"IT'S been a while, twin brother. Kumusta ka na? Aba'y parang hindi tayo kambal sa lagay na iyan samantalang nandito tayong parehas sa Baguio. Kumusta ka na?"
Masayang sinalubong ni Brigadier General Vince Ethan ang kambal na kadarating lang din samantalang lumalalim na ang gabi.
"Hanep ka naman, kambal. Hinintay mo talaga ako? Aba'y baka ako ang giyerahin ng TF mo. By the way, thank you for waiting. Malalaman mo ang sagot sa tanong mo kapag magsama na kayo ni hipag in the future," tugon nito.
"Yes, twin brother. Hinintay kita dahil jagaya nang sinabi ko ay halos hindi na tayo mangpang-abot dito sa bahay. At isa pa ay mukhang hindi mo nahintay ang tawag mula sa DFA. Ah, paano na ba iyong term ni Grandma kaninang umaga? Ah, invitation letter daw pala para sa iyo mula Philippines Embassy sa Saudi. Dumaan daw ito sa DFA. Here, take it and read it, brother."
Kasabay ng kanilang pag-uusap ay iniabot ng una ang selyadong envelope sa kakambal.
SAMANTALANG kahit hindi binanggit ng kambal niya ang tungkol sa nilalaman ng envelope ay alam na alam niya. Kung nagmula ito sa Philippines Embassy sa pinanggalingang bansa ay siguradong tungkol ito sa mga kaibigang sangkot sa r*ped at ang dating kasintahan.
'Naipataw na kina Bernard at Alfred ang karampatang parusa, Doctor Aguillar. Ayon sa mga taga-embassy ay mabuti pa at pumayag ang mga Saudis na maipadala sa bansa natin ang kanilang bangkay.
Oo, Doctor Aguillar. Dahil grave offence ang kasalanan nila ay beheading at stoning punishment ang naipataw. Subalit sa stoning pa lamang ay hindi na nila nakayanan. Namatay na sila bago pa man mapugutan ng ulo.
Nanganak na rin si Jona, Doctor Aguillar. Isang malusog na lalaki. Bernard Frederick Castro ang pangalan ng bata. Dahil sa nangyari sa kaniya ay isinailalim na nila rito ang DNA test at napag-alamang si Bernard ang nakabuntis kay Jona. Kapag nandito na ang passport niyang pinagawa ng Embassy ay kami mismo ng asawa ko ang mag-uuwi sa kaniya upang dalhin sa ina ni Jona.
Ngunit ayon sa batas dito ay magpalakas muna ito bago maipataw ang two hundred slashes. Let's prat for her, Doctor Aguillar. Sana ay makayanan niya alang-ala sa bata. Dahil ayon din sa kasamahan namin dito sa Embassy ay malaki ang pag-asa niyang makauwi dahil isa rin ring biktima.
By the way, I talked to your brother-in-law Kernel Mohammad Abubhakar, and he said that you and Miss Harden are getting married. Hopefully, we can make it or come home before your wedding day.
Congratulations to both of you and God bless you both.
Maricel and Bong.
ANG nilalaman ng sulat. Kaya lang naman nila inilagay sa brown envelope dahil sa mga larawan. Ang dalawa ay patunay na wala na sa mundong ibabaw sina Alfred at Bernard. Ang iba naman ay mga larawan ng batang si Bernard Frederick o ang batang naging bunga ng pambababoy ng dalawa sa kapwa nila Pinoy o ang nasa kulungan na si Jona.
"Nang dahil sa kanila ay isa na namang bata ang naging kaawa-awa. Niyurakan na nga nila ang pagkatao ng babaeng pinagsamantalahan ay nag-iwan pa sila ng ebidensiya," aniya na hindi matukoy kung sarili nga ba ang kausap o ang kaharap.
"Who are they, brother? Aba'y alam kong may pinagdaanan kayo ni hipag sa Saudi pero wala naman akong kaalam-alam kung sino-sino ang mga saklaw," tuloy ay saad ni BG VE Aguillar.
"Way back in Saudi, twin brother. Kaya nga nagsanga ang landas namin ng Leona ko dahil sa may kasintahan ako dati o si Jona. Ngunit noong na-promote ako sa trabaho hanggang sa umuwi ako ay hindi kami nagkita at nagkausap. Hanggang sa napagpasyahan naming mag-usap ng maayos. Iyon din pagkahuli ko at eksaktong nandoon din siya dahil pumasok as undercover kaso pagkakatulong naman.
About those friends of mine, pumanaw na silang parehas. Iyon nga lang ay may iniwan silang ebidensiya ng kagag*han. Here, take this too and look at them. Sila ang mga taong naging bahagi ng buhay ko sa Saudi."
Kung kanina ay si VE ang nag-abot sa selyadong envelope ay siya naman ang umabot. At sa pagkakataong iyon ay bukas na at nakabuklat ang sulat. Kaya't malaya niyang nabasa at nakita ang mga larawan.
"Twin brother, nagawa n'yo na ni hipag ang nararapat. Kaya't palayain mo na ang iyong sarili mula sa kanila. Ang pagtuunan mo ngayon ng pansin ay ang nalalapit ninyong church wedding. Aba'y sa palagay ko ay hindi pa kayo nakarating sa dako pa roon."
Mula sa seryosong pananalita ay nauwi sa hagikhik. Kaso nang napagtanto ang sinabi ay agad-agad ding tinakpan ang labi.
Kaso napasabay din sa kakambal na napahalakhak. Tuluyan na nilang nakalimutang hindi lang sila ang tao sa kabahayan!
SA kabilang banda bahagyang tinakpan ni Whitney ang taenga dahil sa matinis na boses ng pinsan na kapwa niya nakapag-asawa ng Aguillar.
"Ano ba?! Nandito ka naman sa kabahayan sa pagkakaalam ko, tigress. Aba'y bakit ba napaka-eskandalosa mo?!" ganti niyang sigaw.
Kaso ang lukreng ay mukhang naglilihi dahil nagmistula itong walang narinig. Hindi lang iyon, pakendeng-kendeng pa itong lumapit sa kaniya.
"Leona kong pinsan. Huwag ka ng magalit. Dahil ang wild tigress mong pinsan at pinakamaganda huwag sanang makarating kay Ate Princess Ann---"
"Ano ba, Wild Princess?!(patawarin ka sana ng biyanan mong kapatid ng Daddy Cyrus ninyo!) Nagsawa ka na ba sa korte at mukhang pagsasanay sa talumpati ng mga politikong madaya ang nais mong pasukin? Huwag mo sabihing may balak kang sumunod kay Kuya Charles sa probinsiya nila? Hah! Kung ganoon sabihan mo lang sina Mama at Tito Ninong na ihanda ang kabaong mo! Dahil kung si bayaw ang tatanungin natin ay siguradong oo lang ang sagot para sa iyo!"
Pinutol na nga nga ang pananalita ng pinsan ay talagang pinanindigan pa ang pagsinghal!
Tuloy!
Ang mga oldies ay tuluyan ng napahalakhak.
"Well, well... Nararapat lamang na e-welcome kita sa buhay may-asawa, leona." Ngiting-ngiting naupo sa tabi ng pinsan si Nathalie Janelle o ang wild tigress ng mga De Luna.
"Susme, iyon lang pala ang nais mong sabihin eh. Hah! Magpasalamat ka at wala ang pamangkin nating ayaw sa ingay," ismid pa ng Leona.
"Huwag mo ng alalahanin ng batang iyon, leona. Dahil nasa pinakabata nating pinsan. Sigurado akong doon iyon matutulog kay Grandma Sheryl. By the way, may ipinadala si hipag Gwen na envelope. Ang sabi ay dala-dala raw ng asawa niya noong nanggaling sa embassy. Baka naman pinapabalik ka sa Saudi? Hay, naku, leona. Tama na si hipag Gwen na nag-asawa ng Saudis. Aba'y baka pasabugin mo na talaga ang buong bansa kapag lumabas ang pagka-leona mo."
Seryoso na nga hinaluan pa!
"Aba'y, sandali nga lang, pinsan. Nakausap mo ba ang pinsan ko kay Mommy na si Kaskasera the second? Hah! Kanina ka pa murder nang murder ah. Susme, naghihintay ang trabaho kong aking inabandona ng halos dalawang buwan. Kahit magbitiw ka sa iyong trabaho bilang pusta ay hindi mo ako mapapabalik doon. Hah! Kamo, double family na tayo. Ibig sabihin ay magpapakasal na rin kami ng lampa ko. Susme!"
Ayon!
Nagbalikan ng singhal at pang-aasar. Idinamay pa ang kapwa nila leona!
SAUDI ARABIA
"Wala ka bang ibang mensahe para sa anak mo, Jona? Pagkagaling namin dito ay magpahatid na kami sa Airport," ani Macel habang kalong-ang baby na si Bernard Frederick.
Tama. Nakakausap nila ito pero sa telepono. Magkaharap man sila pero may nakaharang na pader. Kaya't nakikita lamang nila ang isa't-isa dahil sa salamin. At isang linggo na rin ang nakalipas simula noong natanggap ang two hundred slashes. Kasalukuyan nga itong nagpapagaling.
"Kayo na po ang bahala sa kaniya, Ate Macel, Kuya Bong. At pakibigay pala itong sulat sa Nanay ko sa Bicol pagkahatid ninyo kay baby. Kahit nakakasawa na pong pakinggan ay paulit-ulit akong magpapasalamat sa inyo. Thank you so much. God bless you both," ang tanging sagot ng naiiyak na ring si Jona.
"Huwag kang mag-alala, Jona. Makakarating ng maayos sina Baby at ang sulat sa Nanay mo. Basta tandaan mo ang bilin namin. Magpakabait ka rito. Dahil sila mismo ang nagsabing may pag-asa pang makalaya ka. Taunang nagbibigay ng pardon ang hari sa mga prisoners sa buong bansa. Kaya't manalangin tayo na isa ka roon."
Ilang sandali pa ay pahayag ni Attorney Bong.
"Sisikapin ko, Kuya Bong. Kahit pa napakaliit ang tsansa."
"Ate, kapag hindi na ako makauwi, pagdating ng panahon ay pakibigay itong sulat ko kay Bernard Frederick. Sulat ng isang inang preso sa anak na isinilang sa loob ng kulungan. Alam ko naman po na iingatan ninyo iyan Kaya't hindi ko na sasabihin. Sige na po. Sumisenyas na ang bantay. Baka tapos na po ang visiting hour. Von voyage, Ate, Kuya..."
Ang kaawa-awang nanganak sa kulungan ay halatang hindi na nakayanan ang emosyon. Dahil napayuko na ito. Ganoon pa man ay bahagyang itinaas ng mag-asawang Bong at Macel ang tulog na tulog na sanggol upang masulyapan ng ina kahit saglit.
"Halika na rin, asawa ko. Baka mahuli tayo sa ating flight." Yakag ng una sa asawang halatang nadala na rin sa emosyon.
"Oo, asawa ko. At sana ay mapanindigan niya ang magpakabait dito. Dahil upang makalabas siya alang-ala sa kaniyang anak." Sang-ayun naman ng una kasabay ng pagpunas sa luhang namalisbis sa pisngi.
Ilang sandali pa ay tahimik na silang mag-asawa habang nasa biyahe patungong airport.
SOMEWHERE down the road!
"Welcome to the group. Are you sure that you want to join our team?"
"Yes, of course, Mr Adams. If you are doubting me, go ahead and test me."
"Wow! I can sense that you are something. Don't you know that any of us could be sent to different areas anytime?"
"My friend oriented me briefly. That is why I have knowledge about it. About mission? You can find out it later. When you give me a mission and how to do."
The who are they again!