CHAPTER TWENTY-SEVEN

1322 Words
AS the days goes on nakapag-isip isip na rin si Niel na mas mabuti pang umuwi na lamang siya at kausapin ang mga magulang tungkol sa ala-alang bumalik sa kaniya. Kaya't nang nakuha niya ang loob na kausapin ang may-ari sa Al-Jazeera Hospital kung saan siya nagtratrabaho. "We can't do anything there, doc Aguillar. If you wanna go home in your country. I will approve your papers. Although you are an asset in this hospital, I can not force you to stay. Keep in touch with me, Doctor Aguillar. Any time that you want to come back, just make a call," malungkot na pahayag ng may-ari sa Al- Jazeera Hospital. Pero duda rin siyang makakabalik pa sa trabaho ang mga kaibigan dahil sa ilang araw niyang pagmumuni -muni ay pumupunta din sila ni 'Leona' sa korte ng Saudi at dito nila napatunayan na ang dalawa nga ang may sala sa nangyari kay Jona. Ang nakakalungkot lang isipin ay kung sino pa ang mga pinagkatiwalaan niya ay sila pa ang numero-unong nang-ahas sa kaniya. "Thank you so much, Doctor, for understanding me. I learned a lot since the day that I was here with you and I'll never forget you. About coming back? I can not guarantee that as well. Still, I'm so thankful for your kind understanding." Pasasalamat ng binata dahil hindi naman talaga kaila kahit pa sabihing isa siyang batikang manggagamot sa Pilipinas ay iba pa rin ang kultura ng bansang Saudi. "We are proud to have you here in our hospital and besides you're one of the assets of this hospital but like what I've said we can't do anything because you wanna go home and face your life there. Supposedly, I as the owner of this hospital I am the one who'll be the one to thank you. Allah may bless you, Doctor Aguillar," aniya ng doctor. "God will bless you more, Doctor,nfor being a kind-hearted man. So, I'm going and I'll fix some of my papers so that I can go home as soon as possible." Pamamaalam niya sa doctor. Ngunit ang nasa isip niya total may oras pa naman ay dadaan na lang muna siya sa pagamutan kung saan naka-confined ang dati niyang nobya. SAMANTALA hinihintay na lamang nila Jona at ang mga kaibigan niya ang doctor para ma discharge siya ng biglang dumating ang taong pinakahuling tao na gusto niyang makausap. Pero bago siya makapagsalita ay nauna na ito. "Hi, kumusta na kayong lahat lalo na ikaw Jona? Palabas ka na raw sabi nila riyan sa nurses station?" may ngiti sa labi na tanong ni Niel. Nahihiya man siya rito dahil sa mga nagawa niyang pagkakamali ay mas minabuti niya ang nagsalita. "Hi, Niel, halika rito at maupo ka," alanganing aniya ng mga kaibigan ng dalaga na nakahalata ding kailangang mag-usap ng dalawa. "Salamat." Pasasalamat at baling sa mga ito ng binata. Pagkaalis ng tatlo ay hindi alam ni Jona kung paano magsimula. "Kumusta ka na, Jona?" Panimula ng binata sa babaeng minsang naging bahagi ng kaniyang buhay. "Heto, okay lang at lumalakas na kahit papaano, Niel. Oo, palabas na rin ako pero dahil hinihintay ko pa ang release or discharge papers ko rito ay isinabay na nila ang pagdating ng aking nga escort. Tama ang narinig mo, Niel. Paglabas ko rito ay deretso na sa selda. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mong hindi nila maaring ipataw ang parusa sa taong buntis. Meaning, saka ko lang matatanggap ang parusa ko pagkatapos kong manganak." Bakit pa ba siya nagsisinungaling? Wala siyang dapat ilihim sa taong halos sumalo sa kamalian niya at mga kaibigan nito. Disgrace man sa imahe ng mga tao ang nagawa niya ngunit ayaw na niyang dagdagan iyon. Kaya't imbes na magpasikot-sikot pa ay nagpakatotoo na lamang siya rito. Sa isipan ng binata, ganoon man ang nangyari sa kanila ng dating kasintahan ay mas gusto pa rin maghiwalay sila ng maayos. They are both Filipino, by the way. "May pinagsamahan din tayo, Jona. Bilang tao ay may concern pa rin ako sa iyo at sa iyong kalagayan. Magpakabait ka sa loob at palaging magdasal napatunayan na ng autoridad na isa ka ring biktima. Subalit dahil lumabag tayo sa batas nila rito ay kailangang makulong pa rin. Ang pagkakaiba nating dalawa ay mas magaan ang nagawa ko kaya't nakulong din ako ng ilang araw. Basta magpakabait ka roon. Malay natin bago mo isilang ang iyong anak ay makauwi ka na. Isa lang ang hinihiling ko sa iyo, Jona. Kahit ganyan ang nangyari ay huwag na huwag mong iisiping ipalaglag ang anak mo dahil siya ang magiging ilaw mo sa iyong buhay in the future. I wish you all the best, Jona, and we can still be friends." Mahaba-habang pahayag ng binata kasabay ng paglahad ng palad sa babaeng minsang naging bahagi ng buhay. At masasabi din niyang sa pagpalaya sa sarili o mas tamang sabihing ang pagtanggap sa katotohanan ay malaking bagay sa pagluwag ng kaniyang damdamin. Labis namang humanga ang mga nakarinig sa tinuran ng binata. Nasa ward lang man siguro si Jona pero hindi naging hadlang iyon sa pananalita ng isa sa mga babaeng kasama ng pasyente. Lalo na ang dalaga alam niyang mabait ang binata pero hindi niya inakalang ganoon. Ito pa ang nagbukas sa usaping hindi niya alam kung paano simulan. "Ang bait mo talaga, Niel. Labis mo kaming pinahanga sa lahat ng binitawan mong salita. Wala kami sa posisyon upang magsalita. Ngunit bilng tao ay umaasa kamimg sana ay matagpuan mo na rin ang taong kapisi ng buhay at puso mo," pahayag ng isa sa kaibigan ni Jona. Pumasok upang sabihin sanang nasa labas na ang dalawang police na maging escort niya pero hindi na nangyari dahil agad ding sumigunda si Jona. "Friends, Niel. Wala akong ibang sasabihin kundi you deserve to be love by someone else 'cause you have a kind heart. God will always bless you, and I wish you all the luck in life. Thank you, friend." Hindi na nagdalawang isip ang dalaga na tinanggap ang palad ng dating kasintahan. Upon saying those words, she felt something strange in her heart. She knew it that it's a sign of being freed from any burden that she's thinking off. Hindi na rin nagtagal si Niel sa pagamutan. Dumaan siya sa kulungan para kausapin pa sana ang dalawa niyang kaibigan pero up to the end naging mapangmataas ang dalawa. Hinarap nga siya subalit hanggang sa huli ay ginawa ang lahat upang mabaling sa kaniya ang sisi at siya ang masama. "Wala kaming kaibigang traydor, Niel! Ikaw sana dapat ang nandito hindi kami pero lagi namang ikaw ang bida kaya magsaya ka hayop ka," sabayang sigaw ng dalawa kahit napatunayan na ng pulisya sa tulong ng CCTV footage, ang land lady ng naturang apartment at higit sa lahat ay ang babaemg inaubuso ng mga ito. Sila ang star witness kaya't napatunayang walang sala ang binata. Ganoon pa man, dahil ayaw niyang umuwi ng Pilipinas na may hinanakit sa kapwa ay hindi na niya pinatulan ang mga ito instead naging malumanay pa rin siya. "Wala na akong magagawa pa, Alfred, Bernard kung iyan ang paniniwala ninyo. Dumalaw lang ako upwng magpaalam sa inyo. Mag-for good na ako sa Pilipinas at doon na muling magtratrabaho. God will bless you both, my friends." malumanay na sambit ng binata saka tumayo na at nilisan ang lugar na iyun na walang kinikimkim na sama ng loob. One week later! After all! After preparing everything that's it's needed for him to go back home in his native land! Finally, he's boarded once again to the QATAR AIRWAYS. But as he sat on his airbus chair, his eyes widened upon knowing who's peacefully sitting next to him. "Maupo ka na, lampa. Huwag mo akong titigan baka malusaw pa ako." Nagulat tuloy siya ng nagsalita ito. Huwag mo kasing titigan, Lampa! May extension ang pang-amoy at pandama niyan baka ipalapa ka pa sa mga unggoy ng daddy mo.😁😁😁😁
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD