CHAPTER TWENTY-NINE

1870 Words
"SINCE na nandito na kayong dalawa ay mas mabuting mapag-usapan na natin ang tungkol sa kasal. Oo, kung natatandaan ninyo ang mga kuwentas na aming ipinasuot sa inyo noong mga bata pa kayo at mga dukumento o ang marriage certificate ay valid ang mga iyon. Subalit dahil mga bata pa kayo noon ay nanatili kaming tahimik. At hinayaan kayong nagdesisyon para sa sarili ninyo. Wala namang may kagustuhan sa nangyari o kinahinatnan ng mga nauna ninyong pag-ibig ngunit talagang kayong dalawa ang nakatadhana. Dahil sa hinaba-haba ng panahong nasayang sa buhay n'yo ay kayo pa rin ang nagkatuluyan." Mahaba-habang pahayag ni Ginoong Terrence sa mga bagong dating galing Gitnang Silangan o sina Patrick Niel at Whitney Pearl. "Heto na ang original na kopya ng marriage certificate ninyo mga anak. Sa akin ipinatago ng mga ama ninyo ang mga papeles na iyan. Meaning, more than two decades that I stored that in Camp Villamor storage." Marahang inilapag ng kasalukuyang heneral o si General Reynold James De Luna ang sealed brown envelope sa center table. "Wala kaming pinagsisihan ng Mommy mo na sumang-ayon sa pagmanipula sa kasal ninyo noong mga bata pa kayo. Dahil ang Diyos mismo ang gumawa ng paraan upang magkatuluyan kayong dalawa. Heto na ang xerox copy na hawak namin ng Mommy mo." Hindi pa rin mawala-wala ang ngiting nakabalot sa buong mukha ni Ginoong Cyrus. Ibubuka pa nga lamang ni Whitney ang labi kaso ang Daddy naman niya ang nagwika. "Same as we do with your Mom, Whitney, and Patrick Niel. Kagaya ng Daddy Cyrus at Mommy Rowena ninyo ay heto na rin ang xerox copy na aming itinago sa mahabang panahon." Walang kapantay na kasiyahan ang nababanaag sa mukha ni Ginoong Terrence. Tuloy! Ang tahimik pero matinik na LEONA ng L.A FBI Department ay napatayo at natampal ang sariling noo! Kaso hindi pa nga niya naibuka ang labi ay ang Tita Dennise Joyce naman ang nagwika. "Perlas ng Pilipinas, ayon sa late daughter in-law naming matalik mong kaibigan. Beastie Pearl naman kung tawagin ng ina ni Kenjie. Nakukuha mo na ba kung bakit ikaw na lang naiwan sa mundo natin, anak? Well, ito ang sagot, Hija. Hindi sila nagtagal sa mundong ito dahil may dahilan. Una, ikaw ang aalalay sa nga iniwan nilang mga anak. Magpinsan kayong buo ni bunso kaya't mga pamangkin mo sila. Natural, bilang tao at alagad ng batas hindi mo sila pababayaan. Pangalawa, ang magsama kayo ng childhood husband mo. Ang bumuo ng pamilya na hindi naranasan ng best friend ninyong si Sandra. Nagsama man sina Clyde at Jhayne pero wala pang sampong taon. Anak, kagaya nang sinabi ng mga Daddy's, Mommy's, Tito Ninong Rey mo ay panahon na upang bumuo ka ng pamilya." Pak na pak! Ang dating reporter ay talaga namang napatula! Tuloy! Ang dalagang biglang napatayo ay napaupo rin! Hindi lang iyon, nasapo rin ang ulo na wari'y nabibiyak. "OKAY ka lang ba, Leona ko? Shall I check you up?" "Tita Ninang, may medical equipment po ba si Ate Joy dito? Baka kung ano na ang nangyari sa Leona ko." Nababahalang pinaglipat-lipat ni Patrick Niel ang paningin sa childhood wife niya at sa biyanang babae pero Tita Ninang ang naitawag. Kaso! Napaubo ang mga nandoon dahil bukod sa biglang nagsalita ang dalagang may selective amnesia ay sa mismong sinabi. "Ikaw na lampa ka ay nakakarami ka na! Nasa Saudi pa lamang tayo nang nagsimula ka. Hah! Sa loob pa ng eroplano ay kung ano-ano na ang itinatawag mo sa akin. Aba'y huwag mong kalimutang nasa teritoryo kita. Tsk! Tsk! Gusto mo yatang lumipad pabalik sa mainit na siyudad ng Riyadh eh!" Nakataas na nga ang kilay nito ay sininghalan pa ang asawa sa harapan mismo ng mga magulang at biyanan! Tuloy! "Kahit lilipad ako pabalik sa lugar na iyon ay kasama ka, Leona ko." Imbes na maasar si Patrick Niel dahil na rin sa paraan ng pananalita ng mahal niyang leona ay iyon pa ang nanulas sa kaniyang labi. Kaya naman! Matapos napaubo ang tatlong sets ng oldies kung tawagin ng mga bulinggit ay napahalakhak naman sila! "Anak, huwag ka ng maasar sa paraan ng pagtawag sa iyo ng asawa mo. Dahil ganyan na ganyan ang mga babae sa side ng Daddy ninyo. Including Samantha. Kapag sila ni Crystal Marie ang magsama ay binabatukan pa ang mga bayaw mo kahit sino sa kanila." Nakatawa pa ring pahayag ni Ginang Rowena na sinundan ni General De Luna. "Nakalimutan mo na ba ang pinsan mo sa amin ng Mama Dennise Joyce mo, anak? Kaya nga siya tinawag ng bayaw mong si Pierce na tigress dahil madaling uminit ang bumbunan. Ngunit sa huli ay sila naman ang nagkatuluyan. One of these days, she will come here with her kids." Ayun! Ang Tito Ninong Reynold James niya ay napatula na rin! Kaya naman nakaisip siya ng pambawi sa mga oldies na naging madaldal na rin yata! "Ikaw na lampa ka, kung kaya ko ang leonang tulad ko ay sige. Tingnan natin kung kasing-haba ng pasensiya ni bayaw Jamestoon may kaskasera at kasing-tigasin ni bayaw Pierce kay Tigress. Well, it gonna be a great match." At bago pa mahulaan ng mga nandoon ang sumunod niyang hakbang ay hinalikan na niya ng makapagtong hininga ang lampang lalaki na asawa na pala niya ng mahabang panahon! Hindi lang iyon, naging walked-out queen pa siya habang nakabalot ang ngiting tagumpay sa labi! 'Hah! Nakaganti rin ako sa lampang lalaki na ito. Hmmm... Baka noon pa niya ako namukhaan kaya't malakas ang loob niyang asar-asarin ako. Well, hindi lang kayo ang marunong mang-asar.' Sabi niya sa kaniyang isipan habang naglalakad paakyat sa kaniyang silid. Kaso nang naisip na baka bigla na naman itong sumunod sa kaniya ay lumiko siya at ang elevator ang tinungo. SAMANTALA, abot hanggang langit ang kantiyaw na tinamo ni Patrick Niel dahil sa inasta ng asawa. Ang masaklap pa ay ang mga magulang ang nangunguna sa panggigisa sa kaniya na walang mantika! Lalo at kitang-kita nila kung paano siya napakamot sa ulo habang nakatitig sa asawang basta lumiko sa elevator kaysa magpatuloy sa hagdan. "Paano na iyan, anak? Kaya mo raw ba ang tupak niya? Tandaan mong ganyan na ganyan si Sam. Naalala mo pa ba kung paano nila sinapak ni CM ang pinsan ninyong si JC? Well, nasa iyo ang desisyon, anak," saan ng kaniyang ina. "Anak, nasaksihan mo na kung paano siya naging leona ayon na rin sa iyo. General Surgeon ka naman. Kaya't sigurado akong sa oras na ito ay may naiisip ka na ring paraan kung paano amuin ang asawa mo." Pang-aasar pa ng ama niya. Kaso ang magbayaw at mag-best friend na Terrence at Reynold James ay iba ang sinabi. "Anak, huwag mong pansinin ang Mommy at Daddy mo. Nasa sistema na iyan ng iyong asawa. At isa pa ay siguradong mapapaamo mo siya kapag magkasama na kayong dalawa. Kumbaga ay suyuin mo siya bilang isang babaeng Filipina. Nagkaroon ka man ng karelasyon noon kaya't sigurao akong alam mo kung ano ang tinutukoy ko," pahayag ng huli. Kaso halos mabilaukan naman siya sa sariling lawat ng ang mismong biyanan ang nagsalita! "Maaring hindi maaring talunin kung actual combat ang usapan, anak. Pero alalahanin mong babae pa rin siya. Ibig sabihin ay iba ang lakas mo sa kaniya. Well, kung ako sa iyo ay daanin mo sa santong paspasan kung ayaw sa santong dasalan," anito saka napahalakhak. Tuloy! Muling naging maingay ang kanilang kupunan na pansamantalang naging tahimik. FEW days later... Napag-isip-isip ni Patrick Niel na tama nga naman ang mga biyanan niyang matalik ding kaibigan ng Daddy niya. Asawa na niya ang napakagandang-Leona. Ngunit dahil iyon sa manipulation ng mga parents nila. At mas mararamdaman nito na seryoso siya sa pakikipaglapit dito kung siya mismo ang gagawa ng hakbang. Kaya naman sa ilang araw niyang pagmumuni-muni ay nagtungo siya sa tahanan ng mga Harden. "Walang problema, Tito Ninong, Tita Ninang. Susundan ko po siya sa Ilocos Sur," aniya ng napag-alaman niyang nasa probinsiya ito. Well, malapit na iyon sa pinagmulang lugar ng Mommy niya. Minuto na lamang din ang Sta Maria at San Vicente. At isa pa ay private car naman ang gagamitin niya. Kaya't madali rin lang ang biyahe para sa kaniya. "Nice to hear that from you, anak. Pero saglit lang. Huwag ka munang umalis. Dahil may sasabihin pa ako sa iyo." Maagap na pagpipigil ni Ginoong Terrence sa manugang na mukhang excited ding puntahan ang anak nilang leona ayon dito. "Ano po iyon, Tito Ninong?" may pagtataka nitong tanong kasabay ng muling pag-upo. "Oh, don't be so nervous, son. Asswa mo na ang bunso naming anak simula pa noong mga bata kayo. Pero bakit Tito Ninong at Tita Ninang pa rin ang tawag mo sa amin? Hindi ba mas magandang pakinggan kung Mommy at Daddy na rin?" patanong na pahayag ng Ginoo ng biyanang babae. "Tama ang Daddy mo, anak. Kung nasanay ka sa paraan ng pagtawag mo sa akin ng Daddy ninyo ay sanayin mo na mula sa oras na ito na baguhin as Mommy at Daddy," anito na kagaya ng dati ay talaga namang very lively at napaka-radiant ang mukha nito. Tama naman kasi ang mga biyanan niya. Tita Ninang at Tito Ninong pa rin ang tawag niya sa mga ito samantalang mag-asawa na sila ng leona noon pa man. Kaya't siya na mismo ang humingi ng paumanhin. "SORRY po, Daddy, Mommy. Nakasanayan ko na po kasi ang ganoong pagtawag sa inyo. Pero hayaan n'yo po at babawi po ako. Sa ngayon po ay susundan ko ang aking asawa sa probinsiya upang makagawa kami ng triplets ninyong apo. Para mas marami po kayong aalagaan." Kaso sa tinuran niyang iyon ay lihim siyang napangiwi. Dahil paano sila gagawa ng babies samantalang hindi pa sila binasbasan ng simbahan. Leona man ang asawa niya ay sigurado namang birhen pa ito! "Sure na sure, Hijo. With consent kako sana pero huwag na dahil mag-asawa naman kayong dalawa. Kaya't mayroon kang karapatan sa bagay na iyan," nakatawang saad ng biyanang babae na sinigundahan ng biyanag lalaki. "Tama ang Mommy ninyo, anak. Go ahead because there's no problem with us. Basta huwag mong kalimutang leona asawa mo at baka matukso mo siya ng wala sa oras. Kapag nagkataon ay maging aso at pusa na naman kayong dalawa," anito. Kaya naman! Hindi na nagdalawang-isip si Patrick Niel. Nang nakapagpaalam siya ng maayos sa mga biyanan ay kulang na lamang tumakbo at magtatalon siya sa tuwa. Aba'y bihira na ang mga biyanang magbigay ng consent sa mga manugang sa ganoong bagay! May consent pa nga sila sa mga biyanan mong matatanda noong nagtanan sila! Ikae pa kayang asawa mo ang iyong pupuntahan! Tuloy! "Ang taong ito ay hindi na naitago ang excitement. Well, alam ko noon pa man na mahal niya ang anak natin. Inamin niyang crush niya si bunso ngunit masungit kaya't tinawag itong leona," nakangiting sambit ng Ginoo habang nakatanaw sa daang tinahak ng manugang. "Kaya't hayaan mo na, honey. Masaya ako dahil sa wakas ay nakalaya silang parehas sa kanilang nakaraan. Hindi naman lingid sa ating kaalaman ang kinahinatnan ng manugang natim sa Saudi as well as our daughter. Let's be happy for them," saad na rin ni Ginang Yana at ang mga mata ay talagang nagniningning dahil sa kasiyahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD