CHAPTER TWENTY-SIX

1318 Words
"ANO ang kinalaman mong kuwentas sa buhay ko? Bukod sa may nakita akong kapareha nito sa lalaking lampa na iyon? Matagal ko ng hinahanap ang nawawalang bahagi ng buhay ko. Ngunit bakit ngayon lang nagpakita ang mga senyales sa akin?" nakatingin sa kawalan na sambit ng dalaga. Subalit nagmistulang sirang-plaka sa kaniyang isipan ang pangyayaring iyon mula sa nakaraan. 'Bangon diyan, lampa! Kalalaki mong tao ay ang lampa-lampa mo eh!' sigaw ni Whitney. 'Nasaktan na nga ako, leona. Tapos makasigaw ka pa riyan ay dinaig mo si Mommy,' sagot ni Niel at kulang na lamang ay maiyak dahil sa sakit ng pagkadapa. Ngunit dahil dito ay nakalimutang hindi alam ng kaharap na leona ang tawag dito. Tuloy! Mas nagalit ito at tuluyang naging leona! 'Ako ba ang tinatawag mong leona? Hoy, lampang ewan ko kung lalaki nga ba o bakla o ano pa riyan! Huwag na huwag mo akong matawag-tawag na leona dahil kasing-ganda ko ang aking pangalan. Diyan ka na ngang lampa ka!' muli ay singhal ng batang si Whitney kay Niel. Hindi lang iyon, binawi binawi pa ang nakalahad na palad upang tulungan sana ito pero dahil sa tinawag siya nitong leona ay hindi na niya itinuloy ang pagtulong sana rito. Kaso! Nagmistula naman itong nasa training ground! Basta lang ding bumalik! Subalit dahil mag-isa lamang na bumabgon ang kalaro ay muling nagsalubong ang kanilang landas! Kaya naman ay tuluyan silang nagkabungguan. At parehas lamang na tumilapon sa makapal na bermuda grass. Subalit abg batang si Whitney ay naging maliksi at kaagaad na bumangon. At muling pinamaywangan ang kababata. Pero! 'Lalaking lampa, halika ka nga rito. Kanino mo kinuha ang kuwentas mo? Ah, mali pala ang tanong ko. Saan mo nakuha ang suot-suot mong kuwehtas? Dali! Sagot na! Aba'y kamukhang-kamukha ng nasa akin ah. Kahit ang hugis pusong pendant nito ay ganoon din!' malakas na saad ni Whitney. 'Bad ka talaga, Leona. Regalo ito ng Tito Ninong Terrence. Hindi ko kinuha kung saan-saan. Diyan ka na nga at---' Subalit dahil sa pangambang baka madulas ang dila niya at masabi ang binitawang pangako sa Daddy nitong Tito Ninong niya ay nagmadali na lamang siyang lumayo sa kinaroroonan nito. Iyon nga lang ay nadapa siya ng tuluyan dahil na rin sa pagmamadali. "TAMA! Siya nga ang lampang lalaki! Ang lalaking tanging tumawag sa akin ng leona. Tsk! Hanggang dito ba naman sa Saudi ay lalampa-lampa ang taong iyon? Parang ewan, tsk! Hah! Kapag nahuli ako ng paglapit ay baka naputulan na iyon ng ulo sa baba!" padaskol niyang bulong at kulang na lamang ay manapak. Kaso! Sutil din ang kaniyang inner mind. Dahil sa kabila ng seryoso niyang pag-iisip ay nagawa siyang kantiyawan. 'Baka naman namimiss mo lang ang tao kaya naggagalit -galitan ka?' Nakikita niya ang sariling nakapamaywang sa kaniyang harapan. Tuloy! Napanulagat siya na wari'y nasa harapan ang lampang lalaki at gustong ibala sa lisensiyado niyang sniper gun! Abah! Hindi iyon maaring mangyari! "Erase! Erase! Hindi puwedi iyon, noh! Neknek ng lampang iyon!" Nagsalubong tuloy ang assets niya at ang malalago niyang kilay! Subalit sa gitna nang pagsasagutan nila ng kaniyang inner mind ay bigla niyang nasapo ang kanyang ulo. Dahil muling may dumadalaw mula sa nakaraan. 'ANAK, sign this paper,' ani Terrence sa bunsong anak. 'Ano na naman po iyan, Daddy? Saglit lang po at mayroon akong itatanong ako sa iyo. Bakit mo binigyan ang lampang iyon ng kuwentas? At kagayang-kagaya ng kuwentas na ibinigay ni Tito Ninong sa akin?' patanong na sagot ng batang si Whitney. 'Sasagutin kita, anak. Ngunit kailangan mo munang pirmahan ito,' muli ay wika ni Terrence. Bunga ng kamusmusan ay pinirmahan na lamang ni Whitney ang marriage contract na ipinapapirma ng ama kahit hindi niya ito nauunawaan. Ang hindi alam ng batang si Whitney, kung ano ang ipinagawa sa kaniya ng ama ay ganoon din ang ipinapapirma ng Tito Ninong Cyrus niya sa lampang lalaki. In other words, mula sa kamusmusan ay mag-asawa na silang dalawa. Naging valid nga lamang ito noong tumuntong silang parehas sa tamang edad. "MARRIAGE CONTRACT! Marriage certificate---what! Don't tell me--- Oh, my goodness! God gracious! I need to talk to Dad! Ngayon alam ko na! May kababalaghan ang ipinapirma sa akin dahil may kapalit ang sagot sa itinanong ko long years ago." At sa kaisipang iyon ay napaupo siyang bigla! Kaso sa inasta niyang iyon ay nagising naman ang katabi niya. "Mukhang balisa ka, friend? Alas-sais pa lang ng umaga pero parang hindi ka mapakali," anito sa kaniya. "Actually, hindi na ako nakatulog sikula noong ginising n'yo ako kaninang twelve. Dahil maraming bagay ang gumugulo sa isipan ko. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko kung umuwi na ako sa Pilipinas o ang pumunta ng embassy para makatulong doon o ang bumalik sa Los Angeles kung saan naghihintay sa akin ang superior ko." Hawak-hawak man niya ang ulo pero hindi dahil sa sakit kundi mas sumasakit ito dahil kaisipang kasal na pala siya noon pa man. Pero ang tanong, sino ang asawa niya? Kanino siya ikinasal na wala siyang kamalay-malay? Hindi man niya lingunin pero alam niyang ang butihing babae na naging kaibigan ang lumapit sa kaniya dahil umungit ang higaan niya. "Alam ko, friend. Mayroon kang mabuti kang kalooban at handang tumulong sa mga nangangailangan at walang hinihintay na kapalit kagaya ng ginawa mo sa kabayan natin. Pero payong kapatid lang, Whitney, unahin mo ang sarili mong suliranin. Dahil hindi ka rin magkakaroon ng peace of kind kapag isasantabi mo iyan," anito saka tinapik-tapik ang kaniyang balikat. "Tama ka, friend. Dahil ilang araw na akong binabagabag ng mga ala-alang nakikita ko at alam kung malaki ang kinalaman ng mga magulang ko dito. Salamat, friend. Kahit sa maikling panahon na nandito ako ay alam kong mabuti kang kaibigan. Kung sakali mang kailanganin mo ang tulong ko, heto itago mo ang calling card ko at kung uuwi ka sa bansa puwedi mo rin akong pasyalan either sa bahay namin sa Ilocos Sur or sa Baguio just call para alam ko." Tugon ni Whitney kasabay ng pag-abot ng calling card dito. "Kita mo, friend? Huh! Isang international lawyer at opisyal ka ng FBI tapos nagpapakuba ka rito para---" Pero hindi na iyon pinatapos ni Whitney. Dahil ayaw na ayaw niya ang ganoong usapan. Para sa kaniya ay pantay-pantay ang mga tao sa mundo. Ang pagkakaiba lamang ay pera. "Sa Pilipinas lalo na ang mga pinsan kong babae ay Leona ang tawag sa akin. Dahil kagaya noong minaliit ni Amina ang mga tulad natin ay talaga namang madaling uminiy ang ulo ko. Sa grupo namin sa Los Angeles ay ganoon din, Leona ang code name ko. But the point there is, nagpaiwan ako rito sa Saudi almost three months ago dahil matagal ko ng pinapangarap na makatulong sa mga kapwa nating kasambahay. Kaso mas napatunayan kong mga kabayan din pala ang naghihilaan paibaba. Mga katulong man o skilled workers ay ganoon pa rin. Ngunit kako, nagawa ko na ang alam kong tama. Kaya't wala na akong magagawa pa sa ugali mayroon amg mga kabayan natin. Puwera delos buenos, pero iyan ang katotohanang aking napatunayan habang nandito ako." Sona! Mahilig kang magplataporma! "Therefore, kailangan mo nang umuwi sa Pilipinas. Dahil hindi ang pagiging katulong ang nababagay sa ganda mo," muli ay aniya ng babae. "Thank you, friend. Oo, uuwi na lang ako pero kailangan ko munang ayusin ang papeles ko para malinis ang pag-alis ko lalo na kay madam. Who knows muli akong mapadpdad dito," tugon ng dalaga pero ang isipan ay nasa kuwentas niya na hindi niya mabuksan-buksan. Ngunit alam din niyang imposibleng magtagal siya sa bansang Pilipinas. Dahil tumatawag na rin nag kaniyang superior. Siguradong may panibago siyang assignment. Dahil hindi ang tulad nito ang mangdisturbo kung ang pabalikin lamang siya ang rason. Subalit tama rin ang naging malapit sa kaniya sa kanilang accommodation, kailangan muna niyang ayusin ang sarili niyang buhay. At mangyayari lamang iyon sa bansang Pilipinas o sa pamamagitan ng mga magulang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD