CHAPTER EIGHTEEN

1045 Words
"MUKHANG hindi ka mapakali, Attorney Harden? May problema ka ba?" tanong sa kaniya ng abogadong ipinadala ng LA Embassy sa Riyadh Saudi Arabia para sa expats na nakulong. Dahil umano sa over stayed. "Kung wala lang siguro tayo rito sa ibang bansa ay baka masupalpal kita, Sir. Kidding aside, Sir. Can you help me to talk to ups? Ah, may kakilala kasi akong military officer dito at nais ko siyang makausap. Kaso kako baka naman ako ang makulong kapag gagawin ko iyon na wala akong back up. Aba'y gusto ko pang mag-asawa," pabirong pahayag ng dalaga. Matagal na niyang gustong gawin ang bagay na iyon. Subalit dahil hindi naman siya maaring makialam sa batas ng ibang bansa ay kailangan niyang dumaan sa embassy. "Hmmm... Kung hindi ko lang alam na halos dalawang taon na rin ang nakalipas simula noong pumanaw ang kasintahan mo ay aakalain kong mayroon kang itinaling aasawahin. Okay, since isang linggo naman tayo rito at may tatlong araw pa ay walang problema. Halika at puntahan natin ang kapwa nating abogado roon sa kaniyang opisina." Papayag na nga ay mangantiyaw pa! Then... "Do you mean, Col Mohammad Abubhakar? Wow! Mukhang napalapit na ng husto ang taong iyon sa mga Pilipino. Even his wife is one of you. Wait lang at ipatawag ko," pahayag ng may edad na rib taga-embassy. "Thank you, Sir. And yes, Sir. Kilala ko silang mag-asawa. Kaya't malakas din ang loob kong itanong ito," tugon niya. AFTER SOMETIMES... "Welcome to our country, Officer Harden. Wow! Mukhang nais kong magpasalamat sa embassy dahil sa wakas ay sigurado akong may ipapagawa ka sa akin," masayang wika ni Mohammad. "Hanep ka, Col Abubhakar. Nais pa lang kitang kausapin ngunit mukhang umaapaw na ang excitement mo," napatawa tuloy na saad ni Whitney. Aba'y paanong hindi siya matatawa! Samantalang mas excited pa ito kaysa sa kaniya. "Matagal kong hinintay ang paghingi ng favour sa akin. Since that you are here in Saudi, you may now tell me what you wanted me to do." Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi nito. Kaso ibubuka pa lamang niya ang labi upang sagutin ito ay naunahan naman siya ng asawa nito. "Kung hindi ako nagkakamali ay isa ka sa mga anak ni Tito Terrence na kaibigan ni Papa Ace Cyrus. Madalas ko silang makita noon kina Grandpa. Dahil sa Baguio naman ako unang nakakuha ng trabaho bago ako na-permanent sa Manila. Kaya't nang tumawag ang superior ng asawa ko ay agad kong nakilala ang pangalang binanggit. By the way, pagbigyan mo na ang excitement ng asawa ko. Dahil sa katunayan ay noon ka pa niya nabanggit sa akin. About how you deal with those madmen out there." Masaya rin nitong pahayag kasabay nang paglapag sa dala-dalang meryenda. Ang yes! Iyon ang naging suggestion ng abogadong sinamamhan niya at ang taga-embassy na mas mabuting sa tahanan ng mag-asawang Gwendolyn at Mohammad Abubhakar niya kausapin ang huli. Dahil na rin sa kultura mayroon ang Saudi. At dahil sa nais niyang gawin ay sumang-ayon siya kaagad. "Nais tuloy umurong ng dila ko, Brod, Sis Gwen. Aba'y hindi ko pa naipapakilala ng personal ang sarili ko pero mukhang hindi na kailangan." Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy. Then... "WHAT? Are you serious about that, my friend? My God! Parang gusto kong umatras ngayon ah," hindi makapaniwalang sambit ni Mohammad. "Oo nga naman, Sis. Maari mo namang gawin ang bagay na iyan kahit isa kang abogado. Hindi biro ang buhay ng maging kasambahay. Puyat at pagod ang kalaban mo. Unlike your current job, they will respect you." Pagsegunda pa ng asawa nitong si Gwendolyn. Subalit para kay Whitney ay iyon ang iniiwasan niyang mangyari. Dahil siguradong yuyukuan siya na parang Diyos. Nais niyang alamin ang sitwasyon ng mga kasambahay sa naturang bansa lalo at bali-balita ang kaliwa't kanang tungkol sa nangyayari at nararanasan ng mga ito. Sa madaling salita ay hanggang sa kasalukuyan ay may mga inaabusong katulong. At kapag dadaan siya sa agency ay wala siyang malalaman. "Alam kong ako ang iniisip ninyong mag-asawa. Subalit ilang beses ko na itong pinag-isipan. Pinayagan na rin ako ng superior ko. Kumbaga ay undercover works in double purposes," paliwanag niya. "Still, you will be facing a lot of difficulties during the process. Sa katunayan ay mayroon kang punto at laking pasasalamat namin dahil naisip mo ang bagay na iyan kahit pa kamo sa Los Angeles ka naka-based. Pero may mga among abusado, minamaltrato ang mga katulong. Kaya't kung ako sa iyo su pag-isipan mong muli bago natin e-trabaho ang papeles mo." Patunay lamang na hindi sang-ayon ang arabo sa pahayag ng kaibigan dahil kulang na lamang ay humiwalay ang ulo sa leeg dahil sa pag-iling. Ngunit ngumiti lamang siya bago nagsalita. "Thank you sa inyong dalawa, Brod Mohammad and Sis Gwen. Ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na ako sa inyo. Huwag na nating isa-isahin ang dahilan. Basta maraming salamat. About my decision to enter as cleaner in your country? Walang problema sa bagay na iyan dahil sanay naman ako sa gawaing bagay. Difficulties? Iyan ang gusto kong alamin. Kung bakit maraming inaabusong kasambahay. Mga tumatakas. Maaring hindi ako puwedeng makialam sa batas dito pero mayroon akong magagawa bilang isang alagad ng batas para sa mga nagsasakripisyo na kabayan natin. I am a lawyer who works internationally by embassies. Ngunit bago ako dudulog sa kanila ay kailangan ko muna ang ebidensiya. At sa tulong ninyong mag-asawa ay siguradong magwawagi ako." Iyan ang leona! Walang inaatrasan. Tuloy! "Alam mo ba, Sis? Naalala ko ang pinsan kong doctor sa reasoning mo. Actually, nandito siya ngayon sa Riyadh sa Al-Jazeera Hospital. Isa siyang general surgeon. Dumaan siya sa butas ng karayom kina Papa Ace Cyrus at Mama Weng. Still, walang nakapigil sa kaniya. So, sa nakikita ko ay mas mabuting suportahan ka na lang namin kaysa ang pigilan at discourage ka. Ngunit kung sakali mang magbago ang isip mo ay huwag kang mag-alinlangang muling tumawag sa amin." Pahayag ni Gwendolyn o pinay na asawa ng Saudis na si Col Mohammad Abubhakar. "Huwag mo nang tingnan ng ganyan ang misis mo, brod. Instead, help me to be part of a cleaner company with complete papers." Muli ay pinaglipat-lipat ni Whitney ang paningin sa mag-asawang Abubhakar. Welll... That's life! Dahil talaga namang walang nagawa ang dalawa kundi ang suportahan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD