Nang matapos kami sa pagkain ay saka ako nakaramdam ng matinding lamig. Nangaligkig na ako at maya't-maya na ang pagbahing ko. "Kung bakit kasi sumunod ka pa sa akin eh," panenermon sa akin ni Ace habang isinusuot na niya sa akin ang isang makapal na jacket na cotton pants. Inabutan niya rin ako ng isang basong tubig at paracetamol. Kaagad ko rin naman itong ininom. "G-Gusto ko ngang malaman k-kung saan ka n-nakatira eh." Niyakap ko na ang sarili ko dahil parang hindi umeepkto ang suot kong jacket. Nanginginig pa rin ako sa sobrang lamig. "Eh, 'di sana hindi ka naulanan at hindi ka nagkasakit." Bakas ang pagkainis sa kanya. Napakagat-labi na lang ako at hindi na sumagot. Pinagagalitan pa niya ako, eh may sakit na nga ako! Binuhat na niya ako at ipinasok sa maliit na silid. May nakita