CHAPTER TWENTY-ONE

1296 Words
SAMANTALA sa pagamutan kung saan naka-confine ang si Jona ay nagsidatingan ang mga katrabaho niya lalo ang mga kaibigan niyang naging karelasyon din ng mga halang ang kaluluwa at hayok sa laman. "Ano?! Bakit hinayaan mong humantong sa ganito ang lahat? Ang mga hayop eh!" gigil na aniya ng dating karelasyon ni Alfred ng sa wakas ay nagtapat si Jona sa mga ito. "Nagkataon lang naman na sila ang nagpahiram sa akin ng panahong iyon. hindi naman nila tinanggap ang pinambayad ko at higit sa lahat tinakot nila ako na isumbong ang lahat kay Randy," umiiyak na paliwanag ni Jona. "Ang mga hinayupak na iyan! Alam ba ni Niel ang lahat o kagaya lang namin na ngayon mo lang sinasabi? Kaya nga nakipaghiwalay na ako sa gagong iyon eh." Umuusok ang bumbunan ng ex-girlfriend ni Bernard. Hindi sumagot ang dalaga pero umiling-iling naman. Dahil iyon talaga ang totoo. Kahit isa ay walang nakakaalam sa dinaranas niya sa kamay ng dalawang manyakis. Hanggang bago siya itinakbo ng mga motowa sa pagamutan. "Problema iyan ngayon, friend. Ano ngayon ang plano mo?" nakailing na tugon ng ex-girlfriend ni Alfred. "Hindi ko alam, friend. Siguro ay tatanggapin ko na lamang ang parusa ko alam naman nating ang patakaran dito. Ang inaalala ko ngayon ay si Niel wala siyang kasalanan pero siya ang dinampot ng mga motowa kagabi dahil inabutan siya roon. Ngunit alam iyan ng Diyos na bagong dating lamang siya ng duguin ako dahil pumalag ako ng tangkain na naman akong galawin ng mga hayop." Nahihiya man pero mas ninais niyang pakawalan ang bigat sa kanyang dibdib. "Ano?! Si Niel nakulong? Diyos ko naman mga utak talangka rin naman yata ang mga motowang iyan eh. Peste naman hindi nila naisip----kung sino pa ang mabait siya pa ang dinampot disin sana'y ang dalawang manyakis ang putulan ng hinaharap," galit pa ring aniya ng isa. "Ano kaya ngayon ang dapat nating gawin, Sis? Kawawa naman kasi si Niel. Sorry, friend, pero deretsahin na kita. Dapat kasi ay noon mo pa ipinagtapat iyan sa amin baka sakaling naagapan natin. Ngayon nangangamba kami na baka tuluyan kayong makulong dito sa Saudi ni Niel," muli ay saad din ng isa. "Kung ako ang tatanungin ninyo mas gusto ko pang makulong upang mapagbayaran ko ang kasalanan ko kaysa patuloy akong bababuyin ng mga hayop na iyon. Mga kaibigan sila ni Niel pero sila rin ang umahas dito. Malakas sng loob nila dahil alam nilang tahimik ito at mapagpatawad. Walang kasalanan ang bata sa sinapupunan ko at hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na saka nila ipapataw ang parusa kapag nakapanganak na ang tao. I'll accross the bridge when I'll get there ang mahalaga ngayon ay makalaya si Niel." Mahaba-habang pahayag at paliwanag ni Jona. Dahil iyon namam ang totoo. Hindi naman maiwasang humanga ng mga kasamaha ni Jona sa kaniya. Kahit sabihing nahahabag sila rito ay nandoon pa rin ang paghanga dahil tanggap nito ang lahat. Ang hindi alam ng mga ito ay kanina pa may isang pares ng taenga ang nakikinig sa kanila. Dahil hindi naman siya ordinaryong katulong ay naging madali ang kumilos para sa kanya. Sabi nga nila kapag pera ang kumilos ay walang impossible. Gamit ang ATM niya at ilang cash ay kumilos siya ng sarili niya. Sa loob ng mahigit dalawang buwan niya sa bansang Saudi Arabia ay kinabisado niya ang kanyang pinipuntahan. Hindi naman siya bayani pero ang isa sa advocacy niya ay makatulong sa mga inaabuso lalong-lalo na ang Gitnang Silangan particularly in Saudi ay siyang bansa ang may pinakamalaking bansa mayroong inaabusong mga Pilipino. "Mapapagaan ang kaso mo, Miss. Iyan ay kung magsalita ka ng pawang katotohanan. Nasaan ang dalawang lalaki?" Biglang sumulpot at biglang tanong ng nasa likuran ng mga ito. Kaya naman ay chorus pasilang sumagot dito. "Sino ka?" "Pambihira naman kayong lima tinatanong ko kayo sagutin ni'yo din ako ng tanong. Attorney Whitney Pearl Harden at your service. I am from the embassy. Now I'll ask you again guys where can I find the two men?" sagot ng dalaga. Pero ang isa ay namukhaan ang dalaga. "Teka lang, Miss. Paano nangyari iyon eh nakita kita sa kabilang pagamutan isa ka sa mga naka duty as housekeeping. Ikaw pa nga naglinis doon sa mga lamesa ah " walang pasintabing aniya nito imbes na sagutin ang dalaga. "Sasagutin n'yo ba ang tanong ko o hahayaan ko kayong lahat dito na makulong? At ikaw naman babae ka wala ka na roon kung ako ang tagalinis. Inuulit ko saan ko matatagpuan ang mga ito?" may pagkairita na aniya ng dalaga. Hindi naman niya ikinakahiya ang pagiging katulong. Dahil iyon ang plano niya upang magawa sng ninanais. At dahil hindi niya mahintay ang mga ito na sumagot ay napilitan siyang ilabas ang international id's niya bilang FBI officer at ang id niya bilang isang abogada. "Ah sa--- sa---" "Wala kayo sa nursery para mag ah-eh-oh. Any tanong ko ang sagutin ninyo dahil narinig ko ang usapan ninyo ngayon-ngayon lang may kinalaman din kayo sa mga bagay na iyan." Bakas pa rin ang inis sa boses ni Whitney. Dahil siya naman talaga ang dapat magsalita at magpaliwanag. "Sa apartment ko, ma'am sa ****** sa may bandang dulo ng compound. Madaling makita iyon dahil may pangalan ang bawat apartment, and to make it sure, pakisulat na lang ang pangalan ko para madali mong makita. Pero kung wala na sila roon ay heto ang address nilang dalawa o ng apartment nila. Sorry kung naoffend ka namin. Please do your best para makalaya siya." Paghingi ni Jona ng paumanhin kasabay sa pag-abot sa papel o ang address nila Alfred at Bernard. "Okay, maraming salamat. Huwag kang mag-alala tutulungan ko kayong dalawa. Subalit nandito ka pa sa pagamutan ay uunahin ko muna siya. At kapag magkaharap na kayong dalawa aminin mo na sa kaniya ang katotohanan na hindi siya ang ama ng nasa iyong sinapupunan. Iyan ay kung talagang ayaw mo siyang madiin at makulong ng tuluyan. At kung talagang gusto mong mabigyan ng katarungan ang sinapit mo. Pinapauna ko na sa iyo nasa bansang Saudi tayo walang ibang magtutulungan kundi tayong mga magkakababayan. May contact ako sa embassy kaya huwag kang mag-alala. About your boyfriend, don't worry. May pinsan siyang nakapag-asawa ng Saudis. Isa itong military officer at malakas ang kapit sa kanilang mga opisyal. For now, kailangan ko munang bumalik sa presinto baka sakaling may matinong motowa doon at may kasama akong pupunta sa lugar na iyan." Ngunit sa kaniyang isipan ay bakit pa siya magsasayang ng oras sa mga motowang mukhang walang nalalaman sa batas? Tsk! Ang bayaw na nga lamang ng lampang lalaki ay malakas na sng kapit sa mga kapwa Saudis. 'Ang mga tauhan na lang nito ang isasama ko o si Miss Gwendolyn na lamang din. Sigirado akong matutuwa silang mag-asawa kapag nagkataon,' aniya sa isipan. Akala siguro ng mga ito ay tapos na siya. Subalit muli silang napanganga. Dahil tumigil siya sa harapan ng apat saka nagwika. "Kayong apat huwag kayong pakasigurado at mapanghusga dahil baka iyan ang magiging dahilan ng pagkakulong ninyo. I'm not saying this because I am a lawyer, but I'm telling you this because I don't want that you'll experience too sleeping in jail," aniya sa mga ito. 'Higit pa sa ninanais ko ang aking nalaman. Ganito kaya ang lahat sa buong mundo? Hindi ko akalaing mga kapwa Pilipino rin pala ang naghihilaan pabulusok imbes na magtutulungan. If I'm really one of them, will I'll be experiencing like that clumsy boy experience as well?' Sa kaniyang paglalakad ay ang mga bagay na iyon ang nilalaman ng kaniyang isipan. Hanggang sa nawala ito sa paningin nila ay walang nakaimik dahil sa kabiglaan idagdag pa na kasingbilis yata ito ng ibon kung makakilos dahil sa isang iglap ay nawala na ito sa paningin nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD