SAUDI ARABIA
"Mga Pare, ano'ng ginagawa n'yo rito?" may pagtatakang tanong ni Niel sa mga kaibigan nang nakita ang mga ito.
Pero laking gulat niya nang patuyang umismid lang ang dalawa saka tiningnan siya up and down.
Then...
"Alam mo, Aguillar. Dahil sa sobrang kabaitan mo napahamak ka. Patunay na lamang ang sagot ng mga iyan na ismid at tinging inaabuso nila ang tiwala kabaitan mo sa kanila. Now, I'll ask you again: Are you willing to know the truth?"
Malumanay na wika ni Whitney. Ngunit kung nakakamatay nga lamang ang tingin niya sa dalawang hinuli ay kanina pa patay ang dalawa.
"Kung iyan ang tulay upang makalaya ako, ay oo ang sagot ko, Attorney Harden. Handa ko namang pagbayaran ang kasala---"
Kaso!
"Dapat lang naman na makulong ka! Matapos mon buntisin ang iuong nobya ay saka mo ipasa sa amin? Iyan ang hirap sa iyo ang hilig mong pumapel. Tsk! Tsk!" Pamumutol at ismid ni Alfred kay Niel.
Tuloy!
"Ano? Paanong binuntis ko siya? Samantalang matagal din kaming hindi nag-usap bago ako umuwi para sa bakasyon. Pagdating ko naman dito ni hindi ko pa nga siya nakakausap up to the present. So, paano nangyaring binuntis ko siya? Saka, teka lang, pare. Wala naman akong matandaang na may ginawa akong masama at labag sa kagustuhan ninyo upang sabihin n'yong mahilig akong pumapel."
Imbes na magalit ay pagtataka pa ang naramdaman ni Niel ng oras na iyon. Labis-labis naman talaga ang pagtataka niya dahil na lamang sa paraan ng pananalita nila sa kaniya. Kaso mas umarko ang malago niyang kilay dahil sa sagot ng isa pa niyang kaibigan o si Bernard.
"Talaga namang ikaw ang ama ng ipinagbubuntis ng putang iyon eh. Kaya't nararapat lamang na ikaw ang nandito. Huwag na huwag mo kaming idadamay sa kagaguhan mo. Nilaspag mo na nga ang gagang laspag ngunit hindi mo pa mapanindigan," paismid na giit nito.
Ang kanina pa nagmamasid at nakikinig sa tatlo ay hindi na nakapagpigil. Muli siyang nagsalita at pumagitna.
"Kayong dalawa huli na nga kayo sa akto ngunit gusto n'yo pa ring idiin ang ibang tao. Hah! Paano ninyo nalamang laspag ang taong kinawawa ninyo kung hindi n'yo ginalaw? Tsk! Tsk! Imbes na maawa ako sa inyo mas dinadagdagan pa ninyo ang aking galit. Bahala na ang embassy sa mga tulad ninyo! Kaya't magdusa kayong dalawa!" inis na sambit ni Whitney bago binalingan ang lalaking pupugutan na nga ng ulo sa baba at taas ay mukhang kinakaawaan pa ang mga tunay na may sala.
"Ikaw namang lalaki ka, kagaya nang sinabi ko, papatayin ka na nga ng dahil sa kabaitan mo ayan ka pa rin. Hala, lumabas ka na riyan at ipa-clear natin ang pangalan mo bago kita ipadagdag sa mga iyan."
Tuloy!
Kahit ang kaawa-awang binata ay nadamay sa umuusok na bumbunan ng dalagang LEONA!
KASO!
"Yabang!" Hindi matukoy kung bulong ba o sigaw na patuyang wika ng dalawa. Kaya naman ay muling bumuwelta ang dalaga.
"Sir! Huwag na huwag ninyong hahayaang makalabas ang dalawang iyan ha? Col Mohammad Abubhakar will come later today together with the officers from the Philippines Embassy to have this case.
"Sabagay, I have all the evidence to prove that they are the one who will be jailed. And besides, your witness is the land lady in their apartments, and the woman who's involved in this case is willing to testify that doctor Aguillar is not subject to this crime."
Baling ni Whitney sa ilang Saudis na opisyal na ipinadala rin ng LA Embassy sa bansa. Well, ganoon siya sinuportahan ng mga kasamahan! Kahit hindi siya maaring makialam sa batas ng Saudi ay ginawan nila ng paraan upang matapos ang nais gawin sa baturang bansa na walang problema. Ganoon siya kahalaga sa Los Angeles, California.
( mabuti na lamang daw nakakaunawa ng tagalog ang opisyal😂😂😂)
"Okay, attorneys. We will," tugon ng isa sa mga ito.
Hindi na nagsalita ang dalaga. Pero sa kaloob -looban niya ay gustong-gusto niyang sapakin ang lalaking nalunok na yata ang dila na hanggang sa nakalabas na sila sa presintong iyon dahil cleared na ay wala pa rin siyang narinig na salita mula rito.
Ang hindi niya alam ay nag-iisip din ito.
'Tama! Bakit hindi ko naisipang lumapit kina pinsan Gwat bayaw Mohammad? Pero paano kaya nagkakilala ang dalawa? Am I that outdated to our family informations?' tanong ni Patrick Niel sa sarili.
Kaso ano pa nga ba ang mapapala niya samantalang wala namang ibang makakasagot sa kaniyang tanong kundi ang sarili? Subalit kung kailan ibubuka na niya ang labi upang pasalamatan ito ay saka naman ito muling nagwika.
"Saan ka namin ihahatid, Aguillar?" ilang sandali pa ay tanong ni Whitney.
"Sa boarding ko na lang, attorney. Saka ko na lang kakausapin ang dalawa dahil sa totoo lang wala akong maunawaan kung ano ang nangyari," sa wakas ay sagot ng binata.
Kaso lihim naman siyang nasamid dahil sa tinuran nito.
"Sorry, ha. Ngunit sa totoo lang ay ikaw na yata ang pinaka-engot sa buong buhay ko na aking nakilala. Hindi mo pa ba nakukuha ang ibig sabihin ng lahat? It's all planted! Your friends want to pull you down. Dahil inggit sila sa iyo. Upang maging malinis ang ginagawa nila they used your girlfriend. Kung girlfriend mo nga ba ang isang tulad ni Jona na bukod sa may kinakasama sa Pilipinas bago pumarito sa bansang Arabyano ay pumayag l pa na parausan ng dalawa mong demonyong kaibigan.
Kung talagang ayaw niya ay bakit hindi nagsabi sa iyo o kahit ang magsumbong man lang sana pero wala siyang ginawa at ngayon na nagkagipitan na silang tatlo or should I say, ngayon na buntis ito ay saka pa naisipang magtapat. I don't care if you'll take her another time in your life pero ito lang masasabi ko stay away with them if you want to live your life."
Bravo, Leona!
Talagang kinarer mo na ang pag-SONA!
Subalit sa hinaba-haba nang paliwanag ng dalaga ay walang ibang pumasok sa isipan ni Patrick Niel kundi ang 'they want to pull you down'. Paano naman kasi sa side mirror siya nakatingin hindi para manalamin. Aba'y hindi magkakandarapa ang mga babae sa kaniya kung hindi siya guwapo!
Titig na titig siya sa kuwentas nito. Ang kuwentas na ibinigay ng Daddy Cyrus niya long time ago. Pero hindi lang iyun ang pumukaw sa kaniya kundi ang pendant nito dahil kamukhang-kamukha
ng pendat ng kuwentas nna ipinasuot ng Tito Ninong Terrence sa kaniya sa kaarawan niya isang taon ang nakalipas mula sa kaarawan nito noong sila ay mga bata pa lamang. Tuloy, hindi niya maiwasang tanungin ang sarili kung bakit hindi siya nito nakilala samantalang anak ito ng Ninong at Ninang niya.
"Maraming salamat pala, Miss Whitney. Kung hindi dahil sa iyo baka tuluyan na akong makulong. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula dahil mga kaibigan ko naman silang dalawa sa Pilipinas. Subalit tama ka nga sigurong planted ang lahat dahil ni wala silang nasabi noong bumalik ako rito. Maski si Jona ay ganoon din.
Aminado akong na may nangyari sa amin. Ngunit kung limang buwan na ang nasa sinapupunan niya sigurado akong hindi sa akin iyan. Dahil kagaya nang sinabi ko ay matagal kaming hindi nagkita bago ako umuwi at ilang buwan na rin ako rito. At noong isang araw lang ako makipagkita sana sa kaniya. Subalit ganon naman ang kinahinatnan.
By the way, kumusta na pala sila ninong at ninang?"
Sa hinaba-haba ng paliwanag ni Niel ay naisingit pa niyang kinumusta ang mga taong malapit sa kaniya!
"Hindi ko masasagot iyan. Dahil ilang buwan na rin akong nandito sa Saudi. Kaya't hindi ko alam kung okay sila o hindi. At isa pa ay sa Los Angeles ako nanggaling. Nakiusap lang ako sa superior kong mayroon akong gagawin dito. Kaya't nakipagtulungan sa LA Embassy dito."
Tugon ng dalaga. Ngunit dahil abala rin siya sa pagmamasid sa mga magagandang tanawin ay nakalimutan ng binanggit ang tungkol sa bayaw nitong hindi niya tinantanan hanggat hi pumayag.
Tuloy, ay walang maapuhap ang binata na maaring sabihin. Dalawang araw na rin siyang hindi pumasok sa trabaho at sigurado siyang siya rin ang center of the attraction at usap-usapan dahil sa nangyari. Hanggang sa makarating sila sa boarding niya ay wala siyang maunawaan kung ano ang nangyayari at higit sa lahat ang mga kaibigan niya.
'Akala ko naman sila ang mga taong makakaunawa sa akin pero sila rin pala nagpahamak sa akin. Hindi ko sukat akalain na magagawa nila iyon sa akin.' piping ani Niel.
"Dito ba, Aguillar?" pukaw ng dalaga sa lalaking nag-iimagine ( day dream puwedi ba😂😂😂).
"Huuh! Yes, Miss Whitney. Once again thank you so much," sagot ng binata na muling pinakatitigan ang suot nitong kuwentas.
"You're welcome. At sana lesson mo na iyan. I'm not saying na huwag kang makipagrelasyon dahil karapatan mo iyan bilang tao. But you should know your limits. By the way, here's my number here in Saudi tawag ka lang kapag may nais kang malaman. Sige mauana na kami."
Mula sa pakikipag-usap sa lalaking kamuntikang mapugutan ng ulo sa baba at taas ay bimalimg si Whitney sa mha escort.
HININTAY lamang ni Niel na nawala ang dalaga sa kaniyang imahe bago pumasok.
Kaso!
'Huwag na huwag mong tatanggalin ang kuwentas, na ito anak ha. Happy birthday.'
Parang sirang-plakang umalingawngaw sa pandinig niya sa mga katagang binitawan ng Daddy Cyrus niya long years ago noong ipinasuot nito ang kuwentas noong birthday nito.
"Now ko lang napagtanto na replica pala ng nasa kaniya itokg nasa akin. Pero matagal na panahon na iyon," muli ay bulong ng binata bahi nahiga sa kaniyang higaan kaysa isipin ang pumasok sa trabaho.
Sa kanyang pag-iisip ay hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.
SAMANTALA hindi na nagdalawang-isip si Whitney. Muli niyang tinawagan ang kakilala niya sa embassy o ang abogadong kakilala. Laking tuwa naman nito dahil matagal na siyang inaanyayahan para makasama sa trabaho sa bansang Saudi kahit pa sabihing LA Embassy. After a few hours of packing and saying goodbyes to her friends sa accommodation nila ay muli siyang nahiga.
"Nagawa ko na ang inaakala kong tama para sa mga kabayan kong Pilipino rito. Ipaubaya ko na rin sa Embassy ang kaso ng mga iyon. Nasa lampang lalaki na ring iyon kung magpatuloy siyang maging engot. Hah! Nakakainit ng bumbunan eh. Kung hindi lang siya anak nina Tito Ninong at Ninang eh baka pinabayaan ko na--- Teka lang, Leona! Kailan ka pa naging mapag-isip ng ganyan?"
Tuloy!
Nagmistula siyang sira-ulong bubuyog na bulong nang bulong!