"KAILAN ka na naman kaya susulpot dito sa Baguio, anak? Aba'y parang kailan lang noong dumating ka, pero ngayon ay paalis ka na naman," malungkot na wika ni Ginoong Terrence.
"Hanep naman itong si Daddy, oo. Hindi pa ako nakakaalis pero ang pagsulpot ko na naman ang sinasabi. But, by the way, hindi ko po alam, Daddy. Dahil sa pagkakataong ito bukod sa maging LEONA ako ay escort din ng Los Angeles lawyer na ipapadala ng LA Embassy ng Riyadh, Saudi Arabia," tugon ng dalaga.
Subalit napaubo naman siya nabg nagwika ang inang hindi napag-iwanan ng panahon ang kasutilan.
"Hon, hayaan mo na ng pasulpot-sulpot. Aba'y, malay natin, baka o kalabaw sa palayan nina Pareng Ace Cyrus sa Nueva Ecija ay makasalubong na niya ang maging kawangis ng buhay. Tingnan mo sina Janellah at Nathalie Janelle. Ikinasal na ang huli at may lampang lalaki na raw ang tagapagmana ng hipag kong Kaskasera. So, let her be, honey," anito.
Speaking!
Lampang lalaki!
"Hah! Huwag na, Mommy. Kung kagaya lang ng lalaking iyon na wala na yatang magandang naidulot sa buhay ko ay huwag na po! Magpasalamat siya at kuwelyo lang niya ang hinablot ko last week. Dahil sa kaniya ay nakatakas ang mandurugas na hinahabol ko sa airport. Kaya't erase-erase na muna sa mga lalaking---"
"Ano'ng nakakatawa, Mom, Dad? Hah! Baka naman gusto ninyong mapasukan ng langaw ni Ara ang mga bibig ninyo?"
Maang na pinaglipat-lipat ni Whitney ang paningin sa mga magulang na basta na lamang napahalakhak. Subalit hindi na nakasagot ang mga ito dahil inunahan naman mg Kuya niya.
"Leona ka sa pagkakaalam ko hindi mapanglait na tao, kapatid. Subalit ngayon ay mukhang may nakabanggaan ka sa daan habang namamasyal dahil basta ka na lamang nanglait. Pero, tandaan mo ito, kapatid. Mahirap magsalita ng patapos. Like me during my younger years of living, sister."
Inalalayan nito ang hipag niyang bagong panganak na kababa lang mula sa silid nito. Subalit hindi naging sagabal iyon upang hindi siya magisa!
"Hayaan mo na ang Kuya mo, Sis. Go and do your best by doing the things that you want. For a person like you who devoted yourself to your country and countrymen, God will surely bless and guide you. Take care always wherever you go, Sis." Sinalo naman ni Shainar Joy ang pahayag ng asawa. Dahil hindi nalingid sa kaniya ang reaksiyon nito.
Well, sa ganoong ugali naman niya ito nakilala. It's been a while since she became part of Harden family and before she got married to Bryan Christoph their family and hers were close friends up to the present. Kaya't masasabi niyang kilala at sanay na siya sa ugali nito.
"Yes, Ate Ligaya. Huwag kang mag-alala. Dahil kilala ko na ang masungit na iyan. At isa pa ay talagang lampa ang lalaking iyon. Twice nagsangga ang landas namin pero dulot ay pawang kamalasan. Kaya't kaaway ko pa rin hanggang ngayon."
"Mom, Dad, mauna na po ako. Huwag n'yo muna akong hanapan ng manugang. Dahil hindi ko pa nakasalubong ang future kabiyak ng puso ko. Ah, erase-erase na! I'm going now."
Pinaglipat-lipat niya ang paningin sa mga ito. Ngunit ang mukha ng kaaway niya ang nakikita. Kaya't mas binilisan pa ang paglakad papalabas ng mansion. Dahil kanina pa raw naghihintay ang driver!
SAMANTALA pagkaalis ng dalaga ay agad-agad hinarap ni Shainar Joy ang asawa.
"Ikaw, honey, aba'y hindi mo na pinatawad si Whithey. Paalis na nga siya pero pinabaunan mo pa," aniya.
Kaso ang biyanang babae naman ang nakatawang sumalo rito.
"Hayaan mo na, anak. Dahil totoo naman ang sinabi niya. Hindi mapanglait ang taong iyon kahit leona. Ngunit nanghahablot kung nagagalit kahit lalaki pa iyan. By the way, maaga yatang nangapit-bahay sa Mommy at Daddy mo ang panganay ninyo ah," anitong hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa labi.
"Kapag sumemplang iyon ay kasalanan mo, Hon. Alam mo namang halos doon manirahan kina Tita Sheryl. Kapag tatawag si Lewis Roy at ibalita---"
Kaso!
Hindi pa nga natatapos ni Ginoong Terrence ang pananalita ay lumapit ang isang katulong. Nasa kabilang linya raw ang kaibigan niyang si Ace Cyrus. Kaya naman ay ang tatlo na lamang abg nagpatuloy. Dahil ang isa sa matalik niyang kaibigan ang kinakuwentuhan.
"WELCOME back, doctor Aguillar. We are happy to have you again here in Al - Jazeera." Masayang pagsalubong ng may-ari ng pagamutan kung saan nagtratrabaho si Niel sa kaniya.
Actually, two weeks na siyang nakabalik sa naturang pagamutan pero napag-alaman niya sa mga kasamahan niyang doctor na out of the country ito. kaya't ng nalaman niyang dumating na ito ay agad niya itong pinuntahan sa opisina nito.
"Thank you, Doctor. And I'm happy too that I'm one of your doctors her," sagot naman ng binata saka naupo sa visitor's chair na itinuro ng doctor.
"Well, everyone who's deserving to be part of it, we will give the chance and you are one of them. How's your vacation then in your country?" patanong nitong sagot.
Sa narinig ay napangiti ang binata. He enjoyed his vacation too much. Although wala ang kambal niya. Dahil kagaya niya itong sa nasa ibang bansa. Pero ayon sa mga magulang niya ay malapit na ring itong uuwi kasama ng grupo nitong sobrang loyal. Dahil kahit sa ibang bansa ay mas pinili pa rin ng mga ito ang sumunod.
"Well, I enjoyed it, Doctor. We had a lot of fun together with my family there in my home land. By the way, I brought you a hadiya(gift), Sir." Maluwag pa rin ang ngiti na nakabalot sa mukha niya habang nagsasalita.
Para naman kasi sa kaniya ay showing and wearing his smile are his assets. Mabigat at mahirap ang trabaho niya bilang head doctor ng buong Al - Jazeera. Idagdag pa ang mga makukulit na ibang lahi niyang kasamahan at higit sa lahat ang mga pinaka pa sa pinakamakulit na pasyente. Pero dahil tinanggap niya ang trabahong iyun ay hinahabaan na lamang niya ang kaniyang pasensiya.
"Oh, thank you very much, Doctor Aguillar. You're one of a kind hearted person. Allah bless you and your family."
Hindi matatawarang kasiyahan ang lumukob sa sarili habang hinaplos-haplos ang isang katamtamang laki na doctor's image in figurines style na gawa sa crystal na sulat na general director. At sinadya pa niya itong ipinagawa sa kumpanyang pag-aari ng kanilang pamilya o na namana ng kanyang ina sa mga yumaong magulang. May branch na din ito sa Ilocos Sur sa Sta Maria bilang pag-alala ng mommy nila sa dati nitong yaya na naging yaya na rin nila. Namatay na nga lang ito sa katandaan.
"You're most welcome, doctor," masaya ding sagot ni Niel.
Isa sa kaniyang nakasanayang buhay ay ang pagiging masayahin, laging may ngiti na nakabalot sa mukha. At malaking bagay na rin iyon sa kaniya dahil sa pagiging palangiti niya ay nagiging mabait din ang mundo para sa kaniya.
PERO dahil sa kabaitang iyon ay nagtiwala siya sa nga taong hindi lubusang kilala. Ang mga taong wala ng ibang inisip kundi ang manakit at mainggit sa kapwa. At higit sa lahat ay ang mga taong hihila sa kaniya paibaba at sisira sa buhay niya.
"Epal na naman ang loko. Imagine kadarating lang ng big boss nandoon na naman siya?" paismid na tugin mi
"Sinabi mo pa, huh! Ang gago eh mahilig mangulekta ng atensiyon ng tao. Kundi lang kagaguhan ang alam niya," tugon naman ni Bernard.
"Paano kaya natin siya mapapabagsak, 'Pre? Nakakalalaki na siya eh," muli ay ani Alfred.
Sa tinuran niyang iyon ay napangiti si Bernard bagay na nagdulot ng kuryusidad kay Alfred.
"What's on that smile, 'pre? Baka naman puwedi nating malaman iyan?" tanong nito.
"Kailan ka pa ba naging slow, Pare? Tsk! Alam mo na ang sagot diyan at hindi na dapat tanungin pa," nakaismid niyang sagot.
Dahil hindi agad tumino sa isip niya ang tinuran ng kaibigan niya ay napakunot-noo siya.
"My friend, my friend, wake up. Ano ka ba? Naging slow ka na nga ng tuluyan ah. Ganito lang iyan as simple as this. Hindi na kailangang tanungin kung ano ang gagawin natin para mapbagsak ang gago at tayo naman ang maging mabango sa mga arabong iyan.
So far as I know, hindi pa naman naghihiwalay ang dalawa kahit madalas pa rin nating gawing parausan ang puta. So it's not questionable kung ano ang gagawin natin para mapabagsak siya. Nandiyan si Jona, pare. At siya ang gagawin nating stepping stone para sa next step natin lalo at nakabalik na ang loko."
Ayon! Nakangising nagpaliwanag ni Bernard sa kaibigang hindi makuha-kuha ang nais niyang tumbukin.
Mula sa kunot-noo ay kulang na lamang ay maging araw dahil sa liwanag ang mukha ni Alfred.
"Very well said, 'tol! Bakit nga ba hindi ko naisip ang bagay na iyan? So kailan natin isasakatuparan ang plano?" Animo'y sinaniban ng demonyo ang tao dahil sa hitsura nito.
"Kaya nga sabi ko nagiging slow ka na yata eh. Kailangan pa bang itanong ang bagay na iyan? Hindi na, Pare. Dahil nasa atin ang alas. So, only we need to do is to draw the plan," nakatawang paliwanag ni Bernard na sinang-ayunan din ni Alfred.
"Yes, pare. I know it. Kaya't kailangan na nating magmadali. Aba'y kung hindi ay tatlong taon na naman nating makasama ang hayop na iyon eh," muli ay wika nito.
Tumagal pa ng ilang minuto ang pag-uusap ng magkaibigan tungkol sa planong pagpabagsak sa kanilang kaibigan dahil sa inggit.
SAMANTALA sa loob ng ilang buwan niyang pag-iwas ni Jona sa binata at ilang pagiging s*x slave sa mga taong itinuring niyang mga kaibigan ay nakapag-isip-isip din siyang wala naman sigurong masama kung kakausapin niya si Niel. Hindi upang makipag-ayos dito kundi para humingi ng tawad sa mga pagkukulang at ipagtapat na may iniwan siyang ka live-in partner sa Pilipinas.
"Mahal ko siya pero kailangan ko ng harapin ang katotohanang kailanman ay hindi puweding maging kami ni Niel," bulong niya habang hawak-hawak ang cellphone.
Nabalitaan din niya ang muling pagbabalik nito sa bansang Saudi Arabia. Sa pamamagitan din ng mga hayop nitong kaibigan. Iyan ay kung kaibigan nga ba nito ang dalawang patuloy na bumababoy sa kaniya. Ngunit para sa kaniya kung iyon ang kaparusahan na ipinataw ng Panginoon dahil sa kaniyang panloloko sa dalawang lalaki na naging bahagi ng buhay ay maluwag niyang tatanggapin.
Nakailang beses din siyang nag-dialled pero wala siyang nahintay na sagot.
"Siguro galit na siya sa akin dahil sa pag-iwas ko sa kaniya bago man makauwi para sa bakasyon nito," malungkot sambit ni Jona ng ilang beses na siyang nagdialled pero walang sumasagot.
Pero paano nga ba makasagot ang taong busy sa buong maghapon?
At halos makaligtaan ang oras?
"DOCTOR Aguillar, your phone is ringing continuously. I guess it's very important." pukaw sa kaniya ng ibang lahi na secretary
"Oh, I didn’t notice that my phone is ringing, Miss Danica. Thank you," tugon na niya.
"You're welcome, Doc. I'll be at my table when you need something," sagot nito.
Ngumiti na lamang ang binata bilang sagot dito. Agad niya itong dinampot sa kinalalagyan.
"Sino naman kaya ang tatawag sa akin sa ganitong oras. Alas-diyes na sa Pilipinas ah," bulong niya saka nag-inat-inat. Subalit agad-agad din napaupo ng matuwid dahil sa nakitang pangalan na caller.
"Thanks God! She's calling me now!" he exclaimed upon knowing that hmthe caller was the one whom he loved the most.
Pero laking dismaya niya ng nag-end call na ang tawag bago pa niya ito masagot.
"Ako na nga lang ang tatawag sa kaniya. I really miss her," bulong niya sa kawalan.
"Please answer it, hon. I miss you."
Aburido niyang bulong dahil parang gumaganti lamang ito sa hindi niya pagsagot agad. Dahil hindi na rin niya mahintay na sumagot ito ay gumayak na siya para makauwi na.
"Nakauwi na siguro sila pareng Alfred at Bernard past five na. Matawagan ko nga ulit si Jona bago ako tuluyang lalabas ng opisina."
Iyon nga ang ginawa niya. Nag-dial siyang muli after he prepared his things at laking pasasalamat niya ng sumagot ito.
"Hello, honey. I miss you." Malambing niyang salubong dito kahit pa sa cellphone lamang sila nag-uusap.
"Puwedi ba tayong mag-usap, hon---Niel?" utal pa nitong sagot.
He miss her so much. Kaya't hindi na pinansin ng binata ang bagay na iyon.
"Sure, hon. Gusto mo ba akong pumunta riyan?" agad na sagot at tanong ni Niel.
"Sa off na lang natin, Niel. Marami tayong pag-uusapan. Kaya't kailangan nating magkita para makapag-usap tayo ng maayos pero sa ngayon sa phone muna at magkikita tayo sa Friday if you can," pahayag niya.
"I miss you so much, honey. Ngunit kung iyan ang gusto mo sige lang. Sa Friday na lang tayo magkikita. I love you, honey." malambing na sambit ni Niel.
Hindi na ito pinansin ni Jona. Kailangan na niyang panindigan ang planong iyon. Dahil baka magbago pa ang isip niya kapag atras-abante siya.
"Maligayang-pagbabalik dito sa Middle East and congratulations sa promotion mo few months ago. Buy your needs now, Niel. Because I need to cut this call too," tugon ni Jona saka mabilis na pinatay ang tawag.
Upon reaching the bus, napatigil siya. Dahil noon lang tumino ang lahat sa kaniyang isipan. Pero bago pa siya maiwanan ng service bus nila ay umakyat na siya at naupo sa bakanteng upuan sa may likod ng driver.
Magkakaayos na nga ba silang dalawa?
O
Mas masadlak sila dahil sa makamundong ligaya?