"YOU? A maid came to our country knows how to say those words? You are indeed crazy, Miss Whitney " ismid na wika ng boss o agent ng dalaga na senigundahan ng motowa nitong kaibigan.
"Don't you know that your countryman is a pervert? He was caught in an act in the place of his woman. Or are you just like him that ignorant about the law here in our country?" anito.
Sa mga narinig ay mas nagdilim ang isipan ng dalagang abogada. Oo, pansamatala siyang katulong sa kasalukuyan dahil nga nagpa-iwan siya on purpose. Subalit hindi naman ibig sabihin na wala siyang kaalam-alam sa batas. Hindi lang siya basta-basta lawyer kundi isang FBI. Hindi niya mararating ang kinaroroonan sa kasalukuyan kung bobo siya at walang kaalam-alam sa batas. Naiinis siya sa lalaking nasa selda pero hindi ibig sabihin na wala siyang pakialam dito bilang Filipino.
"First of all, I'll ask you both. Did the two of you study about law? Did you ever know that you can't arrest anyone without a warrant of arrest? Or does the rest of you here don't know at all about law? Second, like what I've said a while ago, did you ever execute an investigation to prove that he really did what you're throwing to him? Can you prove to us that your caller is not just a frank caller that fabricated and set him up? We maybe in your country but let me remind you that he, as the suspect, has the right to choose his own council, or you even don't even know what the rights are all about."
Panalo ka, Miss Harden!
She's in furious mode!
Kahit saan, kahit kailan! Kung hustisiya ang kinakailangan!
HINDI man niya kakilala ang babaeng pilit siyang inilalaban ay hindi niya maiwasang humanga rito. Ayon sa kaniyang kapatid noong nagbakasyon siya ay isa itong band member. Pero ang hindi niya maunawaan ay bakit mas pinili nitong maging alila sa mainit na lugar sa disyertong kinaroroonan nila. Magsasalita pa lang sana siya pero muli itong nagsalita na hindi man lang kakakitaan ng takot.
"I dare you both show me the evidence that this man committed the violations that you're blaming to him. You ( motowa ) are the law maker here, and I know that as your job, you need to investigate first before you'll do the move," anito saka muling lumapit sa kaniya at siya naman ang kinausap.
"Ano'ng pangalan mo, kabayan?" malumanay nitong tanong sa kaniya.
"Patrick Niel Aguillar, kabayan," sagot ng binata.
"Hindi ka naman siguro kaipapanganak lang kahapon upang hindi maunawaan ang sinasabi nila at mas lalo na ang tungkol sa batas. Isang tanong, isang sagot. May katotohanan ba ang ibinabato nila sa iyo? Sagutin mo lang ako ng maayos at ng matulungan kita." This time ay seryoso na ang dalaga.
Sa narinig ay napabuntunghininga ang binata.
"Oo, kabayan. Totoong nandoon ako pero kadarating ko lang ng arestuhin nila ako. I want to surprise her dahil ilang buwan din kaming hindi nagkita. Pero hindi ko akalaing ako ang masusurpresa. Sa pagpunta ko roon dahil nakahandusay siya sa harapan ng apartment. Dinudugo siya kaya't nakiusap siyang tulungan at dalhin ko sa pagamutan pero. I said I'll help her pero hindi na nangyari iyon dahil dinakip nila ako," paliwanag ng binata.
"Hey, you maid---" Pagpigil pa ng motowa sa dalaga pero hindi iyon pinansin ng dalaga.
"May gusto pa akong itanong sa iyo at siguraduhin mong maayos ang sagot mo kung ayaw mong mapugutan ng ulo. Tama naman silang hindi ka yata updated sa batas ng mga Arabo at napunta ka pa roon samantalang mahigpit na pinagbabawal ang magkita at magsama ang lalaki at babae kung hindi naman sila mag-asawa. Ano'ng relasyon mayroon kayo ng babae? May mga nakakaalam ba tungkol sa pagpunta mo doon?" muli ay tanong ng dalaga.
Wala naman siyang dapat ikatakot. Dahil dala-dala naman niya kahit saan siya magpunta ang lahat ng papeles. At isa pa at mayroon siyang permit mula sa mga higher ups. Taga-embassy ang back up niya kung sakali man. At isa pa ay siguradong makilala ito ng kaibigan niyang asawa ng pinsan nito.
"Kasintahan ko siya pero bago ako umuwi for my vacation ay matagal na kaming hindi nag-uusap at nagkita. Hanggang sa pagbalik ko ay hindi pa kami nag-usap. Ngunit nitong nakaraang buwan ay tumawag siya at ang sabi niya ay mayroon kaming mahalagang dapat pag-usapan na hindi puweding mag-usapan sa linya o telepono pero dahil agi akong busy sa hospital ay hanggang sa telepono lang kami nagkuwentuhan.
Kaya't labis-labis ang tuwang lumulob sa aking damdamin ng sabihin niya na mag-usap kami. Iyon nga kahapon ay dinalaw ko siya in a surprised way pero ako ang nasurpresa. At tungkol pala sa kung may nakakaalam yes alam ng mga kaibigan ko ang tungkol sa amin ni Jona. Hindi ko na alam kung ano na nga ba estado ng relasyong mayroon kami. Ihinabilin ko nga siya kina Bernard at Alfred pero hindi ko pa sila maharap kausapin dahil subrang busy ako. Siya nga pala maraming salamat kabayan pero baka ikaw ang balikan nila. Ano pala pangalan mo?"
Susme!
Doctor Aguillar, nasa kulungan nga pero nagawa mo pa ang tumula!
"Hindi ko alam kung professional ka nga ba, huh! Alam n'yo namang bawal ang mga ganyang bagay dito pero ginagawa n'yo pa rin. Hindi kita kilala masyado pero I remember your name. Anak ka ni Tito Ninong Cyrus diba? Kambal mo si Captain Aguillar? Well, ako si Whitney Pearl Harden. And one thing more, nasaan na si Jona? Nasaan ang mga kaibigan mo? Gusto ko silang makausap at wala akong dapat marinig sa iyo kundi ang pawang katotohanan. Iyan ay kung ayaw mong mapugutan ng ulo sa baba at sa taas!" muli ay sambit ng dalaga.
Okay na sana eh! May dinagdag pa siya sa hulian!
But!
"Are you going to stop, or we'll sue you?" mataas ang boses na aniya ng agent ni Whitney na hindi malaman kung kalaban nga ba o hindi.
"Go ahead, madam. I'm not afraid of you." muli ay sagot ni Whitney.
Bilang isang law enforcers ay alam niya kung kailan titigil at mananahimik. Pero sa bagay na iyon ay alam at ramdam niyang may mali.
"Sabihin mo sa akin kung saan ko matatagpuan ang mga kaibigan mo at ang babae. Ang lugar kung saan nangyari ng lahat para makalabas ka dito the soonest. Ngunit sa ngayon ay kailangan mo munang matulog dito hanggang sa matapos ko ang lahat, but don't worry dahil hindi ka nila magagalaw dito," muli ay sambit ng dalaga.
"Pero ikaw ang iniisip ko, Miss Harden dahil baka mapaano ka. Wait lang pala ikaw ba iyong bunso ni Tito Ninong Terrence?" patanong na wika ng binata.
"Yes, I am. So, don't worry. Hindi ka makukulong at mapaparusahan basta alam mong wala kang kasalanan. By the way, kumain ka na ba?" tanong ng dalaga.
Hindi maunawaan ng binata kung mahihiya ba siya o matutuwa sa dalaga. Because they've started with an awkward moment a few months ago. Sa dinami-dami ng puweding tutulong sa kaniya ay ang hindi pa niya masyadong kilala although nakita na niya ito dati pero talagang malaki ang ipinagbago nito.
"Sa ngayon hindi ko alam kung gutom nga ba ang nararamdaman ko. Ngunit maraming salamat, miss Harden. Sa ngayon ang masasabi ko ay maraming salamat," tapat na sagot ng binata.
"Walang anuman at sana leksiyon mo na ang nangyari. Here, take this paper and write the place where I'll start. But now you need to eat and have peace of mind," wika ng dalaga.
"Thank you very much."
Tanging pasasalamat ang palagiang nanunulas sa labi ng binata. Hindi niya sukat akalaing ang naglilinis sa kulungang iyon ay ang leonang anak ng Tito Ninong Cyrus niya. Sino ba kasi ang mag-aakalang ang naglilinis sa seldang iyon ay isa pala na abogada? Sa katunayan ay kinain niya ang salita sa kapatid. Hindi na ito nawala sa isipan niya. Subalit dahil may nobya siya ay pinilit niyang isinantabi.
"Don't mention it. I'll go for now para maayos ko ang kaso mo," sagot ng dalaga saka hinarap ang mga nakangangang motowa at ang agent niya.
"Don't dare to touch him. I know the law, and don't try to frame him up. I have a high expectations from the law of Saudi. And besides, the officers from our embassy will come to handle his case. Again, he's just a suspect. No one of you here proves that he is guilty of a crime."
Para saan ba at nataguriang abogada, FBI member at kinatatakutang LEONA ng team kung hindi siya makagalaw para sa mga nangangailangan o ang mga kabayan niyang Pinoy.
'Those couples will suffice. He is a military officer here in their country, and Gwendolyn is a cousin of this man,' aniya sa isipan.
Wala ring nagawa ang mga motowa na naroroon. Dahil alam din naman nila ang karapatan ng isang suspect kahit pa sabihing nasa bansang Saudi ito.