XELLONIA POV TAHIMIK ang buong paligid ng bahay namin dahil tension na nararamdaman ko sa buong katawan ko. Kailangang malaman na agad nina daddy Santi and daddy Vill ang tungkol dito. Hindi pʼwedeng hindi nila malaman. Kailangang mahuli agad ang Aragon na iyon. Siya ang pumatay sa ate ko. Kailangan niyang pagbayaran iyon. Halos dalawang oras na anong naghihintay sa pagdating nina daddy Santi and daddy Vill. Hindi na ako mapakali, maging si Karen na siyang katabi ko at maging ang ibang kasambahay namin. Nagtataka sila na maaga kaming umuwi ni Karen. Paulit—ulit kong tinitignan ang aking cellphone na hawak ko pa rin. Samantalang si Karen naman ay tahimik na nakaupo sa tabi ko habang mahigpit ang hawak ang sobre na naglalaman ng 100k pesos. “Baby ko!” Napatingin ako saa main do

