"Ngayon palang Governor Kian nais ko ng magpasalamat sa iyo para sa gagawin mo kay Amanda," nakangiting pasalamat sa kanya ni Mr. Cruz nang nasa loob na sila ng library. Ngiti at tango ang tanging naging tugon niya rito. Wala naman kasi siyang alam sabihin rito. Hindi naman niya pwedeng sabihin rito na may nangyari na sa kanila ni Amanda kaya hindi na siya makakaatras pa na pakasalan ang anak nito. Dahil sa hindi niya napigilan ang init ng kanyang katawan kaya lalo siyang na obligang pakasalan na ang dalaga, at mapapadali pa iyon. Kung noon nang sumangayon siya kay Mr. Cruz na pakasalan si Amanda ang nasa isip niya ay long engagement at hihintayin muna sana niyang makapagtapos ng pag-aaral si Amanda bago niya ito pakasalan. Pero dahil nga nakalimot siya kagabi at nagalaw na niya ang dalag