CHAPTER THIRTEEN

2463 Words
"JONA, ano'ng nangyayari sa iyo? Mukhang lagi kang wala sa sarili ah. May problema ka ba?" may pag-aalalang tanong ng isa sa mga nurse na kasamahan ni Jona sa trabaho. "Okay lang ako, Sis. Maraming salamat sa pagtatanong." Ngumiti si Jona upang ipakita sa mga ito na okay lang talaga siya. Kahit pa sa kaloob-looban niya ay umiiyak. Maaring hindi kumbinsado ang mga ito kaya't muli siyang kinorner. Pare-parehas naman kasi sila ng duty. "Balita namin ay nakauwi na ang nobyo, Sis. Baka naman namimiss mo lang siya?" tanong ng isa. "Oo, Sis. Noong isang araw pa. Kaso may duty tayo that time kaya hindi ako nakapunta I mean hindi na kami nakapagkita." Masakit mang tanggapin na kahit sarili niya ay niloloko lamang niya upang pagtakpan ang totoo. Kahit gustong-gusto niya puntahan ang nobyo para aminin dito ang lahat. Subalit bukod sa inuunahan siya ng takot ay lagi ring nakabantay ang dalawa nitong kaibigan. Ganoon din sa mga group bonding tuwing day off ay hindi siya pinapatawad ng mga ito. Gagawa at gagawa ng paraan ang dalawa para takutin siya. May sapat naman siyang pera na pambayad ng utang sa dalawa. Pero ayaw namang tanggapin ng mga ito. 'Isusumbong ka namin kay Niel oras na hindi ka sumunod sa akinh kagustuhan! Hanep ka ring babae ka! Imagine ang lucky man ang nadali mo samantalang laspag ka na bago ka pa man niya nakilala. Tsk! Tsk! Tsaka, mahiya ka nga sa sarili mo milyonaryo siya samantalang isa kang basahan kung ikumpara sa kaniya. Basahan na nga may kalive in pang mas gag* sa amin. Mas kilala kami ni Niel kaya't mas mas maniniwala iyon sa amin kaysa makating tulad mo!' Madalas na nga siyang gahasain ng mga ito ay iniinsulto pa siya ng paulit-ulit. "Hey, sis! Bakit ka umiiyak? Aba'y---" Pero hindi na iyon pinatapos ni Jona. Dahil ayaw niyang ipagkatiwala sa mga ito ang ang sekretong iyon ng buhay niya. Nagkamali na siya sa pakikiapid sa binatang si Patrick Niel sa kabila ng katotohanang may live-in partner siya sa Pilipinas. At mas malaking pagkakamali ang paghiram ng pera sa mga taong pinagkatiwalaan. Dahil kahit hindi ang mga ito ang nakauna sa kaniya ay insulto naman ang natamo mula sa mga pinagkakatiwalaang tao o sina Alfred at Bernard. Ang dalawang lalaking paulit-ulit na umaangkin sa kaniya. "I just miss him, sis. Nakakalungkot lang kasi na hindi kami nakapag-usap bago siya umuwi. Pero okay lang. Magtawagan na lang muna kami. Kung hindi ako nagkakamali ay isang buwan lamang ang bakasyon niya. Sige na mga, Sis, mauna na ako sa inyo," tipid niyang sagot sa mga kaibigan at hindi na hinintay na makasagot ang mga ito. She misses him at siya lamang din ang makakasagot sa kaniyang problema. Mas nanaisin pa niyang mapag-isa muna kaysa maging laman siya ng umpukan ng mga ito. At ang hiling niya ay sana the very soonest ay makapagtapat na siya sa lalaking mahal na mahal niya at ng makahingi na rin siya ng kapatawaran both of them Randy and Niel. BAGUIO CITY "WHERE is your daughter, Bro Terrence and Sis Yana? Sa pagkakaalam ko ay nandito sila ni Kenjie?" tanong ni Cassandra sa mag-asawang Terrence at Yana. "Oh, I'm sorry for that, Sis Cassey. Kilala mo naman siguro ang anak kong iyon. Hindi iyon mapakali sa iisang tabi. After niya dumating noong isang araw ay natatanggap siya ng tawag. If I'm not mistaken, call of duty. Kaya't tanging ang apo natin ang nandito," pahayag ni Grandma Yana na kaagad ding sinundan ng asawa. "Huwag kayon mag-alala, Sis Cassey at Bro Andrew, dahil ang sabi naman ni Whitney ay nandito siya sa kaarawan ni Kenjie. Meaning, the day after tomorrow she will be here," anito. Sa narinig ay unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ng mag-asawang Cassey at Andrew. "That's daughter of yours, Bro Terrence and Sis Yana is really amazing. She defeated that man with her own. She has a superior, but her capabilities in doing a job as FBI are incomparable." "Mayroon siyang pinagmanahan, Honey. Remember, kaya kami nagkakilala ni Bro Terrence dahil sa trabaho way back with Pareng Reynold James." Mga ilan lamang sa salitang nanulas sa labi ng mag-asawang kano. At sa kanilang pagpapatuloy ay dumating ang mag-asawang Dennise Joyce at Reynold James. Kaya't mas naging maingay ang kanilang kuwentuhan. Kahit ang isa pa nilang kaibigan na si Ace Cyrus na nasa Nueva Ecija ay nadamay din sa usapan. Ganoon pa man ay naging masaya ang tagpong iyon para sa kanilang lahat. "DUMAAN pala kina bunso ang anak natin, asawa ko?" ani Ginang Weng sa asawang kapwa nasa main living room ng kanilang tahanan sa Nueva Ecija. "Hah! Siguradong singhal ang aabutin sa bunsong kapatid, asawa ko. Aba'y ang sinabi raw ay deretso ng Baguio iyon pala ay biniro-biro lang ang taong maiksi ang pasensiya," tugon ng Ginoo kaso napaupo ng maayos dahil napahagikhik ang asawa. Kaso bago pa niya maibuka ang labi upang maitanong kung bakit para itong kiniliti ay naunahan na siya ng tuluyan. "Susme, asawa ko. Kung kailan tayo tumatanda ay saka ka naman naging mainitin ang ulo. At isa pa, aba'y ang layo naman yata ng sagot mo sa sinabi ko. By the way, tumawag sina Grandma at Grandpa. Kaya't kung ako sa iyo ay maghanda-handa ka na. Dahil tayo na ang pupunta ng Baguio at doon salubongin ang ating anak. At isa pa ay nandito sa bansa ang mga kaibigan nating kano." Paliwanag ni Ginang Weng. Hindi pa rin mawala-wala sa mukha ang tuwa. Matagal-tagal na rin ang huli nilang bonding sa mga long time friends. Kaya't agad-agad siyang pumayag nang tumawag ang kaibigan nilang si Yana. And besides, she knew it very well that they will be having fun! SAMANTALA... "Hey, watch out!" dinig niyang sigaw ng nakabangga sa kaniya. "I'm sorry, Miss. Pero hindi yata makatarungang manigaw ka samantalang ikaw ang nakabangga sa akin," aniya. Kaso hindi siya pinansin ng nakabangga kundi iba ang nanulas sa labi nito. "Holy cow! F*ck! Kung ninamalas nga naman ang tao! Tang●na namang buhay eh!" muli ay mura ng babaeng naka-pure black! Hah! Sa bilis ng kilos nito ay dinaig pa ang mga fergana horses ng mga warriors dahil sa bilis ng pagtakbo. Hindi nga niya alam kung siya ang tinutukoy o kausap nito o hangin. At sa kaisipang iyon ay napasimangot siya ng todo-todo! Hindi lang iyon, napakuyom pa ang palad niya. "Tsk! Tsk! Kababaeng tao ngumiy said hanggang kabilang mundo kung makapagmura." Ngitngit niya. Kaso! "Kuya, sino ang kaaway mo? Aba'y ang nguso mo ay maari ng sabitan ni Grandma ng nga kaldero ah," saad ng bigla na lamang sumulpot! Isa sa mga pinsan niyang si Nurseeporter na si Eula Gwendolyn Aguillar Abrasado. Subalit dahil sa gulat at idagdag pa ang inis sa babaeng makapagmura ay wagas ay paangil din niya itong sinagot! "Heh! Isa ka pa, Gwendolyn! Aba'y maari mo namang ipaalam na nandiyan ka. Hah! Makauwi pa ba tayo ng Baguio kung matuluyan na ako? Susme! Mabuti na nga lamang at wala akong sakit sa puso eh!" singhal niya rito. Actually, hindi naman siya galit. Nagkataon lamang na nagilat siya ng sobra. Well, isa iyon sa rule ng kanilang pamilya. Bawal ang magkakaaway na membro ng pamilya Aguillar. In-laws man o original member. Samantalang imbes na patulan ng dalaga ang pinsang balik-bayan at kinakutsabang huwa ipaalam sa kapwa bunso o ang youngest sister ng binatang maharap ay iba ang namutawi sa labi. Well, nasaksihan naman niya ang nangyari. Nagkataon lamang na bet niya itong kantiyawan. "Alam mo, Kuya, imbes na mainis ka sa lady in black na iyon ay ipagdasal mo na lang na magsanggang muli ang landas ninyo upang maligawan mo siya. Aba'y sa ganda niyang iyon malay mo siya na ang destiny mo at ng magka love life ka naman." Pambubuska niya rito saka umangkla sa braso nito. "Anak, imbes na asarin mo ang kuya mo tulungan mo na lang siya sa paglagay ng gamit niya o mga bagahe niya at ilagay ninyo sa back compartment. Malayo pa ang Baguio." Nakailing na pagitna ni Wild Princess na senigundahan ng mahal na si Kangaroo o Wayne. "Saka, anak, baka naman puweding ipagdasal muna niyang malaman ang pangalan nito bago niya ligawan at magkalove life?" anito. "Daddy, ganoon na rin po iyon. Of course, pangalan muna bago ligawan. Eh, gamoom na rin iyon," nakatawang ani Gwen. Kaya't ang naiinis na pakiramdam ni Patrick Niel ay unti-unti ring napalitan ng tuwa. Isinantabi na lang muna niya ang pansarili niyang inis sa babaeng makamura wagas. And in his mind,'she's beautiful, but she's disgusting 'cause she cursed!' "Thank you po, Mama, Papa. Sa pagsundo sa akin. How lucky I am. Abah ang tiyahin kong wild princess na kapatid ng daddy ko kasama ang bestfriend ng Papa Ruben ang sumundo sa akim at kasama ko pa sa biyahe pauwing Baguio. Huwag na si Eula tot iiwan natin iyan dito sa airport baka sakaling siya ang magkalove life dahil may girlfriend na ako." Buwelta ns lamang ng binata. Well, totoong hindi niya nakausap ang naiwang kasintahan sa Riyadh. Ngunit hindi ibig sabihin ay wala na sila. Kaya't kahit pabiro ang pagkasabi ay pinanindigan niya. "Ang harsh naman ng pinsan ko. Aba'y balikbayan lang, eh akala mo naman kung may love life na," pabiro namang singhal ni Gwen. Alam na alam ng mag-asawang Princess at Wayne na kahit nasa biyahe ang mga ito ay hindi matitigil ang kantiyawan at asaran. Kaya't pumagitna na lamang sila. "Tama na iyan mga anak. Let's go na habang maaga pa kaya't eh tara na nga bago pa uminit sa daan." Pagitna ni Princess. Kagaya nga ng kanilang inaasahan nila wala na yatang gustong manahimik sa dalawa. Bagay naman daw kay Eula Gwendolyn. Dahil bukod sa reporter ito ay registered nurse rin at doctor naman ang binata. Their conversation never stopped until they reached a restaurant where they stopped to have their late lunch. SAMANTALA halos hindi maipinta ang mukha ni Whitney. Dahil isang dangkal na lamang ay maabot na niya ang hinahabol na tao ng bigla na lamang may kung sinong poncio pilatong nakabangga sa kaniya. "What a mess! He ruined everything! Where I'll see that pest again?" inis na inis na sambit ng dalaga. Mula sa pakikipagmaraton sa talipandas na snatcher ay nauwi lang sa wala. Kaya't kulang na lamang ay durugin niya ang sementadong pader na kinasandalan. "Huwag na huwag ko lang makitang muli ang gag*ng iyon. Kasalanan niya ang lahat! Hah! Kung hindi lang sana siya lalampa-lampa at paharang-harang sa daan ay naabytan ko ang l●nt!k" Muli siyang napangitngit dahil sa pagod niya sa paghabol dito. Makaraan ng ilang sandali ay naagaw ang pansin niya ng mga kapwa pasaherong papalabas ng paliparan. Hindi niya alam kung dinaraya lamang ba siya ng kaniyang paningin o hindi dahil ang taong hinahabol niya ay papalabas ng bansang Pilipinas. Kaso! "Wait! Paanong nangyari iyon? Aba'y nanggaling sa kabilang linya? Makalapit nga ako sa kanila," parang bubuyog na sambit ni Whitney dahil talaga namang hindi siya mapakali. "Sir, huwag po sana kayong gumawa ng eskandalo rito. Ako na po ang nakikiusap," malumanay na saad ng guwardiya. "Hindi! Hindi puwedi! Sundin n'yo ang gusto ko at makakaalis tayong lahat dito!" malakas na saad ng snatcher. "Ang lakas ng loob mo, kapatid. Bakit ka gumawa ng kababalaghan dito samantalang nasa public place ka," sabad ng isa sa mga pasahero na naghihintay ng sundo. "At isa pa, ano'ng ginagawa mo rito samantalang sa kabila ka tapos manggugulo ka lang dito. Samantalang papauwi na kami." Hindi na rin nakayanan ng isa at sumabad. Without hesitation, kung gaano niya ito hinabol ngunit naudlot dahil sa lampang poncio pilato ay ganoon din ang ginawa niya. Sumenyas siya sa isa na patuloy lang itong inisin para hindi ma-distract sa paglapit niya. In her mind! Lintik lamang ang hindi makakabawi. Mula pa sa pagtakbo from the parking area up to the arrival area. Then... "Huli ka! Hay*p kang gag● ka! Ang lakas ng loob mo na mangg●go rito sa airport! Akin na ang pitaka ng ale!" mabalasik niyang sabi. As quick as she could! Mula sa likuran nito ay agad niya itong pinusasan. Manlalaban pa nga sana ito dahil inangkang agawin ang baril ng napangangang guwardiya pero agad din niya itong binaril. Iyon nga lang ay pinadaan niya sa tabi ng taenga nito! That was intense, Leona! Mas napanganga naman ang mga mga manonood na tsismosa at tsismoso este mga pasahero dahil sa sumunod na hakbang ng lady in black at kung gaano ito kabilis kumilos. Without a second, bihag na niya ito. Hands at the back! "Ngayon ay patunayan mo ang iyong tapang walang-hiya ka. Pati mga bagong uwi ng bansa ay hindi mo na pinatawad ah. Hindi ka na naawa sa kanila na nagpapakahirap sa ibang bansa para sa pamilya nila tapos you'll just snatched it? Holy cow you damn!" Malamig pa sa bangkay niyang sambit habang itinutulak palayo sa karamihan pero hindi pa sila nakakalayo ay eksakto namang paglapit ng mga securities and personel ng paliparan. "We're really sorry about this, Ma'am. Don't worry, we'll give him the right punishment as well, and by the way, thank you very much for the big help." Paghinging paumanhin at pasasalamat ng mga ito sa kaniya. "I just did the right thing, sir, so there is nothing to worry about as well. Iyon nga lang ay nahuli na ako sa flight ko patungong Gitnang Silangan. Anyway mauna na ako kaysa sa mga palad ko pa mamatay ang hayop na iyan." Kibit-balikat ni Whitney saka hinablot ang wallet na dahilan ng paghabol niya sa mandurugas at nagtungong muli sa kinaroroonan ng ginang o ang may-ari ng wallet. Walang hanggang pasasalamat ang narinig ni Whitney mula sa Ginang. Mabuti na lamang at nagtratravel siya na walang bagahe o malalaking bag kagaya ng karamihan. She can travel na ang bag niya ay bag pack lamang. "Don't worry, Hija. I kept your bag as well. You can check it kung may nawala o nawawala. God will bless a person like you," muli ay wika ng ginang saka iniabot ang bag pack niya na naglalaman ng important documents. Nang masiguradong kumpleto ang laman ng bag niya ay nagpasalamat na rin siya for keeping it saka siya tuluyang umalis sa paliparan dahil late na siya sa flight. She can't imagine barely in the airport ay may mga tarantado pa ring walang ginawa kundi ang manlamang sa kapwa. "The h*ll I care. Maybe it's not for me." Bulong niya sa kawalan. Dahil sa hindi pagkatuloy ng flight niya patungo sa Gitnang Silangan. 'Bahala na ang kalbong iyon kung sino ang maging escort ng abogag* ng isa pang walang magawa sa Saudi na iyon!' Ngitngit pa nga niya. Talagang inis na inis siya! Mukhang pinaglalaruan siya ng kalbong kanong superior niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD