Nagising akong nakakulong pa rin sa mga braso ni Ace. Napangiti ako dahil nagising akong siya kaagad ang nasilayan ko. Iniangat ko ang aking mukha at hinalikan siya sa pisngi. Ramdam ko naman ang mas lalong paghigpit nang pagkakayakap niya sa akin kasabay nang paglapat ng labi niya sa aking noo. Ngunit nananatili pa rin naman siyang nakapikit at mukhang antok na antok pa rin. Maliwanag na sa labas at pumapasok na ang sikat ng araw sa bintana at nakaririnig na rin ako nang mga tsismisan ng mga kapitbahay na ke-lalakas at halos magsigawan pa. "Good morning," mahina kong bati kay Ace. "Cute morning, baby ko," bulong naman niya habang nananatiling nakapikit. "Cute ako?" Ngumiti naman siya. "Antok ka pa?" tanong ko ulit at doon na niya bahagyang iminulat ang kanyang mga mata at tumiti