"HOY, Lampa. Maari bang tumayo ka riyan? Aba'y kalalaki mong tao ay ang lampa-lampa mo!" sigaw ng isang batang babae sa pitong taong gulang na lalaki.
"Grabe ka namang babae ka. Dinaig mo pa ang machine gun ni daddy." Nakasimangot ang batang lalaki habang tumatayo mula sa pagkadapa.
Pero imbes na tulungan siya ng batang babae ay namaywang lamang ito at tinawag pa siyang Lampa.
"Hmmp! Ayaw na ayaw ko sa taong lalampa-lampa lalo na kung lalaki. Kitang-kita mo namang wala dahilan upang madapa ka riyan. Heh! Kung hindi lang dahil sa kalampahan mo. Diyan ka na nga baka mahawa pa ako sa kalampahan mong lalaki ka! "
Nakapamaywang na nga ay naka-pout pang aniya ng batang babae saka nagmartsa palayo sa batang lalaki imbes na tulungan itong bumangun.
Hah! Nakakahawa na pala ngayon ang kalampahan!
"Kung hindi ka lang sana anak ni Tito Ninong Terrence ay baka ipagdasal na kitang madapa rin upang maranasan mo," bulong ng bata lalo ng nakita ang tinungo nito.
Tumayo na rin siya kahit masakit pa ang paa niyang may gasgas at nagtungo na rin sa kinaroroonan ng kaniyang ama at inang masayang nakikipag-usap sa mga magulang ng batang maka-hoy lampa wagas.
"HAPPY birthday, Hija. Halika rito kay Tito Ninong. Dahil akomismo ang magsusuot sa iyo nitong regalo ko." Dinig niyang sabi ng kaniyang ama.
"Thank you, po, Tito Ninong. Ngunit baka naman maubos ang pera ninyo ni Ninang. Kasi po sa tuwing birthday ko po ay mamahalin po ang regalo n'yo sa akin."
Kitang-kita pa niya ang mga dimple nito habang nakangiti ang maaliwalas nitong mukha.
Sa murang isip niya ay sumiphayo ang paghanga rito kahit pa lagi siya nitong tinatawag na lampa.
"Kung lagi ka lang sanang nakangiti disin sana ay mas maganda ka pa. Subalit nagmistula ka namang matanda na laging nagagalit. Dinaig mo pa si Grandma eh," ismid tuloy niya dahil sa pagkakaalala sa paraan ng pakikipag - usap nito sa kaniya.
Hindi nagbago ang paraan ng pakikitungo nito sa kaniya. Kahit sa paglipas ng panahon. Pero sa paglipas ng panahon ay naging madalang na lamang na makita niya ito lalo at magkaiba sila ng mundo. Hanggang sa tuluyang nawala ang balita niya dito dahil bihira na rin itong magawi sa kanila kahit lagi-laging dumadalaw ang tito Terrence niya sa kanila lalo sa tuwing may okasyon.
"PAANO kayang hindi ko siya nakilala noon pa sa airport? Sa paraan pa lamang ng pananalita niya siya na iyon ah. Ang pagsapak niya sa akin noong nag-joy ride kami ni bunso. Kung hindi ko pa nakita ang kuwentas na iyon kahit pa nagpakilala ay hindi ko talaga siya matandaan. Hindi na nakapagtataka kung isa siyang abogada dahil bagay lang sa kaniya iyon," napapangiting sambit ng binata ng maalala ang dalagang tumulong sa kaniya.
Sa pagkakaalala sa batang maka-hoy sa kaniya ay hindi niya mapigilan na mapangiti. Actually, he had a crush on her. Ngunit hindi niya ito nabigyan ng importansiya lalo at naging busy siya sa kaniyang pag-aaral way back then.
SAMANTALA, dahil sa pag-aakalang walang makakaalam sa kanilang ginagawa ay hindi na rin nag-isip sina Bernard at Alfred.
"Sigurado akong mabubulok na sa kulungan ang gagong iyon."
Mapang-insultong wika ni Alfred. Animo'y nakikinita na niya ang kaibigan na yakap-yakap ang sarili sa loob ng bakal na rehas. Nagmamakaawang palabasin dahil framed up lamang ito.
"Aba'y ang bait naman ng mga Arabo, pare, kung makukulong ang hayop na iyon. Oras na malaman nilang wasak ang p*ke noon. Tsk! Tsk! Of course kapag nangyari iyon ay siya ang madidiin dahil siya ang nasa lugar na iyon. Ikaw naman, para kang hindi doctor eh. Baka mapugutan pa ng ulo ang taong iyon dahil crime na ang ginawa," ngising aso na aniya pa ni Bernard.
"Tsk! Buti nga sa kaniya. Pilipinas man o Saudi siya pa rin ang bida. Kaya nga silang dalawa ang nababagay na magsama sa kulungan. Makikita ngayon kung saan siya pupulutin kasama ang girlfriend niyang pinagsawaan natin," tugon ni Alfred at sa kalaunan ay tumawa din ng nakakainsulto.
"Sinabi mo pa, pare. Buti nga sa kanilang dalawa mga salawahan." Pagsang-ayon pa ni Bernard.
Sandaling napatigil ang dalawa sa pananalita pero hindi naglaon ay napangising pareho.
"Pre, naiisip mo ba ang iniisip ko?" hindi nagtagal ay tanong ni Alfred .
"If I'm not mistaken, tama ang sapantaha ko. You are thinking of telling his parents about this matter. Abah malay mo, maisave pa nila ang gago sa pugot ulo na haharapin nitong kaso."
Buntot at sungay na lamang ang kulang upang tuluyang maging demonyo ang dalawa.
"Absolutely, indeed! Diyan nila patutunayan ang lakas ng impluwensiya nila."
Napatawa ng malakas si Alfred. Kulang na lamang ay magsiping sila para maging mag-asawa sila dahil simula ng ginawa nilang parausan ang kawawang si Jona ay sa apartment na ni Alfred sila tumirang pareho lalo at iisa ang kompanya o pagamutan nilang pinapasukan.
"Ang tanong, alam mo ba ang numero ng mga magulang ng gago?" muli ay tanong ni Bernard.
"Oo naman, Pare. Abah, ako pa ba ang makakaisip ng next move kung wala akong complete sources. May plano na ako. Ano ang masasabi mo?" patanong nitong tugon.
"Wala akong masabi dahil hindi mo pa naman naipahayag ang iyong plano." Pabirong-totoo ni Bernard.
"Tado! Kunwari ka pa eh. Sure, they will trust us. Dahil kilala nila tayo kaya't ipagkatiwala nila ang pera na panggasto kuno ng hayop at kapag nangyari iyon ay tayo ang magkakapera," paliwanag ni Alfred na nakatingin sa kawalan na hindi mawari kung ano ang nasa isipan.
"Bright idea, pare. Go ahead and I'll support you." Panunulsol pa nito. Kaya naman ay hindi na ito nagdalawang- isip. Kinuha ang tawagan saka nag-dial.
SA tahanan ng mag-asawang Cyrus at Weng, masinsinang nag-uusap ang mga ito nang tumunog ang kanilang telepono at dahil ang una nasa tabi ng linya ay ito na rin ang umangat sa telepono.
"Hello, sino sila?" agad niyang tanong dahil wala namang nakalagay na pangalan kundi ang numero.
"Ha?! Are you sure of that?" Dahil sa kabiglaan ay napalakas ang boses ni Ginoong Cyrus. Kahit siguro ang nasa kabilang linya ay mabibingi dahil dito.
"Okay, okay. Kami na ang bahala rito. Just inform us from time to time para makamonitor kami," sagot niyang muli.
"Yes, we will. Kaya't huwag n'yo siyang pababayaan diyan, okay? I don't care about the cost. All I want is to set him free. Can we talk to him by now? Okay, bye." Pagtatapos niya sa pakikipag-usap sa taong nasa kabilang linya.
Agad namang lumapit at nagtanong ang nagtatakang si Weng sa asawa na parang kandila na napaupo sa sofa.
"Mahal, ano'ng problema? Sino iyong tumawag?" May pagtatakang tanong niya rito.
Pero dahil sa hindi agad nakasagot ang asawa ay napataas ang kaniyang boses.
"Hey! I'm talking to you, Ace Cyrus Aguillar! What's the hell is going with you?" she asked heristically.
Still, hindi agad nakasagot ang kausap dahil nagpakawala pa ito ng malalim paghinga bago sumagot.
"Si Niel, mahal. He was accused by one of his patients of raped at ngayon nasa kulungan siya---"
Sa narinig ay hindi na pinatapos ng ginang ang pagsasalita ng asawa.
"Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! May kaniya-kaniya silang permanent jobs dito. Ngunit mas ginusto pa nilang makipagsapalaran sa ibang bansa! Those children of yours are really incredible! Vince Ethan is still in Korea while that Patrick Niel is in Saudi Arabia!" galit na saad ng Ginang na kulang na lamang ay manapak ng tao.
"Calm down, mahal. HIndi ako kalaban. Magkakampi naman tayo ah," ani Cyrus na kahit sa simpleng paraan at mapagaan man lang sana ang kalooban ng asawa dahil totoo naman ang sinabi nito.
"How can I calm down, Cyrus! Anak natin ang sangkot dito! Tapos, ngayon ay gusto mo akong manahimik lamang? No, it can not be! He's my flesh and blood, and now you're telling me to calm?!" gigil pa ring aniya ni Weng.
Ganoon pa man ay hindi na ito pinatulan ni Ginoong Cyrus. They have been living as husband and wife for almost three decades, and he can say that he know her very well. Kaya't imbes na patulan at salubongin ang galit nito ay niyakap na lamang niya.
Back in the dessert!
Dahil nasubaybayan ni Leona ang kilos ng dalawang demonyo ay narinig pa niya ang usapan ng mga ito.
'D*mn you, people! Mga kabayan nga kayo pero hindi n'yo man lang alam magmalasakit sa kapwa!' Ngitngit niya.
Kumujulo mab ang dugo niya dahil sa nga lintik ay bahagya niyang isinantabi.
Hindi na nga siya nagsayang ng oras. Tinawagan din niya ang mga taong gustong biktimahin ng mga ito. Hinding-hindi siya papayag na kahit ang mga kaibigan ng magulang niya ay isasama ng mga ito sa kalokohan.
'Huwag po kayong magpaniwala sa mga naunang tumawag. At mas huwag na huwag kayong magpapadala ng pera kahit kanino man. Kung may nararapay kayong asahan ay ang pag-uwi ng anak ninyo sa lalong madaling panahon. He will be out of his cell after a few minutes."
Message sent!
Then binalingan niya ang kaibigang arabo at kasama nito ang mga tauhan. They talk for each other by their eyes.
"Come with us to the headquarters peacefully, or else I'll be forced to use my firearms," ani Mohammad.
"Wait, Sir. What's the problem?" Sa gulat ay inabot ng siyam-siyam ang dalawa bago nakasagot.
Pero hindi na sumagot si Mohammad dahil si Whitney na ang sumabad.
"Huwag na kayong umangal dahil ako ang nagdemanda at nagpaaresto sa inyo! Hala lakad!" galit niyang saad.
"Teka lang, kabayan. Ano'ng kaguluhan ito---"
"Ang sabi ko sumama lang kayo ng maayos sa presinto ng maayos at doon ninyo patunayan na wala kayongkasalanan. Iyon ay kung kaya ninyong mapatunayan iyan dahil hawak ko ang alas. Imbes na kayo and tumulong sa kapwa ninyo Pinoy hindi na dahil kayo na rin ang naglugmok sa tao."
Kulang na lamang ay sapakin ng dalaga ang dalawa. Dahil manlalaban pa ang mga ito. Kaya nga siya ang naglagay sa posas sa mga ito ng madalian.
"Sir, take them now, and let's go." Baling lamang niya sa grupo ni Mohammad Abubhakar o ang bayaw ng nasasakdal na si Patrick Niel Aguillar.
"Okay, Madam." Tumango na rin ang isa sa mga ito kasabay nang pagdala sa dalawang tunay na suspect hindi ang nasa kulungan.
Then...
"Sa palagay ko ay masasabi kong wala kaming pinagsisisihan ng asawa ko sa aming pagpayag sa iyong pagpasok as cleaner, my friend. Look, ikaw ang saviour ng bayaw kong na-framed up," pahayag ni Mohammad nang silang dalawa na lamang.
"Maaring nagparamdam din, brod. Dahil kapwa nating pinoy at malapit sa pamilya ang matulungan. Kaya't oo, brod. Thank you for helping me throughout the process." Napangiti na lamang din si Leona.
Dahil na rin sa kasong kinakaharap nila ay sa sasakyan na sila nagpatuloy sa kanilang palitan ng kuro-kuro. Kahit ang mga mismong taga-embassy na hahawak sa kaso ay tinawagan na nila.