga pero hindi ito pinatulan ng binata. In his mind, total nandoon na siya ganoon din ang mga magulang ay mas gusto niyang kausapin ang mga ito sa harap mismo ng mga magulang ng dalaga total saklaw naman silang parehas. Pero may gumugulo sa isipan niya pero itatanong na lamang niya iyon sa dalaga later on. Sa hindi malamang dahilan ay biglang pumalahaw ang batang kanina lang ay masayang naglalaro kasama ang yaya. Sa narinig ay agad binitawan ang hila-hila niyang trolley saka tumakbo papasok sa kabahayan. Pero hindi iyon ang nakakuha sa atensiyon ng binata kundi ang binitiwan nitong saluta! "Anak ko! Ano'ng nangyari sa kaniya?" malakas nitong sabi kaya naman dinig na dinig niya iyon kaya't natigilan siya. "Nothing to worry, son. Masaya kaming pare-parehas ngayon dahil sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ninyong dalawa. And now, the both of you found your ways to be together. Halika ka na sumabay ka na sa amin ng ninang Cassey mo papasok." Tinig ng ninong Terrence niya ang bumulabog sa naglalakbay niyang diwa. Naguguluhan man dahil sa tinuran ng ninong niya ay napagpasyahan pa rin niyang sumunod na lamang sa mga ito papasok sa kabahayan kung saan nauna ng pumasok ang kaniyang leona.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD