TIM Kinakabahan ako, hindi ko lubos maisip na isang araw ang isang katulad ko na duwag ay sasabak sa isang delikadong misyon. "Tim, ayos ka lang ba? Namumutla ka ata," tanong ni prof Finn. Katabi ko lang siya rito sa sasakyan. Marami kami sa loob at marami pang sasakyan ang nakasunod sa amin. Wala man akong alam sa mga gani-ganito, paniguradong malaki ang haharapin nilang kalaban. "A-Ayos lang po, ako Prof. First time ko po kasi sa ganito kaya kabado po ako. Hindi naman po ako mamamatay, di po ba?" tanong ko. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang nasabi ang mga salitang iyon. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. "Hahahahaha! Kung ako ang tatanungin mo, Tim hindi ko alam. Totoo na delikado ang trabahong sasamahan mo ngayon, nagulat nga ako no'ng bigla ka na lang tumawag para sabih

