Hindi magkamayaw sa paglangoy si Dominic sa swimming pool dito kina Rianne. Hawak-hawak siya ni Yosef dahil hindi pa talagang abot ng bunso kong kapatid ang ground. Nag-aya kasi si Amara na mag-swimming dito sa kanila ngayon dahil sabado naman at walang pasok. Bukod pa do'n, mainit din ang panahon. At siyempre, hindi kumpleto itong bonding naming magpipinsan kung walang alak na maiinom. Nagluto pa si Tita Malou ng makakain namin bago sila umalis ni Tito kanina. Halos nandito kaming lahat -- maliban na lang sa panganay kong kapatid at kila Diana. Uminom lang si Qino ng kaunti kanina saka na nagpaalam na aalis para puntahan iyong mga ka-member niya sa racing club. Babalik din daw siya kaagad, iyon ang sabi niya. Mayroon daw kasing gaganaping competition next week at siya yata iyong balak na