CHAPTER SEVENTEEN

2167 Words
"GRILS, bangun na upang makapaglinis na." Dinig ni Whitney na wika ng poncio pilatong wala siyang balak alamin. Pero hindi siya kumibo dahil kahit hindi ito sabihin o kahit walang mag-utos sa kaniya ay alam niya ang kaniyang trabaho. At isa pa hindi na niya trabaho ang pagsilbihan ang kapwa niya cleaner. Anak mayaman siya pero pagdating sa trabaho ay hindi siya nakaasa sa mga katulong. Lalo at independent woman naman siya. Sa Los Angeles siya nanirahan halos buong buhay niya. Kaso! "Ang sabi ko ay bumangon na kayo riyan at maglinis na hindi ang magtago sa kumot ninyo!" sigaw nitong muli saka hinila ang kumot niya. Hah! Wala pang nakagawa sa kaniya sa bagay na iyon! Alam niya ang buhay mayroon ang mga kasambahay sa iba't ibang panig ng mundo. Dahil mayroon naman siyang sariling katulong. Ngunit wala sa hinagap niyang siya na pala ang sinasabi nito. Kaya't ang isinantabi niyang pagka-Leona ay humulagpos! Kaso naging maagap naman ang napalapit sa kaniya sa accommodation nila. "Huwag mo ng patulan friend kung gusto mong may trabaho." Pag-awat sa kaniya ng katabi niya o ng higaan. "Bakit kayo natatakot sa kaniya? Simula't sapul mula nang dumating ako rito ay ganyan na siya ah," may pagkainis na aniya ng dalaga. "Hindi naman sa ganoon, friend ayaw lang din namin ang gulo---" "Ikaw, bakit bulong ka nang bulong diyan ha! Bumangun ka na at maglinis na!" malakas nitong sabi na dinaig pa ang boses ng boss nila na naging sanhi upang magsitayo ang ilan para maglinis na sana pero nagsalita si Whitney. "Sino ba ang boss at nagpapasahod sa atin dito? Siya ba na kapwa nating katulong dito o ang may-ari ng kumpanyang pinaninilbihan natin? Makakapaglinis naman tayong lahat na walang sumisigaw ah. Huwag kayong maglinis ako na ang nagsasabi and besides may oras naman tayo para diyan at may oras para sa pahinga." Pagpipigil ni Whitney sa mga kasamahang akmang maglilinis sana. Subalit mas umusok ng ilong ng feeling boss nila dahil sa mga sinabi niya. "Ah, gano'n ha! Hala! Kunin mo ang panlinis at ikaw ang maglilinis sa kabuuan ng kuwarto!" galit nitong sabi saka walang pasintabing hinila o sa madaling salita ay sinabunutan nito ang dalaga saka hinila patungo sa lagayan ng mga gamit sa paglilinis. "Amina, huwag ka namang ganyan. Bitawan mo na ang buhok niya. At makapagsalita ka namang hindi nananakit ah." Pagitna ng nasa katabing higaan. "Bitawan mo ang buhok ko o lilipad kang walang pakpak?" Mahina man pero mabalasik ang pagkasabi ni Whitney ng nakabawi sa kabiglaan. Pero mas diniinan pa ni Amina ang paghila sa buhok niya. Kahit ano'ng pagpipigil at pag-awat sa kanila ng mga kasamahan nila ay naging bingi na yata silang parehas. "Ayaw mong makinig ha? Okay, I'll give you the dose of your own medicine, you fuckin' sh*t!" Wala na ring pasintabing sambit ng dalaga at walang babalang pinaikot ang dalawang palad at pinadapo dito dahilan upang tumilapon ito. "Hayop ka! Demonyo ka! Halimaw!" At kung anu-ano pa ang mga masasamang salita ang binitawan nito para sa dalaga. "Gusto mong dagdagan pa natin ang sakit ng katawan mo? Hanep kang babae ka! Ikaw na nga ang bigla na lamang nanabunot tapos ikaw pa may ganang tawagin ako ng kung ano-anong salita!" nakaismid na wika ni Whitney. Susugurin pa sana ni Amina ang dalaga. Pero eksakto namang pagbukas ng pintuan at iniluwa ang land lady nila. "WHAT'S on this mess early in the morning, ladies? Don't you know that it's still early?" napakunot-noo nitong tanong. "Yes, Madam. She hurts me," dali-dali nitong sagot kasabay nang paglapit sa pintuang kinaroroonan ng land lady. "Miss Whitney? You're new here but you have a fight already? Are you sure that you came here to work or not to fight?" Baling nito kay Whitney. Nakaramdam naman ng galit ang dalaga. Kaya nga siya binansagan ng LEONA ng mga kapamilya. Dahil mabilis uminit ang kaniyang ulo. Kagaya sa oras na iyon. Gustong-gusto niyang sapakin ang mga lintik. Sa isipan niya ay kaya't malakas ang loob ng gaga dahil kakampi nito ang abusadong katiwala. 'Kawawa naman sila,' bulong ng dalaga. Napag-isip-isip niyang kaya't maraming tumatakas sa trabaho o pagkakatulong. Dahil aminin man nila ang katotohanan ay kapwa Pilipino pa ang mas humihila pabulusok sa mga kabayan. Ngunit hindi iyon maaari sa kaniya. Bukod sa saksi niya ang mga kapwa nanganganuhan ay number one na saksi niya ang PANGINOONG DIYOS. Kahit pinasok niya ang pagpapaalila kahit pagsamatala ay hindi puwedeng basta ganoon na lamang ang nararanasan ng mga kasambahay. "Want the truth, Madam? Will you spread your eyes. Yes, we are maids here, and we know our obligations, but will you know too what's on those high voices? The reason why I punched her? Or you're just like her that acting like the boss here?" inis na ring aniya ng dalaga. Panalo ka, Leona! "Kalas! Inti kalam wajid," ( Enough! You talked too much)," galit nitong giit. "You can talk to me in English, Madam. Because you're the only one who can understand what you're saying," muli ay sagot ni Whitney. Early in the morning, but they pissed her off! Nagpaiwan siya sa bansang Saudi Arabia dahil sa trabaho hindi upang makipag-away. At higit sa lahat maaring katulong siya sa imahe ng mga ito sa oras na iyon. Dahil na rin sa kahilingan niya. Ngunit iyon pa ang kaniyang napatunayan. Walang katarungan sa buhay ng mga takot sumagot. Sunod-sunuran lamang sila kaysa makipag-away. "Ana gol kalas! Lesh baad inti kalam wajid?( I said enough, but you still talked too much?)" anito. "Because you are unreasonable, Madam. You are not doing your job as landlady of this accommodation. I know my work as well as my companion. And I'll not say sorry for this because it's not my fault. Wanna sue me? Let's go now to the jail! Let me take an advocate from our embassy here in Saudi Arabia. I'm not afraid of that. I'm very worried that she might do again what she did to anyone who doesn't have a courage to answer. And most of all, I'm afraid that I'll send her to jail to teach her a lesson!" Dahil sa inis at galit ay lumabas ang tunay na Whitney. Subalit sa pagsagot-sagot niya sa landlady nila ay ito na lamang din ang nag-walkedout! Hah! Mabuti nga sa iyo, abusadong busabos! Mga kasamahan nila sa kuwartong iyon? Napanganga na lamang sila. Dahil hindi nila sukat akalain na may isang katulong na sumagot ng ganoon sa moder (boss) este land lady pala nila. "Friend, uminom ka muna ng tubig," saad ng isa sa kasamahan nila sa silid na iyon kasabay nang pag-abot sa isang basong tubig. "Thank you, sis, " tugon na lamang ng dalaga. Inis at galit ang naghari sa kaniya ng oras na iyun. Kahit pa sabihing hindi ang pinag-aralan niya ang trabaho niya sa Saudi ay wala silang karapatang apakan ang karapatan ng kahit sinuman. "Friend---" Pag-awat sa kaniya ng katabi niya nang muli siyang tumayo. Masama nakatingin kay Amina. Ngunit wala na silang nagawa mang kinorner niya ito. 'Hay*p! Takot ka naman pala eh! Kung ako lamg masusunod ay ingonudngod na kitang babae ka!' Ngitngit pa niya. "Magkano ba ang sahod mo rito para magmataas ka ng ganyan sa mga kapwa mo Pilipino?? Alam mo bang puwedi kitang e-deport ngayon din? Sa halos dalawang buwan ko rito ay ikaw na yata ang umaastang amo. Samantalang pare-parehas lang naman tayong mga sahuran dito. Binabalaan kita oras na ulitin mo pa iyan kahit sino sa amin dito, asahan mong hindi lang iyan ang aabutin mo sa akin. Hindi kita tinatakot dahil hindi ko ugaling manlamang sa kapwa pero kagaya ng sinabi ko ay huwag na huwag kong malalaman na nanlalamang ka sa kapwa mo." Malamig pa sa yelo niyang sabi sa namumutlang si Amina saka ito iniwan ng walang paalam at nagtungo sa balkonahe ng kanilang kuwarto. Naiwang nakanganga ang mga ito at nagkatinginan. SAMANTALA, hindi man nakapunta o hindi man nagkikita sina Niel at Jona dahil sa busy ang una ay nagkakausap naman sila sa cellphone. Pero kahit nag-uusap sila ay hindi pa rin sinabi o ipinagtapat ng huli ang lahat. Umiiwas siya sa tuwing nagsasabi ng 'mahal kita' ang binata dahil ayaw niyang dagdagan ang pagkakamali. Gusto niyang itama ang lahat at kaya lang naman siya nakikipag-usap dito ay upang magkaliwanagan silang dalawa ng maayos. Subalit sa araw na iyon ay hindi niya inaasahang mangyayari ang lahat. "Hmmm... Mukhang hindi ka pa nasisiyahan sa amin ah," wika ng bigla na lamang sumulpot na si Alfred. "Tama na parang awa n'yo na, Alfred, Bernard. Siguro naman napagbayaran ko na ang utang kong pera sa inyo. Kaya't parang awa n'yo na tama na." Pagmamakaawa ni Jona sa mga ito Pero pinagtawanan lamang siya ng dalawa. Kung paano man nakakalusot sa camera ay wala siyang kaalam-alam. Dahil hindi na raw sila nakikita ng land lady. "Ang sabihin mo ay gusto mo na namang dumikit kay Niel. Kaya't pinapatigil mo kami," ismid na kaniya ni Bernard. "Tsk! Tsk! Ito naman ang gusto mo diba? Ang laging may tumitira sa iyo? Kung hindi lang sa kakatihan mo ay hindi mo na naisipang makikipagniig sa iba bukod kay Randy. Mas maganda pa sanang sabihin mo na parang awa n'yo na, tirahin n'yo na ako kaysa mag-inarte ka." Nakangisi pang-iinsulto ni Alfred sa kaniya kasabay nang pagdakma ng walang pasintabi sa bahaging ibabang bahagi ng katawan niya. Dahil pagod na ang katawan at isip niya sa dalawa ay iiwas sana siya dahil napansin niya ang palad ni Alfred. Ngunit huli na upang umiwas dahil sa tumama na iyon sa kaniyang puson. "Ahhh!" daing niya. Dahil dinaig pa nang pagdakma nito sa kaniya ang suntok dahil sa sobrang sakit. Pero imbes na maawa ang mga ito sa kaniya ay hindi dahil mas pinagpasahan na nga siyang binaboy ay pinagtawanan pa siya. "Please, no! Parang-awa na ninyo. Tama na." Muli ay makaawa niya sa mga ito. Dahil mas lumala ang sakit ng puson niya ng sabayan pang dumama ang dalawa. Si Alfred sa kaselan niya at sa sus* naman si Bernard. "Sh*t! Dinudugo yata siya, pare," mahinang pagmura ni Alfred ng makapa ang fresh na dugo. "Sibat na, Pare, bago pa may makahalata sa---" "P-parang-awa n'yo na, tulungan ninyo ako. A-ang sakit-sakit ng tiyan ko." Daing ni Jona na napadausdos at napaupo sa mismong kinatatayuan. Pero hindi iyon ang umagaw atensiyon ng dalawang demonyo at pumutol sa sinasabi ni Bernard. Kundi ang paparating. "Pre, plan B para makaiwas tayo rito. I'm sure siya ang madidiin. Ang pagkakaroon ng pusong mamon ay iyan din ang magpapahamak sa kaniya." They talked by their eyes! Agad silang sumibat pero hindi para umalis kundi para magtago for drafting their plan B. Dahil sa lagi siyang busy ay hindi na rin siya nakakapunta sa apartment ng nobya niya. "SIGURO nga may mali at kailangan na naming mag-usap ng maayos. Mahal ko siya pero wala akong magagawa kung talagang hindi na niya ako mahal," bulong ng binatang si Niel. Masyadong hectic ang schedule niya. Kaya't hindi siya nakakalabas para puntanan si Jona. Kahit pa sahihing bawal ang magkita o magkasama ang lalaki't babae lalo na kapag hindi mag-asawa. Kaya't ang ginawa na lamang niya ay nakipagpalitan siya ng duty sa mga kapwa niya manggagamot. He has two days of leave. Kaya't iyon na rin ang ginamit upang hindi siya mabitin sa oras. Habang papalapit siya sa apartment ng nobya ay mas palakas naman ng palakas ang kabog ng dibdib niya na hindi naman niya maunawaan. Halos hindi pa siya nakalabas sa taxing sinakyan at naghatid sa kaniya sa lugar ng nobya ay tanaw na tanaw na niya ang nakahandusay sa harapan ng mismong pintuan . "Keep the change," agad niyang sambit sa driver at malakas ang kutob niya na si Jona ang nasa lapag. "Thank you, brother," tugon nito at umalis na. Wala siyang sinayang na oras, agad siyang pumasok sa maliit na gate para makalapit sa dalaga. Hindi man lang niya inalam kung may mga ibang tao sa paligid. "Jona? Honey, what's happening with you?" Bakas sa kaniyang boses ang pag-aalala. Sa nakapikit habang dumadaing dahil sa sakit ng katawan lalo ang patuloy na paglabas ng dugo mula sa kaselan ni Jona ay dahan-dahan suyang dumilat. "I-I'm so sorry, Niel. Sana mapatawad mo pa ako, Niel---" "Huwag kang mag-alala dahil tutulungan kita," agad namang tugon ng binata. Hindi na siya nagsayang ng oras. Agad niya itong nilapitan at pinulsuhan. "I'm so sorry, Niel. Patawarin mo sana ako dahil sa mga pagkakamali ko, " umiiyak na aniya ng dalaga. "Huwag ka na munang magsalita, ho-Jona, baka mapaano ka pa. Mabuti na lamang at naisipan ko ang surpresahin ka pero ako pala ang nasurpresa," tugon ng binata. Kaso! Nasaaktong bubuhatin na niya ito. Pero nakapa niya ang fresh na dugo. Kaya't natigilan siya. Ngunit bago pa siya makapagsalitang muli ay may nagsalita na sa kaniyang likuran! "You're under arrest,Doctor Aguillar!" saad ng basta sumulpot kasabay nang paglagay ng posas! Ayan! Ayan kasi! Mapuputulan ka na ng kaligayahan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD