ANG mga taong binalot ng inggit ay ang paghila paibaba sa kapwa ang tanging nasa isipan. Kagaya nina Alfred at Bernard. Hindi pa sila nagkuntento sa ilang buwan pagpapakasasa sa katawan ni Jona. Imbes na itama ang kanilang kamalian ay hinayaan lang nila ito hanggang sa mapahandusay at ang masakit pa ay idinamay pa nila sa gulo ang kaibigan nila. Matapos nilang iwanan ang namimilipit sa sakit na si Jona ay tumawag naman sila sa motowa without thinking.
"You're under arrest, doctor Aguillar."
Ang tinig nanagpatigil kay Niel sa pag-aasikaso sana kay Jona na namumuti na dahil sa patuloy na pag-agos ng preskong dugo mula sa kaselanan.
"Sir? Why? What's the problem?" maang na tanong ng binata.
"I think you're just born yesterday or you're just ignorant about the law here in Arab country?" tugon ng isa sa dalawang unipormadong motowa.
Saka pa lamang tumino sa isipan ng binata ang presensiya niya sa lugar ng mga babae ay malaki ng kasalanan o paglabag sa batas ng mga Arabo.
"Okay, Sir, I'll come with you to answer about this matter but please take her to the hospital. She's bleeding severely, and I'm afraid she might lose her life," kalmadong tugon ng binata.
Bilang isang tao na galing sa pamilya ng mga alagad ng batas ay alam niya ang nilabag na batas. Instead na makipagtalo pa at e-deny ang pagkakamali ay kusa na niyang inilahad ang mga palad para sa posas.
"Take her to the hospital and give her the proper medication. Tell the nurses to name it to Doctor Niel Patrick Aguillar. I'll pay at all costs. Just give her the right medication." Hindi maalis-alis ng binata ang paningin sa wala ng malay na si Jona habang nagsasalita.
Para namang hinaplos ang puso ng mga motowa dahil sa paraan ng pananalita ng suspect although hindi pa naman napatunayan ang kasalanan nito.
Suspect, yes, it's true!
Dahil wala pa namang nakakaalam kung talaga bang nagkasala ito.
Kasabay ng pagdampot ng mga motowa sa binatang ang naging kasalanan ay ang paglabag sa batas na nandoon siya sa lugar para sa mga babae, kasabay nito ang pagdala din kay Jona sa pagamutan.
"TSK! Tsk! Mukhang makakaligtas pa ang hayop ah." inis na aniya ni Alfred.
"Kahit saan, kahit kailan ang gago pa rin ang pinapanigan ng mundo. Pero hindi pa tapos ang lahat, Pare. Alam naman nating lahat ang batas dito sa Saudi Arabia. Tingnan lang natin kung hanggang saan siya dadalhin ng kaniyang kayabangan," ismid ni Bernard.
"Ano ngayon ang next step natin, 'tol?" ani Alfred.
"Well, sa ngayon ay kailangan nating makapasok sa loob upwng makapagsagawa ng patunay na ang tarantado na ang salarin," may ngiti sa labi nitong sagot.
Without thinking, pumasok silang dalawa sa apartment ng dalaga saka nagsimulang makahalungkat.
DAHIL sa kumusyon na nangyari sa accommodation nina Whitney ay ipinatawag siya ng kanilang boss o ang may-ari ng kumpanyang pinasukan as cleaner sa bansang Riyadh Saudi Arabia.
"Good morning, Miss Whitney. You may sit down there." Salubong ng boss nila sa kaniya habang nakaturo ang palad sa mga visitor's chairs.
"Thank you, madam, and good morning too," sagot ng dalaga saka hinila ang isang upuan.
"I know that you have a hints why I called you here, Miss Whitney, but let me tell you too. The land lady of your accommodation met me up yesterday and she told me everything. I want to ask you what's the reason you came here in the dessert?" Panimula nito.
She knows that she can never hide her identity for the rest of her life. Yes! Nagpaiwan siya sa bansang Saudi Arabia dahil sa mayroon siyang nais patunayan o undercover works. Subalit hindi niya akalaing madali lang niyang matuklasan ang ninanais.
Money is not a question to her. Because she had it all. Even the job is not a problem to her. Dahil naghihintay ang boss niyang panot sa L.A. Kahit matagal-tagal siyang mawala ay makakabalik pa rin siya as officer in FBI. Dahil mayroon namang pahintulot ang boss niya sa pagsabak as lowly cleaner. Even she can go along with her cousin's to their band group. Their family has a company too to have a decent job, and most of all, she's a lawyer. A criminal lawyer.
SUBALIT napalalim yata ang pag-iisip niya dahil nagulat siya ng muling nagsalita ang boss nila.
"Miss Whitney? Are you okay? Is there's something wrong with you?" This time banaag na sa boses nito ang pag-aalala.
Nagpakawala ng malalim paghinga ang dalaga bago nagsalita. Well wala naman siyang dapat ipaliwanag dito. Dahil hindi naman nakasaad sa application ang lahat. Nakapagtapos lang siya ng kolehiyo pero hindi niya inilagay ang dalawa kundi ang banda lang.
"Well, I'm not going to say sorry on what was happened because you know that it's our day off every Friday and it's only the day for us to have a rest except the night time. But Amina hit me first. Even she's weird and acting like a madam, and now she's still the one who complained? God gracious, Madam! I came here to work not to have a fight, and I know my rights as a domestic helper her. And about Madam Hamad, I just answered her to let her know about what had happened," mahaba-habang pahayag ng dalaga.
"Okay, Miss Whitney, but she said you hit your companion there? I only don't remember her name. Miss Hamad told me that this lady is crying because you hurt her," anitong muli.
Dahil dito ay napaismid si Whitney. Hindi niya akalain na sa Saudi rin pala at may palakasan at pakapalan ng mukha dahil sa hayop na iyon este sina Amina at Miss Hamad ay sila rin sumira sa kaniya.
"Nothing much to explain, Madam. But I will tell you something. Will you try to know what are the reasons on that misunderstanding, or should I say ask me why I hurt her or you want to talk to my fellow cleaners in that room? Did you know she's the one who started? Or you just listened her side? Don't you know that she's the one who pulled my hair first that my hair almost fell to the ground? I'm not afraid to go home in my country now if you can prove that I'm the one who started. I can buy my own ticket for me to go home."
Pak na pak!
Ang Leona ay napa-sona sa mismong harapan ng amo niya as cleaner.
Hindi nga siya sigurado kung naunawaan ba nito ang mga sinabi niya o hindi.
"I didn't mean to hurt you, Miss Whitney I'm only asking. But don't worry, I'll help you with this matter. And I'll talk to the production pannel to put a camera in your accommodation to avoid circumstances. Once again, I'm sorry if I offended you. By the way, I'll ask you a favour if you can," aniya ng boss nila.
Madali lang naman siyang kausap at isa pa wala namang kasalanan ang boss nila. Dahil totoo namang nagtanong lang din. Kung nayroon mang dapat balingan ay walang iba kundi ang mga bosabos na abosado.
"I'm sorry too, madam, if I answered you that way. I was just carried away. Sure, if I can, madam, what's that?" tanong niya.
"My friend in police station asked my help if I could send a worker there to clean her office. Don't worry, she'll pay you now it's not included in your salary it's just her tip to the one who will help her. Since you're the one who's here right now, I told you. Like what I've said, it's up to you if you will go," anitong muli.
"That's my work, so nothing to worry, Madam. Just drop me there, and I'll do the chores."
Walang dahilan upang umayaw siya sa trabaho. Iyon ang dahilan kung bakit siya nagpaiwan. Trusted naman ang ahensiya niya. Kaya't tiwala siyang pupunta para sa trabaho. Iyon nga lang ay may mga abusado.
"Oh, thank you, Miss Whitney. I know you will. You can take one of your companion there in your accommodation if they want."
Hindi pa siya nakapagsimula sa paglilinis pero hindi matapos-tapos ang pasasalamat nito.
Kaso!
Sasagot pa nga lamang siya subalit eksakto namang pag-vibrate ng cellphone niyang na nasa bulsa. Kaya't sumenyas siyang sasagutin muna niya ang tawag!( bongga ka amo mo iyan ).
Then...
"Who will drop us there, madam? Because Althea wants to come with me," aniya ilang sandali pa ang lumipas.
"I'll be the one, Miss Whitney. Okay, fix yourself and let's go to your accomodation to take her," maagap na sagot ng boss nila.
After sometimes they are on their way to the police station where the friend of her Madam.
"KABAYAN, ano'ng ginagawa mo rito sa presinto?" gulat na aniya ng isang lalaki kay Niel.
"It's a long story, kabayan. Ngunit ang kasalanan ko lang ay pinuntahan ko ang aking gf at kung paano nalaman ng mga motowa na nandoon ako o nagtungo ako doon eh hindi ko alam," tugon ni Niel.
"Tsk! Tsk! Naku, kabayan, dito sa Saudi bihira lang ang mga nahuhuli sa mga ganyang bagay unless na may traidor. Maiba ako may abogado ka na ba? Kasi hindi ka naman siguro inosente sa batas dito. Ang parusa mo ay nakadepende sa kasalanang ginawa mo," anito.
Napabuntunghininga na lamang ang binata dahil hindi naman talaga niya alam kung paano nangyari na alam ng motowa na nagtungo siya roon. Bukod sa kanilang magkakaibigan ay wala ng nakakaalam na gano'n ang set up nila. Pero bago pa makasagot ang binata sa lalaking naging pasyente niya dati sa hospital ay dumating ang mga kasama ng dalawang police na umaresto sa kanya kaya't sumenyas na ang lalaki na aalis na.
"Kumusta ang babaeng dinala ninyo sa pagamutan?" Salubong ng nasa lamesa kung saan nakatalikod ito sa kulungan na kinalalagyan niya.
"Buntis ang babae, Sir. At ayon sa pagsusuri nila ay limang na buwan na ito," tugon naman ng isa.
Gustong-gusto niyang malaman ang kalagayan ni Jona pero paano mangyayari iyun eh nag-uusap naman ang mga ito sa salitang arabic.
"So ano ang plano nin---"
"Law is law, officer. Alam naman nating lahat ang batas dito sa bansang Saudi, so we need to transfer him to the higher ups so that they can decide what shall we do."
Ayun naunawaan din ng binata ang iba dahil nagsalita ang mga ito ng English.
"It's a serious offence to live with a woman here in Arab specially if she's not your wife. I'll ask you if you are not aware of the law here? Are you willing to accept the punishment of what you've done?" sunod-sunod aniya nito.
"Yes, Sir. I will, but I want to let you know I was just there when you arrived," sagot ng binata.
"You're still lucky that we're the one who arrested you, and we'll give you a chance to answer. Now, I'll ask you again, what are you doing in that place of that lady last night? Don't you know that she's pregnant? That's the serious offence you've done, and she's almost lost her life because of her severe bleeding," paliwanag ng opisyal.
SA narinig ni Niel ay parang sinabugan ng sampung granada ang ulo niya. Kung noong bago siya umuwi ng Pilipinas sana nangyari ang lahat ay baka siya pa ang unang taong matutuwa. Dahil nagbunga ang pagmamahalan nila ng nobya. Ngunit hindi naman siya ganoon kaignorante sa bagay na iyun. Isa siyang doctor at alam niya ang tungkol sa mga ganoong bagay.
Limang buwan na daw ang ipinagbubuntis nito. Ang tanong, paano nangyari iyon samantalang apat na buwan pa lamang naman siyang nakakabalik mula sa bakasyon sa Pilipinas. Kahit pa sabihing may nangyari na sa kanila noon ngunit ilang buwan din ang nakalipas bago siya umuwi ng bansa at sa loob mga panahong iyon ay ganoon katagal na walang nangyari o namagitan sa kanila. So, paanong nangyaring buntis ito?
"Kailangan kong makausap ang mga kaibigan ko baka may nalalaman sila sa problemang kinakaharap namin ngayon. Bakit kahit isa sa kanila ay wala man lang nagsabi?" Imbes na sagutin ang mga motowa ay iyon pa ang nasambit ng binata.
"He'll be facing an adultery case, and he'll receive a beheading punishment or two hundred masters as well."
Ang tinig na gumulantang sa kaniyang malalimang pag-iisip.
"I'm ready to face the consequences of what I've done, but---"
"No more explanation, you! We're talking to you, but you're having a daydream! Just wait for your sentence there. How come you don't know the law of our country? Or are you just one of those ignorant Filipinos who don't know about the law?" Pamumutol at bulyaw ng bagong dating sa pagkakaalam ng binata pero hindi lang niya ito napansin dahil sa pag-iisip.
"Take him to the place where he'll receive his punishment!" sigaw pa ng kasama nito.
Pero kung nagulat siya sa pagsigaw nito ay mas nagulat siya ng biglang may sumagot. Lalo na ng mapagsino ito.
"Are you sure that we Filipinos are ignorant? Okay, let's say he disobeyed the law of your country but it's not enough to insult my countrymen! Repent and say sorry or I'll be the one who will sue you!
Did you prove that he committed the crime that you're throwing to him? Did you have the move to know the causes why he was in that place? If it's not, it's better for you to think twice before I'll be the one to sue you both. And besides, how come you'll punish him without any further investigation? Or the two of you or the rest of you here are the ignorant about the law?"
Mahabang sambit ng kanina pa pala nakikinig na dalaga.
Kanina pa siya nakikinig dahil doon siya dinala ng baboy niyang amo na gusto pa yatang ipapugot ang ulo ang lampang lalaki na muli na naman niyang nakadaupang palad!
Mapupugutan nga ba ng ulo si Niel bilang parusa sa kaniya o ang kaligayahan niya sa baba ang mapuputol? 😁😁😁😁