CHAPTER FOURTEEN

2092 Words
"ANAK, ano ba ang nangyari? Akala ko ba ay pupunta ka ng Ilocos Sur?" tanong ni Terrence sa anak na parang bata na nakasalampak sa sahig. Pero kahit sino sa kanila ang nagtanong dito ay wala itong sinagot. Nanatili itong nakasalampak sa sahig habang yakap-yakap ang sarili. Kaya't hindi na nila ito pinilit na sumagot bagkus ay iginaya nila ito sa upuan. "Dad, wala na siya. Wala na silang lahat," anito habang nakatingala sa kisame. Kaso dahil wala naman silang kaalam-alam sa tinutuloy nito ay sinagot din ito ng tanong ni Ginang Yana. "Sino ang wala, anak?" maang nitong tanong. Subalit imbes na sagutin ito ng dalaga ay iba ang namutawi sa labi. "Take me to the hospital where they took them. I want to claim his corpse, Daddy, Mommy." Instead, she answered. Dahil dito ay muling nagkatinginan ang mag-asawang Terrence at Yana. Marami silang tanong ngunit wala rin silang nagawa dahil iba ang isinasagot. "Patay na silang lahat. Iniwan na nila ako. Si hipag Jhayne, ang kaawa-awang si Sandra at ngayon naman ay ang lalaking tumanggap sa akin sa kabila ng pagka-leona ko." Ilang ulit din itong binanggit ng dalaga ay hindi nila mabilang. At dahil hindi rin nila ito makausap ng matino ay sinunod na lamang nila ang inuulit-ulit nito o ang dalhin sa pagamutan kung saan umano naroon ang kasintahan. "MISS dito ba dinala ang mga biktima sa banggaan ng ten wheeler truck at Partas bus line?" tanong ni Terrence sa nasa information side. "Opo, Sir. May kamag-anak po ba kayo sa biktima? Kasi nasa morgue na ang mga bangkay," sagot naman nito. "Okay, Miss. Maraming salamat. Can you tell us where we can find the morgue?" muli ay tanong ni Terrence dahil parang biglang nawala sa sarili ang anak na si Whitney. "Deretso lang po, Sir. After po ng ICU ay mag-left turn po kayo saka n'yo deretsuhin. Iyon na po makikita n'yo na po ang morgue," paliwanag nito. "Maraming salamat, Miss. Maiwan ka na muna namin diyan." Pasasalamat at pamamaalam ni Terrence saka binalingan ang dalaga na patuloy na umiiyak. "Stop crying na, anak. Halika at puntahan natin ang morgue." Baling niya rito pero kagaya sa mga nauna nilang pagkausap dito ay wala silang nakuhang sagot pero sumunod naman ito sa kanilang mag-asawa. Hindi na lamang umimik si Terrence sa reaksiyon ng anak. Wala silang kamalay-malay sa dahilan ng pagkakaganoon ng kanilang bunsong anak. Inalalayan na lamang niya ito patungo sa morgue ng pagamutan. He almost cursed as he looked into the corpse that was aligned neatly. Kung siya ay napahilamos sa mukha nang masilayan ang mga bangkay ay iba si Whitney. Dahil humiwalay ito sa kaniya at nanginginig na inisa-isang tiningnan ang mga pangalan. At sa may pinakadulo ay tumigil ito at niyakap ang isang bangkay. Ang hindi niya inaasahang sumunod nitong hakbang ay ang pagsigaw nito o mas tamang sabihin na pagwawala nito. In an exaggerated term, kulang na lamang umakyat ito sa ibabaw ng bangkay kasabay ng pagsigaw. "Bakit, Phillip? Bakit ka sumunod dito sa Pilipinas? Ano ngayon ang kinasadlakan mo? Gumising ka riyan parang-awa mo na! Paano tayo ngayon makakapag -usap samantalang iniwan mo na rin ako! Lahat na lang kayo ay iniwan ako! Oo! Galit na galit ako sa kapatid mo ahil isa siyang salot sa lipunan hindi dahil ayaw ko sa kaniya para kay Sandra. Pero bakit ka sumumod dito sa Pilipinas? Bakit? Bumangun ka na diyan, Phillip!" Paulit-ulit na pagwawala ng dalaga habang nakayakap sa wala ng buhay na kasintahan. Kaya naman ay muling pumagitna si Ginoong Terrence. "Tama na, anak. At saka sino ba kasi siya---" Subalit hindi na nito natapos ang pananalita. Dahil ang leona at natuluyan na! "Sino siya, Daddy? Siya ang boyfriend ko, daddy. Ngunit dahil sa kalaban ko bilang alagad ng batas ang kapatid niya ay naapektuhan ang relasyon namin dahil na rin sa akin daddy. Naging makasarili ako dahil bigla ko na lamang siyang iniwasan lalo na ng dumating si Kenjie sa buhay ko. Hindi ko man lang siya binigyan ng pagkakataong kausapin ako at ngayon patay na siya at dito pa sa Baguio nangyari ang lahat. Kasalanan ko ang lahat daddy. Kasalanan ko ang lahat!" Matinis na sagot ng dalaga habang paulit-ulit na sinisisi ang sarili. Dahil dito ay tumawag ng guwardiya ang taga bantay sa morgue. "Tama na iyan, Miss. Kung ayaw mong idemanda ka namin dahil sa pag-provoke mo rito. Kung may kamag-anak kayo sa mga bangkay ay malaya n'yo silang iuwi sa bahay ninyo at huwag kayong magwala rito, " agad-agad na pahayag ng lumapit na guwardiya. Tuloy! Napataas na nga ang kilay ay nagsalubong pa! Nakayakap man siya sa kasintahan ay nagawa pa rin niyang lumingon sa sira-ulong guwardiya! Kaso bago pa man niya maibuka ang labi ay naunahan na siya ng ama. "Sorry na, kapatid. Huwag kang mag-alala dahil uuwi na rin kami," anito. Kaso! Mula sa naghihinagpis ay naging mabangis itong Leon! At bago pa ito mapigilan ng ama ay nakuwelyo na nito ang guard. "Subukan ko kayang patayin ang isa sa membro ng pamilya mo at ng maranasan mo ang mawalan ng mahal sa buhay, you demon! Wanna sue me? Go ahead! Even in the supreme court I don't fuckin' care. Ito lang masasabi ko make sure that you can defend yourself or else ikaw ang idedemanda ko! Now, go away and tell them to make it rush 'cause I wanna take the corpse of my boyfriend. NOW!" Wari'y kulog dahil sa lakas ng pagkasabi ng dalaga. At kung nakakabuhay sana sa mga patay ang lakas ng boses niya sa oras na iyon ay nabuhay na lahat ang mga wala ng buhay sa morgue na iyon. "Anak, slowly makakausap mo naman siya ng maayos kahit hindi mo sigawan." Pagpapakalma ni Terrence sa anak saka bumaling sa nahintatakutang guwardiya. "Sige na, kapatid. Puntahan mo na ang mag-embalsamo at unahin ang boyfriend ng anak ko kahit pa magbayad kami ng mahal," mahinahong sambit. Hindi na sumagot ang lalaki bagkos ay sumunod sa pinag-uutos nila. "I'm really-really sorry, Phillip. Hindi ko naman alam na hahantong sa ganitong sitwasyon ang lahat. Hindi ko alam kung kailan ko mapapatawad ang sarili ko. I'm so sorry." Umiiyak habang nakayakap ang dalaga sa kasintahang halos hindi na makilala dahil sa na-misaligned. Awang-awa silang mag-asawa rito. Dahil kung kailan may kasintahan ang kanilang anak ay saka naman umabot sa ganoong senaryo. Hinintay na lamang nila na matapos ang pinapagawa at habang naghihintay sila ay pinagalaw at ginamit ni Terrence ang connection para mahanap ang pamilya ng boyfriend ng anak na ngayon ay wala ng buhay. Sa tulong ng kaibigan nitong general at mga tauhan nila ay naging madali para dito na isakatuparan ang lahat. "HONEY, hindi ba't si bunso iyon?" tanong ni Ginang Yana na halatang naalimpungatan. Subalit dahil wala namang kaalam-alam ang pobreng asawa ay ibinalik lamang nito ang tanong. "Nasaan si bunso, Honey? Aba'y kung hindi ako nagkakamali ay madaling-araw ps lamang---" "Heh! Kung hindi lang sana binabangungot ang bunso natin ay ayaw kitang katabi! Hala, bumangon ka na riyan at puntahan---" Kaso! "Mama! Papa! Wake up! Mamita is having a bad dreams! I can't wake her up!" Malakas na nga ay kinalampag pa ni Aries Dale ang pintuan ng mga ninuno. Kaya naman ay hindi na nagdalawang-isip ang mag-asawa. Dali-dali silang lumabas sa kanilang silid at pinagbuksan ang nangalampag ng madaling-araw. "Let's go, Papa, Mama. I'm afraid what's the matter with her," agad pa nitong sambit saka nagpatiunang lumakad patungo sa silid ng mamita nito. LATER that day... "ANO ba ang problema mo, Kuya? Aba'y mas mabuti pa sigurong hindi ka umuwi kung ganyan ka lang din na hindi makausap ng maayos!" singhal ni Samantha sa kapatid. Subalit hindi iyon pinatulan ng binata. Dahil totoo namang nawawala siya sa sarili sa tuwing sumasagi sa kaniyang isipan ang kasintahan. "Bunso alam mo bang namimiss ko siya? Halika pala dito at may ikukuwento ako sa iyo para maunawaan mo ako." Imbes na magalit si Niel sa kapatid ay ngumiti siya at iminuwestra ang palad sa tabi. Sumunod naman ito pero parang bata na nakasimangot na para bang ito ang matanda. "Smile ka naman diyan, Sam. Aba'y ikaw din. Hindi kita sasamahan sa pamamasyal mamaya lalo at wala sina Mommy at Daddy," muli ay wika ng binata. Hindi nga siya nagkamali dahil para itong sinilihan sa puwet at biglang lumapit sa kaniya. "Go ahead, Kuya. Dahil makikinig ako sa anumang sasabihin mo. Kasalanan mo kasi. Umuwi ka pa kung hindi ka naman masaya samantalang ilang taon ka ring nawala." Nakasimangot man ito pero alam ng binata na nagtatampo lang ito. Ngunit bago pa ito manumbalik sa pagka-amasona ay nagpakawala siya ng isang malalim na paghinga bago nagsalita. "Way back in Saudi Arabia, may nakilala akong babae in other word nagkaigihan kami sa tulong ng mga kaibigan ko. Naging maganda ang relationships namin even we slept together most of my day off. Yes, it's forbidden in Arab countries, but we did everything. Just give ourselves pleasure. We love each other that much pero ang hindi ko maunawaan ay bigla siyang nagbago. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang siyang umiwas sa akin. After my broke up with Elise( first love daw niya ) sa kaniya lang ako muling umibig. parang nararamdaman ko na maghihiwalay na naman kami. Before, Elise got pregnant by her new boyfriend without my knowledge. Huwag naman sana pero hindi ko maunawaan kung bakit nagkaganoon si Jona. Hindi ko nga nasabi sa kaniya ang dalawa kong promosyon at pag-uwi ko dahil hindi na kami muling nagkita kahit ginawa ko ang lahat upang magkita kami. The truth is I don't know what to do now. Dahil hindi ko rin naman alam kung ano na nga ba ang estado namin o ng relasyon namin." Mahaba-habang paliwanag at pag-amin ni Niel sa kapatid. Nakakalalaki man ngunit anumang oras ay malalaglag na ang butil ng crystal sa sulok ng kaniyang mata. Sa hinaba-haba nang naging pahayag mg Kuya niya ay hinaplos ang puso ng dalaga. Alam naman niya ang tungkol sa una nitong kasintahan. Ngunit ang nakilala umano nito sa Saudi Arabia ay mukhang hindi maunawaan. Then... "Alam mo, Kuya, ang sabi ni mamsy (Lampa) kay kuya JC narinig ko. Kapag nawala sa iyo ang isang bagay hindi iyan para sa iyo. Kapag nadapa ka of course bumangun ka. At kapag tao ang nawala sa buhay mo, aba'y hindi siya ang nakatadhana para sa iyo. Haler you're a good catch, Kuya. Isa kang surgeon, handsome kaso sumubra ka yata sa puti unlike kuya Ethan. And now that you're losing your hope sa relasyon ninyo ng nobya mo aba'y let it be. Sabi naman ni papsy (Sablay)Try and try, but make sure that you'll not die." Sa haba nang advice sa kapatid ay napahalakhak siya sa hulian. Tuloy! Tuloy! Ang nag-eemote na binata ay napakamot sa ulo. "Ang gulo-gulo mong kausap, Sam. Aba'y aba'y---" "Hep! Hep! Walang bawian, Kuya. mamasyal tayo mamaya at you'll pay kahit ano mang magustuhan ko. And I have suggestions, Kuya and I know you'll love it." Pamumutol nito sa kaniya. "You're not helping at all, Sam. Mas na stress ako sa iyo. Ano ba iyon ha?" Hindi tuloy niya matukoy kung natatawa o maiinis siya riro. Kasi sa pagtanong niya ay nagmistulang alarm clock dahil sa bilis ng pagsagot. "Let's have a joy ride, Kuya. And it will be all the way to Baguio," kibit-balikat nitong tugon. Sa narinig ay parang umakyat sa ulo ang lahat ng dugo niya. Pero bago pa man niya ito masagot ay muli itong nagsalita. "Well, you don't have an option at all 'cause I'll not accept no as answer. That's an order." Panggagaya pa nito sa abuela. Well, maka-that's an order pa naman amg mahal nilamg Lola ay takbo agad-agad ang abuelo. "Okay, fine! Ibaba mo na ang hatol. Kailan ba?" sukong aniya ni Niel. Kailan man ay hindi siya mananalo sa kapatid. Buti pa kung ang ate nilang madre ang magsalita. Ngunit madalang lang din itong nasa bansa lalo noong matapos ang aksidenting kinasangkutan o ang plane crashed sa Italy ay naging paiba-iba na destino. "Haller, Dr Aguillar. Siyempre joy ride nga kaya't ngayon na," anitong nakapamaywang. Aangal pa sana ang binata pero hindi na niya naituloy. Dahil bago pala siya nito kausapin ay nakahanda na ang lahat. Nakangiwi na lamang siyang umakyat sa room niya at kinuha ang kit na lagi niyang dala-dala. At bago pa sila tuluyang lumipad este umalis pala ay binilinan muna nila ang mga katulong. At hindi nga nagtagal ay masaya na silang magkapatid na bumiyahe paakyat ng Baguio.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD