Katulad nga noong sinabi ni Roux kanina, maya-maya lang ay natatanaw ko na ang isang malaki at mataas na tarangkahan. Hindi ko alam pero nandio pa lang ako sa loob ng sasakyan ay nararamdaman ko na ang malakas na kabog ng aking dibdib. Nakakaramdam ako ng pamilyaridad, na para bang nakarating na ako rito. Noong tumapat kami sa gate ay binuksan ni Sir Austine ang bintana sa gilid niya. Mayroong guard house roon at mayroon ding isang lalaki na nagbabantay. “Magandang umaga po, sir!” nakangiting bati ng security guard na sumaludo pa kay Sir Austine. Mukhang hindi na niya kailangan pang magpakilala dahil kilala na siya ng bantay. Hindi na kami naghintay pa nang matagal dahil nagbukas na rin ang gate at muling pinatakbo ni Roux ang sasakyan papasok. “Yehey! We are he

