FEW days later...
Napag-isip-isip ni Patrick Niel na tama nga naman ang mga biyanan niyang matalik ding kaibigan ng Daddy niya. Asawa na niya ang napakagandang-Leona. Ngunit dahil iyon sa manipulation ng mga parents nila. At mas mararamdaman nito na seryoso siya sa pakikipaglapit dito kung siya mismo ang gagawa ng hakbang. Kaya naman sa ilang araw niyang pagmumuni-muni ay nagtungo siya sa tahanan ng mga Harden.
"Walang problema, Tito Ninong, Tita Ninang. Susundan ko po siya sa Ilocos Sur," aniya ng napag-alaman niyang nasa probinsiya ito.
Well, malapit na iyon sa pinagmulang lugar ng Mommy niya. Minuto na lamang din ang Sta Maria at San Vicente. At isa pa ay private car naman ang gagamitin niya. Kaya't madali rin lang ang biyahe para sa kaniya.
"Nice to hear that from you, anak. Pero saglit lang. Huwag ka munang umalis. Dahil may sasabihin pa ako sa iyo." Maagap na pagpipigil ni Ginoong Terrence sa manugang na mukhang excited ding puntahan ang anak nilang leona ayon dito.
"Ano po iyon, Tito Ninong?" may pagtataka nitong tanong kasabay ng muling pag-upo.
"Oh, don't be so nervous, son. Asswa mo na ang bunso naming anak simula pa noong mga bata kayo. Pero bakit Tito Ninong at Tita Ninang pa rin ang tawag mo sa amin? Hindi ba mas magandang pakinggan kung Mommy at Daddy na rin?" patanong na pahayag ng Ginoo ng biyanang babae.
"Tama ang Daddy mo, anak. Kung nasanay ka sa paraan ng pagtawag mo sa akin ng Daddy ninyo ay sanayin mo na mula sa oras na ito na baguhin as Mommy at Daddy," anito na kagaya ng dati ay talaga namang very lively at napaka-radiant ang mukha nito.
Tama naman kasi ang mga biyanan niya. Tita Ninang at Tito Ninong pa rin ang tawag niya sa mga ito samantalang mag-asawa na sila ng leona noon pa man. Kaya't siya na mismo ang humingi ng paumanhin.
"SORRY po, Daddy, Mommy. Nakasanayan ko na po kasi ang ganoong pagtawag sa inyo. Pero hayaan n'yo po at babawi po ako. Sa ngayon po ay susundan ko ang aking asawa sa probinsiya upang makagawa kami ng triplets ninyong apo. Para mas marami po kayong aalagaan."
Kaso sa tinuran niyang iyon ay lihim siyang napangiwi. Dahil paano sila gagawa ng babies samantalang hindi pa sila binasbasan ng simbahan. Leona man ang asawa niya ay sigurado namang birhen pa ito!
"Sure na sure, Hijo. With consent kako sana pero huwag na dahil mag-asawa naman kayong dalawa. Kaya't mayroon kang karapatan sa bagay na iyan," nakatawang saad ng biyanang babae na sinigundahan ng biyanag lalaki.
"Tama ang Mommy ninyo, anak. Go ahead because there's no problem with us. Basta huwag mong kalimutang leona asawa mo at baka matukso mo siya ng wala sa oras. Kapag nagkataon ay maging aso at pusa na naman kayong dalawa," anito.
Kaya naman! Hindi na nagdalawang-isip si Patrick Niel. Nang nakapagpaalam siya ng maayos sa mga biyanan ay kulang na lamang tumakbo at magtatalon siya sa tuwa. Aba'y bihira na ang mga biyanang magbigay ng consent sa mga manugang sa ganoong bagay!
May consent pa nga sila sa mga biyanan mong matatanda noong nagtanan sila! Ikae pa kayang asawa mo ang iyong pupuntahan!
Tuloy!
"Ang taong ito ay hindi na naitago ang excitement. Well, alam ko noon pa man na mahal niya ang anak natin. Inamin niyang crush niya si bunso ngunit masungit kaya't tinawag itong leona," nakangiting sambit ng Ginoo habang nakatanaw sa daang tinahak ng manugang.
"Kaya't hayaan mo na, honey. Masaya ako dahil sa wakas ay nakalaya silang parehas sa kanilang nakaraan. Hindi naman lingid sa ating kaalaman ang kinahinatnan ng manugang natim sa Saudi as well as our daughter. Let's be happy for them," saad na rin ni Ginang Yana at ang mga mata ay talagang nagniningning dahil sa kasiyahan.
SAMANTALA dahil nakasanayan na ng dalagang maglibot-libot sa paligid ng kanilang tahanan at friendly naman silang pamilya kaya marami silang kaibigan sa naturang lugar. Bago pa lumabas si inang araw sa silangan ay nasa labas na siya na naglalakad at panaka-nakang jogging. Hindi naman kasi siya natatakot dahil may respeto ang mga tao roon sa kaniyang mga magulang kaya't tiwala siyang nasa labas. Nakailang ikot din siya hanggang sa makaramdam siya ng pagod kaya napagdesisyunan niyang tumigil na. Pero sa kaniyang pagtigil ay napansin niya ang taong parang naghihintay sa kaniya.
"Hmmm... At sino naman kaya ang poncio pilatong ito? Hah! Huwag na huwag ka lang magkakamali. Dahil gusto ko pang bumalik sa Los Angeles!" Lihim napakunoot-noo dahil sa taong nakabantay sa kanilang gate.
Subalit habang papalapit siya ng papalapit sa king gate ay mas lumilinaw ang pigurang naghihintay sa kaniya.
"Tsk! Tsk! Ano na naman kaya ang pakulo ng lampang ito? Aba'y talaga namang kahit dito sa Ilocos Sur ay sinundan ako," muli niyang bulong.
Subalit bago pa siya matuluyang maging bubuyog ay inilang hakbang na lamang niya ang kanilang pagitan.
"Lampa, ano ang ginagawa mo rito?" agad niyang tanong. Hindi man lang hinintay na makaharap ito sa kaniya. Nagulat pa ito sa bigla niyang pagsulpot at pananalita pero agad naman ding nakabawi.
"Wifey, sorry na kung nagpunta ako rito na walang paalam. Pero nandito ang asawa ko kaya't narito rin ako. But let me tell you, wifey, bagay mo pala ang shorts with matching sando, I mean it. You're beautiful in your own way." Bukal na bukal sa kalooban ni Patrick Niel ang mga salitang kusang nanulas sa kaniyang labi.
"Hmmm, thank you, Lampa. Pasok ka---"
Kaso!
"Ate, bakit po lampa ang tawag mo kay Kuya pogi eh husband and wife naman po kayo. Bagay na bagay nga po kayo eh."
Tuloy ay sabad ng taga-linis at taga-laba ng dalaga na taga doon din. Alas-kuwatro pa lang ng umaga ay nandoon na ito kaya naman alas-sais o alas-siyete pa lang ng umaga ay umuuwi na ito.
"Here, take this, Neng, pambili mo ng almusal ninyo sa inyo. Ako na ang bahala sa Ate mo," tuloy ay pahayag ni Patrick Niel na umaabot sa taenga ang ngiting nakabalot sa mukha saka iniabot ang ilang pirasong lilibuhin.
Well!
Masaya lang naman siya!
"Ay, andami po nito, Kuya Pogi. May sahod naman po ako kay Ate. Kaya---"
"Tanggapin mo na, Micah. Gusto mo bang lumabo ang iyong nga mata dahil sa iyong pagtanggi sa grasya? Saka kunti lang iyan na mawawala sa pera niya." Panunulsol pa ni WP.
Kaya naman walang nagawa si Micah kundi ang tanggapin ito saka umalis pauwi sa kanilang tahanan.
"Seriously speaking, wifey. Let's start all over again. Mahal kita iyan ang totoo. Let's get married properly according to our will," seryosong pahayag ni Niel ng sila ay nasa loob na ng kabahayan matapos maipasok sa garahe ang sasakyan.
"Baka naman may manggugulo sa akin ha? Aba'y kung mayroon lang din ngayon pa lang basted ka na. Puwedi ka ng umuwi sa Mommy Weng at Daddy Cyrus." Panunupla ni WP pero sa kaloob-looban ay kinikilig siya.
Ganoon pala ang pakiramdam ng mapalapit sa taong minamahal! Kailanman ay hindi niya naramdaman sa namayapa niyang kasintahan.
"Wifey, promise! Peksman mamatay man lahat ng mga epal wala. Kung ang kinasangkutan ko way back then in Saudi ay kalimutan mo na iyon dahil bago pa man tayo umuwi rito sa bansa ay sarado na ang kabanatang iyon ng aking buhay. Saka hindi naman ako papayag na malalagay ka sa panganib ng dahil sa akin. Ganyan kita kamahal, wifey," paliwanag ni Niel sabay kindat sa asawang nakataas na naman ang kilay.
"Huwag mo nga akong daanin sa pakindat-kindat na iyan---"
Pero hindi na natapos ni Whitney ang sinasabi dahil sinilyuhan na siya nito ng halik na tumagal ng ilang minuto.
"Kung ayaw mo sa kindat ay halik na lang puwede ba, wifey?" nakangiting ani Niel after he broke the kiss.
Bilang pagganti, agad namang nakaisip si Whitney ng gagawin dito. Bago pa makaimik ang asawa ay naibalik na niya ang halik nito sa kaniya. Then, they burst into laughing upon realising that they just have mutual feelings.
"Mahal mo rin ba ako, wifey?" ilang sandali ay tanong ni Niel sa asawa.
"Yes, I do, lampa and sorry for---"
"Nothing much to say, wifey. Ang marinig ko mula sa iyo na mahal mo ako'y sapat na. I'm your husband and lampa naman talaga ako kaya. You can call me that way." putol ni Niel dito saka muling ninakawan ng halik sa tungki ng ilong.
Yeeeheey!
Kasalan na!