Sa mismong opisina ni Kian naganap ang kanilang pag-iisang dibdib. Ang kaibigan na Judge nito ang siyang nagkasal sa kanila ki Kian. Simple lang naman ang naging seremonyas ng kasal nila, ganoon pa man kumpleto ang kani-kanilang mga magulang at masaya ang mga ito. Bakas sa ngiti ng kanilang mga magulang ang kasiyahan at katuwaan kahit sa simpleng kasal lamang. Naroon rin ang dalawang kaibigan ni Kian na sina Mayor Harold at ang negosyanteng si Akio Menendez. Single pa ang mga kaibigan ni Kian at nasa katulad din ni Kian na nasa marrying age na ang mga ito, marahil hindi pa lang nahahanap ng dalawa ang babaing pakakasalan ng mga ito. Puting dress ang kanyang suot na bigay pa ng Mama ni Kian, isang luxury brand iyon at collection pa, kaya paniguradong napakamahal ng dress na suot niya. Pin