"WELL... Nakatakas din sa kanila, huh! Makaalis na rin baka ako ay isalang sa kalan," bulong ni Whitney ng nakalabas sa main living room ng kanilang mansion.
Kaso!
"Sino'ng kausap mo riyan, Leona? Aba'y hindi ka pa naman bubuyog sa pagkakaalam ko ah."
Tinig na kahit hindi niya linungin ay kilalang-kilala na. Well, silang mga babae naman sa kanilang angkan ang nagbansagan. Walang iba kundi ang isa pa niyang pinsan sa Harden na mapwa niya Leona pero tigress ang itinawag ng mapapangasawa. Her first cousin Nathalie Janelle De Luna. Bunsong kapatid ng Daddy niya ang ina nito.
"Heh! Pasalamat ka at wala akong sakit sa puso! Aba'y maari mo namang ipaalam na nandiyan ka eh!" singhal tuloy niya.
"Susme, kako hindi ka bubuyog na bulong nang bulong. Ibig sabihin ay kanina pa ako rito sa tabi mo. Tatakas ka na naman ano? Halika muna sa loob at samahan ml akong mamigay ng wedding invitations ng kasal namin ni honeypie ko."
Hindi na nga nito pinansin ang singhal niya ay tinaasan pa siya ng kilay! At upang makabawi rito ay nagmistula siyang nasa training ground na basta lamang nag-about face saka ito hinila papasok muli sa kabahayan.
Well, Bawi-bawi lang naman!
RIYADH SAUDI ARABIA
Sa pagamutan kung saan nagtratrabaho si Jona ay labis-labis ang pagtataka dahil sa unang pagkakataon ay ipinatawag siya ng supervisor nilang half pinoy and half Arab.
"I'll go straight to the point, Miss Castro. Ano ba ang plano mo sa buhay? Nandito ka sa na disyerto para magtrabaho. Ngunit ano itong ginagawa mo? Mas problema ka ba?" agad-agad nitong sabi.
Dahil dito ay napaupo siya ng maayos ngunit hindi naman makatingin ng maayos sa kausap.
"M-may kaunting problema po, Ma'am," aniyang bahagyang nautal at nanatiling nakatungo.
"Okay, let's say you have a problem at iniisip, Miss Jona. Pero nakarating na sa akin bilang supervisor ninyo ang halos dalawang linggo na wala kang maayos na trabaho. Dahil hindi mo sinisipot ang iyong mga duty. Tumawag din ang taga-bantay sa accommodation ninyo. Kahit per apartment kayo ng mga kasamahan mo ay mayroong nakamonitor sa bawat galaw ng mga nasa loob ng compound."
Sa narinig ay biglang napaangat ng paningin si Jona. Aminado siyang nabuhay ang problemado niyang dugo.
"M-maam?" sambit niya.
Kaso hindi pinansin ang pagkautal niya bagkus ay nagpatuloy ito.
"Magpasalamat ka, Jona. Dahil mabait ang taga-bantay doon. Dahil imbes na dumiretso sa mga motowa ay ako ang tinawagan. Napakiusapan ko itong burahin ang nilalaman ng CCTV tatlong buwan ang nakalipas. Nagbayad ako ng three thousand saudi riyals. Ngunit huwag mo ng alalahanin ang perang iyon. Dahil ang mahalaga ay ang buhay mo.
Again, bago pa ang mga kasamahan mo ang makahalata at magsumbong. Kahit pa sabihin nating pare-parehas kayong lahat doon ng gawain. Bilang supervisor at kabayan mo rito sa Saudi ay ito sng masasabi ko. Ayusin mo ang iyong buhay. Dahil iyan din ang iyong puhunan sa pagtatrabaho."
Sa muling pahayag ng kaniyang supervisor ay mas nawalan ng maaring sabihin si Jona. Nanatili siyang tahimik sa loob ng ilang minuto. Ganoon pa man kahit nahihirapan siyang unawain ang lahat ay pinilit niyang gawin iyon. Upang hindi masayang ang nagawa nitong sakripisyo para sa kaniya. Ganoon pa man ay pinili niyang nagwika makalipas ng ilang sandaling pananahimik.
"I'm so sorry, Ma'am. Ngunit hayaan mo po at gagawin ko na po ang tama. Papasok na po ako araw-araw sa aking trabaho. Alam ko po na walang magagawa ang salamat. Pero hayaan mo po akong magpasalamat. Maraming-maraming salamat po, Ma'am."
May maniniwala man sa kaniya o wala sa oras na iyon ay taos-puso ang kaniyang pasasalamat
Napabuntunghininga ang supervisor. Dahil hindi nalingid sa kaniya ang reaksyon ng kapwa Pinay. Subalit hindi na niya pinatulan. Dahil sa katunayan ay umaasa pa rin siyang makapag-isip-isip ito ng maayos bago man mahuli ang lahat.
Hanggat maaari ay ayaw niyang mayroong matanggal sa trabaho na kapwa niyang Pilipino. Alam na alam niya ang hirap ng mga OFW upang makaalis ang mga ito sa bansang Pilipinas. Wala ring kasiguraduhan ang kaligtasan ng mga ito sa pupuntahan. Ang kagandahan nga lamang ay skilled workers ito hindi isang kasambahay.
Isa ring OFW ang nanay niya sa bansang Arabyano. Ang maganda nga lamang ay binata ang daddy Hamad niya. At nagkataong anak ng mga amo ng nanay niya. Kaya't ng nalaman nitong ipinagbubuntis siya ay agad nitong ipinaalam sa mga magulang ang lahat. Dahil na rin sa uri ng batas sa bansang Saudi Arabia ay sa Pilipinas nagpakasal ang dalawa. She understands the situations of her countrymen. Kaya't ayaw na ayaw niyang may masamang mangyari sa mga ito.
SAMANTALA dahil na rin sa pang-aabala sa kaniya ng kapwa leona ay naudlot ang biyahe ni Whitney. Subalit hindi siya tumigil. Back to normal naman kasi ang buhay niya simula pa noong ipinaubaya niya si Kenjie ss tunay nitong pamilya. Kahit pa sabihing madalas siyang tumatawag sa mga ninuno nito.
"It's been a while since then. He must be happy in the other world now," bulong niya habang pinapanood ang mga sasakyang wari'y nagpapatentero dahil sa bilis.
Kaso sa kaisipang iyon ay wari'y dinadaya siya ng kaniyanh kasing-gandang mata. Dahil nagpakita sa balintanaw ang kasintahang halos dalawang taon na ring namayapa.
'Go and enjoy your life, sweetheart. Wala ng ibang mas matutuwa kapag tuluyan kang makausad sa buhay kundi ako. I'll br watching you from above with our REDEEMER,' saad pa nga nito.
"Rest and dwell with HIM peacefully, Phillip. Thank you for comforting me even though you are now on your own," aniya.
Damang-dama pa nga niya ang maligamgam na hangin na dumampi sa kaniyang balat.
Kaso!
Sa pagdilat niya sa mata ay eksakto namang pagdaan ng isang motorsiklo na dinaig ang ibon na lumilipad dahil sa bilis!
Tuloy!
Lumaki-laki ang butas ng ilong niya! Naningkit ang bilugang mata!
SA kabilang banda makalipas ng ilang oras na biyahe ng magkapatid o sina Niel at Sam.
"Salamat na lang at ako yata ang kaskasera ngayon," animo'y kinikiliting ipis na wika ni Sam.
"Huwag na huwag ka ng magyaya ng joy ride, Sam! Ako ang lalaki pero ako ang nanenerbiyos sa ginagawa mo," nakasimangot na sagot ng binata.
"Quits lang tayo, Kuya. Ikaw naman oo. At isa pa, bakit ka ba umaangal eh ako naman ang nag-drive," mapang-asar na wika ni Samantha.
"Basta humanap ka ng maisasakay mo na kagaya mong kaskasera. Idol mo yata si Tita Grace."
Hindi pa rin mawala-wala sng simangot ng binata. Aba'y sino ba sng hindi mapapasimangot ng todo-todo kung ganoon kabilis ang takbo ng sasakyan!
ANG hindi nila alam!
Hindi lang sila ang tao sa lugar na iyon at bago pa sila makapalag ay nakalapit na si Whitney sa kanila.
"Ayan, quits na rin tayo sa wakas, lalaki ka! Nang dahil sa iyo ay nakatakas ang hinahabol ko sa airport noong isang linggo!"
Kung hinablot ito ni Whitney ng walang pag-aalinlangan ay ganoon din sa pagbitaw! Pabalang niya itong binitiwan!
D*mn!
Nakakausok ng bumbunan!
Subalit mabilis ding sumakay sa sariling motor. Ngunit muli siyang bumalik at itinapat sa lalaking kinaiinisan! Hah! Jung puwede lang sanang pumatay ng walang kalaban-laban ay ginawa na niya!
"Magkaaway pa rin tayong dalawa, lalaking wala akong balak alamin ang pangalan. Manalangin kang hindi na kita makakasalubong pang muli! Dahil baka hindi lang iyan ang magawa ko sa iyo. Lalong-lalo kapag muli mong mapatakas ang hinahabol ko!" inis niyang sabi.
Then, bumaling siya sa kasama nitong babae. Wala siyang balak alamin kung magkaano-ano silang dalawa ngunit base sa hitsura ay magkapatid.
"Miss, sorry ha. Ito kasing kuya mo. Nang dahil sa kaniya ay nakatakas at nakabiktima sa airport ang kalaban ng lipunan. Enjoy your ride," aniya rito.
Hindi na niya hinintay na may makasagot sa mga ito bagkos ay nagpatuloy na siya sa halos maunsiyami na namang lakad.
Ang kaawa-awang si Patrick Niel.
"Kuya, si ate Whitney iyon. Bunsong anak ni tita Yana kasama nila sina Clarence at Braxton sa banda," bulong ni Sam.
Sa narinig ay napakislot ang binata. Dahil kinakapatid pala niya ang amasonang napadaan at nanghablot sa kaniya! Tito Ninong ang tawag niya sa ama nito dahil ninong niya ito sa binyag at best friend pa ng Daddy Cyrus niya. Sa kaisipang iyon qy napasunod ang paningin sa daang tinahak nito. Kahit pa wala na ito sa paningin.
Kaso!
"Tama! Huwag na huwag nang magsasangga ang landas natin, babae ka! Dahil baka mapatulan kita. Akala mo lang ikaw lang marunong," ngitngit na bulong ni Niel.
"Kuya, crush mo siya ano?" buska naman ni Sam sa nagngingitngit na kapatid.
"Hindi! Hinding-hindi ko siya magugustuhan, Samantha Aguillar! Dahil isa siyang amazona. Wala man lang sweetness sa katawan!" inis pa ring sagot ni Niel.
"Huwag kang magsalita ng patapos, Kuya. Dahil bilog ang mundo. Malay mo baka o kalabaw sa palayan ay siya pala ang nakatadhana sa iyo."
Pambubuska pa lalo ni Samantha sa kapatid na talaga namang sa unang pagkakataon ay nanglait at sa babae pa!
Hindi na iyon pinatulan ni Patrick Niel. Dahil sa kanilang magkakapatid, including their nun sister, ang bunso ang sumalo sa lahat na yata ng kasutilan at higit sa lahat, amazona! Kagaya lang ng babaeng basta na lamang nanghahablot ng kuwelyo sa gitna ng kalsada!
After sometimes ay muli na silang nagpatuloy sa kanilang joy ride.
SAMANTALA sa apartment ni Alfred, kasalukuyan silang nag-uusap ni Bernard.
"Ang tibay ng p*tang iyon, bro, hanep. Ilang buwan na nating tinitira at ginagawang parausan pero buhay pa rin hanggang ngayon," nakangising wika Alfred.
Napaismid na nasamid naman o Bernard sa narinig.
"Tsk! Tsk! Ang slow mo, Pare. Aba'y matibay ang g*ga. Dahil lagi nating dinidiligan. Maniwala ka rin sa akin, Pare. Siguradong natikman na iyan ni pareng Randy sa Pilipinas. Nagsama muna sila bago nag-abroad ang p●ta.
We witnessed how they lust each other when Niel was here. At tayong dalawa, Pare. Sa kaniya tayo nagpapasarap pero matibay siya kamo dahil hindi nagkulang ang fertiliser.
Hindi mo ba napapansin na sa tuwing malapit na tayong labasan sa kaniya eh sumasabay na ang katawan at isa lang ang ibig sabihin niyan ay super libog lang siya. At laging kinikiliti ang tinggil na kulang na lamang ay lagi niya itong kinakamot kaya't matibay."
Nakakainsulto!
Nakakadiri!
Idagdag pa na pagtawa nila mg malakas.
Dalawa lamang sa maaring gawing verb para sa
Hindi agad pumasok sa isip ni Alfred ang mga tinuran ng kaibigan pero nang unti-unti ng tumino sa isipan ay binatukan ang kausap saka nagsalita.
"Og*g ka rin, Tol. May lalabasan ka pang nalalaman diyan eh," nakatawa na rin nitong sagot.
"Oo naman, Tol. Dahil totoo iyon. Sa tuwing naglalabas tayo sa loob niya ay ramdam ko bilang lalaki na nauuna pa nga siyang kilitiin este manginig tanda lamang iyon na sumasabay din ang makati niyang katawan."
Napaismid muli si Bernard dahil sa takbo ng kanilang usapan.
Lumagok muna ng alak o sadiki si Alfred bago nagsalita.
"Maiba lang ako, Pare. Malapit na ang pagbabalik ng loko. Hindi ba iyon nakahalata sa babaeng malibog at makating iyon?" anito.
"Paano makakahalata eh, gag*. Nasa kaniya na ang lahat. Pero hindi yata marunong humanap ng babaeng nararapat sa kaniya. In other words, walang delikadeza basta butas pinapatos." Napabunghalit ng tawa si Bernard dahil sa kaisipang iyon.
Nagpatuloy ang dalawa sa kanilang inuman at ganoon din ang panglalait nila sa taong wala ng ginawa kundi ang magtiwala sa kanila.
TIME flies so fast!
Muli ay nasa paliparan ng Pilipinas ang binatang doctor pagbalik-manggagawa sa bansang Saudi Arabia. But this time ang bunsong kapatid ang naghatid sa kaniya. Dahil nagkataon din na may meeting ito sa Francisco's Corporation o sa corporations na pinapamahalaan ng pinsan nilang si Allick Shane at ang asawa nito na kapangalan nito o Samantha.
"Pasok na, Kuya. Malapit na ang oras ng flight mo," untag ni Samantha sa kapatid.
"Yes, I will, Sam. At maraming salamat," tugon ng binata.
"Susme, paalis na nga lang ay magdrama pa. Walang anuman po. Sige na pasok ka na at aalis na rin ako para makahabol ako sa meeting mamayang hapon," ismid tuloy nito sa kaniya.
"Panira ka talagang bansot ka eh. Makapasok na nga ako. Regards to Kuya Allick and his family. Till next time, my baby bansot," sagot ng binata saka mabilis na pumasok sa paliparan dahil lukot na ang mukha ng kapatid.
Hindi naman sa panglalait sa kapatid niya. Ngunit may kaliitan kasi ito pero carry naman nito ang sarili. Small but terrible nga raw. Hindi na niya inalintana ang pagsalubong ng kilay nito.
The trademark of their family o ng buong angkan ng mga Aguillar ay tupa ang mga lalaki at maldita ang mga babae.
After a few minutes, he waited patiently for the opening of gate 3, where he'll wait for their boarding to the plane. At hindi nga nagtagal ay tinawag na sila ng mga staffs dahil magsisimula na ang boarding.
After he uttered his prayers, tumayo na rin siya at nakihanay sa mga kapwa pasaheros ng Airbus patungong Gitnang Silangan o sa Saudi Arabia.