CHAPTER TWENTY-FIVE

2424 Words
"DOCTOR, ano'ng problema sa anak ko? Bakit dumadalas na yata ang pagkahilo niya?" may pag-aalalang tanong ni Terrence sa isang specialista kung saan nila ipinakunsulta si Whitney. "I'm sorry to tell you this, Mr Harden. Ngunit dahil sa nagtatanong ka ay sasagutin din kita. May malignant tumour ang anak ninyo. Pero dahil bata pa siya para sa isang operasyon ay hindi ko pa maisuhestiyon na ipaopera n'yo siya," pahayag ng doctor. "Po? What happened? How come?" tuloy ay sunod-sunod namang tanong ni Yana. Aba'y paanong hindi siya mapapatanong ng marami samantalang anak niya ang sangkot! Ano'ng silbi ng kayaman nila kung may sakit namang iniinda ang isa sa membro? No, it can not be! Dahil dito ay napabuntunghininga ang doctor. Pero pinili pa rin nito ang magsabi ng totoo. "Yes, Mrs Harden. Ang anak ninyo ay may malignant tumour which may lead to cancer of the brain," anito kasabay ng paghinga ng malalim. They were surrounded by lots of doctors, and even the mother of Florida Bryana was a doctor before. Sunalit para sa kanilang mag-asawa ay parang ayaw pumasok sa kanilang isipan ang tungkol dito o ang tungkol sa tumour ng bunso nilang anak. Then, after some time of keeping her mouth shut, Florida Bryana says a word. "Kung pipirma kaming mag-asawa ng waiver para sa kaniyang operasyon ay isasagawa n'yo ba, doc?" tanong niya. Dahil hindi pa rin siya makapaniwalang may malignant tumour ang bunso niyang anak. Her daughter is just ten years old, and upon thinking of her malignant tumour makes her think that they'll lose her. "Yes, you can, Mrs Harden, but before anything else, let me tell you first the effect of the operation. There's a tendency that she'll be having an amnesia which is a deficit in memory caused by brain damage, disease, or psychological trauma. Amnesia can also be caused temporarily by the use of various sedatives and hypnotic drugs. The memory can be either wholly or partially lost due to the extent of damage that was caused. There are two main types of amnesia. Retrograde amnesia and Anterograde amnesia. In some cases, the memory loss can extend back decades, while in others, the person may lose only a few months of memory. People with this type of amnesia can not remember things for long periods of time. These two types are not mutually exclusive; both can occur simultaneously." The doctor pauses for a moment and has a deep breath before he continues. "Pero kung ako sa inyo, Mr and Mrs Harden, take her to the U.S. Dahil mas high tech and accurate ang mga kagamitan sa surgery doon. Huwag kayong mag-aalala dahil may chances pa siya, but you should take the risk. Dahil kagaya ng sinabi ko kanina ay bata pa siya," dagdag pahayag nito. They talked to each other's through their eyes, tha is why in that very moment, nagdesisyon silang mag-asawa. They will take the risk, dadalhin nila sa U.S ang bunso nilang anak. After preparing everything, ipinaliwanag este ipinaalam pa nila sa magkabilang partido ang tungkol sa kalagayan ng sampung taong gulang na si Whitney. Idagdag pa ang travel documents nilang tatlo. Kaya't inabot sila ng halos isang buwan bago tumulak patungong U.S. But! "I'm so sorry, Mr and Mrs Harden. Ngunit may side effect ang operasyon ng anak ninyo. She has a selective amnesia. This type of amnesia in which the victim loses certain parts of her memory. Common elements that may be forgotten are relationships, special talents, where she lives, and abilities in certain areas. But don't worry, she's still young, so there's a tendency or should I say malaki ang pag-asa niyang marecover ang mga bahagi ng buhay niya na pansamantala niyang nakalimutan." Mahaba-haba namang pahayag ng pinoy surgeon na nagsagawa ng surgery kay Whitney. Though, nagkaroon ng selective amnesia ang batang si Whitney ay walang hanggang pasasalamat pa rin ang tanging sinambit ng magkabilang pamilya dahil bukod sa out of danger na ito ay puwede na rin itong mamuhay na walang iniisip na sakit. "HEY, honey! What's on that day dream, huh?" Taas-kilay na tanong ni Ginang Yana sa asawang parang sinaniban ng masamang spirito. Dahil basta na lamang itong napatulala! Kaso! "Maybe he is imagining of you, Mama. But why is he doing that. Most of the time you are together," ani Aries Dale saka nagpakanlong dito. Pero nakatawa naman. Kaya't sigurado silang nagbibiro rin ito. "Big boy ka na, apo ko. Pero nagpapakarga ka pa rin sa Papa mo. Ang younger siblings mo ang dapat kinakarga." Pangangantiyaw tuloy ng matandang Mckevin. Kahit pabalik-balik na ito sa pagamutan ay nagawa pa ring nagtungo sa tahanan ng bunsong anak upang kausapin ang mga ito tungkol sa kinasangkutan ng bunso ring apo sa Saudi Arabia. Dahil totoo naman! Walong taong gulang na ito! Ang kambal nitong kapatid ang mga babies. "Don't worry, great grandpa. Dahil very strong pa si Papa. Pero saglit lang po at may itatanong pa po ako sa kaniya," anito saka tumingala sa abuelo. "Papa, what you are thinking so hard? Are having a day dreaming? Hmmm... Lagi naman po kayong magkasama ni Mama," tanong nito. Subalit hindi nila ito pinatulan. Dahil may mahala rin silang pag-uusapan. Ganoon pa man ay kinausap nila ito ng maayos. Ginulo muna ni Terrence ang buhok ng apo saka hinagkan sa ulo bago niya ito pinaliwanagan. Well, sa mura nitong edad ay malalim na ang pang-unawa. Kahit pa sabihing limited pa. "Yes, I do, baby. Go to your mom's room and help her to take care of your siblings. May adults talk muna sina Mama, Mapa, at great-grandpa ha? When you'll reach your right age you will understand everything but for now go first to your mom's room," paliwanag naman ni Terrence rito habang ginugulo ang buhok nito. "Okay, po, Papa. I'll go ahead." Patay- malisya itong bumaba sa kanlungan ng abuelo saka inisa -isa silang hinagkan sa noo bago umakyat sa room ng mga magulang kung saan naroon ang kambal na kapatid. Nang nawala na sa kanilang paningin ang bata ay saka muling nagsalita ang matanda. "Ano ngayon ang plano ninyo? Hindi n'yo pa ba siya papauwiin?" tanong ni Grandpa B. "Kung kami lang ang masusunod, Daddy, yes, papauwiin na namin siya. Ngunit kilala n'yo naman po siya. She's hard-headed, lalo kapag alam niyang nasa tamang panig siya," sagot ni Terrence bago napatingin sa asawa. "Hey, honey! Huwag mo akong tingnan ng ganyan. That was so long time ago may mga apo na tayo kaya tantanan mo ako." Napairap tuloy si Ginang Yana sa asawa. "Oh, bakit, honey? Mayroon ba sinabi ba akong sinabi? Guilty as charged ba?" Panunukso pa ng asawa sa kaniya habang tumatawa. Tuloy! "Ikaw tigilan mo nga ako. Tawagan mo na ang anak mo at makausap natkn siya ng maayos," napatawa na ring sagot ni Ginang Yana. He ( grandpa B ) know them so well. Magkasintahan na ang dalawa since his daughter was just seventeen years old. Alam niya kung paano magturingan ang dalawa. Kaya't ninais niyang sumabad dahil alam niyang walang patutunguhan ang pagpunta roon kung hindi niya gagawin iyon. "You're not both getting any young anymore mga anak. Gusto ko kayong makausap tungkol sa dalaga ninyong nasa Saudi. Okay, let's say, LEONA siya ng kapwa abogadong ginawa siyang escort. Pero bakit hanggang ngayon ay wala pa kayong sinasabi sa kanilang dalawa samantalang mag-asawa na sila simula pagkabata. Pangalawa, bakit ba hindi ninyo ipinaalam sa kanilang mag-asawa na mayroong selective amnesia ang apo ko? Bilang ama ninyo, mga anak, kailangan ko ang paliwanag mula sa inyong dalawa. Dahil kahit bali-baliktarin ang mundo ay hindi na kailangan ni Whitney ang magpaalila sa ibang bansa. Dahil naka-dual job naman siya. Huwag na nating ibilang ang Pilipinas sa kaniya dahil DISGUSTING lang ang isasagot. Alalahanin ninyong magpinsan sila ni Janellah. Pero mas okay pa rin ang Kaskasera the second na iyon dahil hinarap ang AGDA ngunit ang anak ninyo ay talagang pinanindigan sa Los Angeles simula pa noong secondary." Mahaba-habang pahayag ni Grandpa B habang pinaglipat-lipat ang paningin sa manugang at bunsong anak. Kaso! "Dad, gusto mo po ng tubig? Kako baka nauhaw ka sa hinaba-haba ng iyong sina." Animo'y batang nangungunyapit si Yana sa ama. Ngunit nandoon naman ang mapanuksong aura. Wala naman siyang ibang nais kundi ang mapagaan ang damdamin nito. Iyon nga lang ay idinaan pa sa biro. Nauunawaan din nila ang hinaing nito kaya't idinaan na lamang niya sa biro dahil ayaw na ayaw niyang nakikita na nahihirapan ang ama. Kaso mukhang backfired naman agad-agad! "Anak, kagaya nang sabi ng asawa mo hindi ka na baby. Kaya't huwag kang maglambitin baka awayin ka ng apo mong madaldal pa sa iyo." Nakatawa na ring pananawata ng matanda na kaagad namang ginatungan ng manugang. "Naku, Daddy, sinabi mo pa. The total opposite of thay son of mine." Pagsang - ayun pa ni Terrence sa iyanan na nakatawa. Well, mula noon hanggang sa kasalukuyan ay ganoon sila. Best of friends ang ama niya at ama ng mahal niyang asawa. Sila ring mag-asawa ang nagbigay basbas noong nagtanan silang dalawa. Ngunit makaraan ng ilang sandali ay muli silang nagseryoso. "Huwag kang mag-alala, Daddy. Dahil kakausapin namin siya pero this time ay tulog na iyon. Alam naman nating lahat na magkaiba ang oras natin. Tama po kayo na maraming taon na ang nasayang, so we need to face the truth na lalo na ang pagiging mag-asawa nila. Legal po iyan, daddy. Alam n'yo po iyan, I mean ang kasal nila dahil noong tumuntong silang pareho sa edad na labing-walo ay naipasa na namin sa NSO(PSA na ngayon) ni pareng Cyrus." Pahayag ni Terrence. Dahil lisensiya naman nilang lahat ang nakasalalay. Kaya't hinintay nila na maging adult ang dalawa. Ahead ng tatlong taon ang manugang nila sa asawang binansagan ding leona. "Yes, anak. Alam ko iyan. Kaya ko kayo hinihikayat na ipaalam sa kanila ang tungkol sa tunay nilang estado. Hindi naman sa gusto kung nawala ang kasintahan ng bawat isa sa kanila. Pero ipinahintulot at gumawa na ng paraan ang Diyos para sa kanilang dalawa. So, go ahead. Kausapin n'yo na sina Cyrus at Rowena. Ipaalam n'yo sa kanila ang tungkol sa plano before they'll do another step." Nakangiting pagsang-ayun ng matanda. Dahil closed case naman este dahil napagkasunduan naman nila na ganoon na lamang ang kanilang gagawin ay hiniling na lamang nila na bumaba ang mag-ina pero dahil kambal ang nasa kuwarto ng mag-asawa ay umakyat si Yana para tulungang ang manugang para ibaba ang mga apo. SA kabilang banda, sa boarding house ni Niel. Hindi niya alam o sa hindi malamang dahilan ay hindi siya dalawin ng antok. "Bakit kaya hindi niya ako maalala? Siguro nga hindi ko siya namukhaan noon sa Baguio pero nakilala ko naman siya sa pangalan," bulong niya habang nakatanaw sa labas ng bintana ng kuwarto. Kaso sa kaniyang pag-iisa ay may senaryong sumiphayo sa balintatanaw niya. 'Ninong, ang ganda naman ng pendat na ito," tuwang-tuwa na wika ng batang si Niel. 'Yes, anak. Sinadya naming ipinagawa ng ninang mo iyan para sa iyo. You can take a look at it,' sagot ni Terrence. Bunga ng kamusmusan sinunod nga niya ang tinuran ng kaniyang ninong . Binuksan niya ang pendat. 'Wow, ninong! Larawan namin ni Leona ito. Ngunit baka magalit siya kapag malaman niya ito?" may ngiti sa labi na sambit ni Patrick Niel. Kaso dahil wala namang kaalam-alam ang Tito Ninong niya ay napatanong ito. 'Leona? Who is she, anak?' may pagtatakang tanong ni Terrence. Although may hinala na siyang ang bunso niya ang tinutukoy nito dahil ito naman ang nasa pendat. 'Eh, huwag ka pong magalit, Ninong. Pero leona po kasi ang tawag ko kay Whitney dahil sobrang masungit sa akin. Huwag n'yo po akong isumbong sa kaniya. Crush ko pa naman siya kaso ang sungit-sungit naman po.' Pang-aamin ng bata. Napangiti tuloy si Terrence narinig. di yata at umaayon sa kanilang magkaibigan ang panahon. 'Promise, anak. Hindi ako galit sa iyo. Basta e-promise mo ring huwag na huwag mong iwawaglit sa ang kuwentas. Nasa kaniya ang pares nito pero hindi niya iyon mabubuksan dahil ito ang susi.' Hindi na maitago ang pagiging panalo ni Terrence. Kahit mga bata pa lamang ang kanilang mga anak ay alam niyang magkakatuluyan ang dalawa in the future. 'Ay promise po, ninong. Itatago ko po ito kahit masungit ang leonang iyon." Itinaas pa nito ang dalawang palad na wari ay nanunumpa. Ngunit ganing dahilan naman upang makita ng husto ang hugis pusong pendat. 'Good boy, anak,' tugon naman ni Terrence saka ginulo ang buhok nito na nagmana sa buhok ng kaibigan niyang curly. "SIYA nga si leona. Wala pa rin siyang ipinagbago. Kaya pala ganoon na lamang ang pakiramdam ko ng makita ko siya sa presinto," bulong ni Niel. Ngunit hindi niya namalayang napapangiti na pala siyang mag-isa habang hawak-hawak ang kuwentas na hindi pa rin kumukupas ang kinang. Hawak ang kuwentas ay bumalik siya sa hingaan niya saka nahiga. In his mind, hindi naman siguro masama kung subukan niyang kausaping muli ang ninong niya tungkol sa kuwentas. At sa pag-iisip niya'y hindi na ya namalayang hinila na pala siya ng antok. SAMANTALA sa kabilang banda, mula sa mahimbing na tulog ay nagising si Whitney dahil sa sampal. "What the hell is going on?" gulat niyang tanong habang hawak ang pisngi. "Ay, sorry naman, friend. Napilitan lang akong gawin iyon dahil parang nanaginip ka. Umiyak ka nga ng una pero at the end parang may inaaway ka," paliwanag ng kasamahan niyang nanampal sa kaniya kahit unintentionally. "Huh! Walang problema, friend. Napahimbing pala ako sa tulog. Sige na, friend, bumalik ka na sa iyong pagtulog at sorry na kung nabulabog ko kayo. Lilipat na pala ako bukas," saad niya rito na pinilit maging okay. "Alam namin iyan, friend. Dahil nag-impake ka kaninang dumating ka. Goodbye, my friend. At sana ay marami ka pang matulungan. Huwag mo kaming kalilimutan ha," tugon nito bago yumakap sa kaniya saka bumalik sa sariling higaan. Sa muli niyang pag-iisa ay pilit niyang kinakapa ang sarili kung bakit ba siya hinahabol ng ala-alang hindi naman niya matandaang nangyari sa kaniyang buhay. Hindi niya maunawaan kung bakit sa tuwing nag-iisa siya ay laging mukha ni Phillip ang nakikita habang nakangiti. 'Go on, Whitney, my dear. Go and face your life.' Ang lagi nitong sinasabi na hindi niya maunawaan. Kung tutuusin ay kasalanan niya ang pagkamatay nito pero sa tuwing nakikita niya ito ay lagi namang nakangiti sa kaniya at hindi kakikitaan ng galit. Then... Again, in her deep thoughts another scene popped up in her mind. A scene that made her shiver.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD