ISANG malaki at magandang desisyon ang maging isang Christian. Laking pasasalamat ko na hinatak ako ni Mama at ngayon masasabi ko na iba ang tingin ko sa mga bagay ngayon. Mas pinapahalagahan ko kung anong mayroon ako at higit sa lahat naging matapang ako. Lumakas ang loob ko. Masaya si Caleb na nakikita niya na maaliwas na ako. Biglang gumaan ang paligid. Maging ang mga taong nakapaligid sa akin totoo na ang kanilang mga ngiti. Hindi na tulad noon na ngiti na may tinatagong lungkot. Sumapit ang sabado at maaga kaming nagpunta sa Hospital. Muli, iniwan namin si Nolan kasama ang Yaya sa bahay ni Mama. Bumalik kami kay Doctor Acuzar at nagpasya na nga na sabihin dito ang plano kong magpa-surgery. Mahigpit ang hawak ni Caleb sa aking kamay. Parang sa ganoong paraan ba niya naipaparamdam sa